Sa panahon ngayon, napakarami nang nagsusulputang mga dance competitions. Ito man ay mapa-barangayan o yung mga tinatawag na mga big events. May mga kompetisyon na namimigay ng malalaking papremyo upang ma-promote ang brand or product nila. May mga kompetisyon naman na nakikipagtagisan sa iba't ibang bansa para sa karangalan. May mga kumpetisyon din naman na para lamang kumita ng pera ang organisasyon o ang kumpanya nila.
Siguro karamihan sa mga yan ay nasalihan mo na. Pagkatapos ng laban ay na-satisfy mo na sarili mo na at least nakalaban ko ang mga hinahangaan ko. Yung iba naman ay sasabihin na at least nakatuntong na ako sa entabladong iyon. Anuman ang dahilan mo sa pagsali sa mga dance competitions ay isang magandang hangarin. Saludo kami syo dyan. Pero kung bibigyan ka namin ng isang kompetisyon na sinsero, may malinis na hangarin o dili kaya ay makapagpapabago sa buhay mo o sa kapwa mo. Yung tipong sobrang saya at galak ng puso mo matapos ang buong kompetisyon. Sasali ka ba? Ang Philippine Dance Cup ay iba sa iyong nakasanayan. Dahil binuo hindi para kumita o makipagsabayan sa iba. Binuo ito dahil para sa Pinoy Mananayaw (sayo!) at sa lahat ng Pilipino. Sino pa ba magmamahal sa atin kung hindi ang kapwa Pilipino. Narito ang LIMANG dahilan kung bakit sasali ang grupo mo sa #PHDanceCup2017: 1. KOMPETISYONG NAGPAPAHALAGA Sa unang araw pa lamang na nakunsepto ito ay malinaw ang naging hangarin nito. Ang MAGSERBISYO at magbigay ng INSPIRASYON sa Pinoy Mananayaw at sa lahat ng tao. Yun naman talaga ang ginagawa ng Dance PH simula't sapul pa. Ang bawat events at activities ng Dance PH ay dahil sa dalawang prinsipyong ito. Madaming aktibidades ang #PHDanceCup2017 na kukurot sa puso ninyo. Alam namin na marami na kayong pinagdadaanan. Alam namin ang hirap ninyo. Bakit hindi natin ito bigyang halaga? Diyan papasok ang #PHDanceCup2017. Nais namin na magaan ang pakiramdam ninyo at puno ng pagmamahal at pag-asa matapos ang kompetisyon. 2. KOMPETISYONG SINSERO Hangarin naman na maging totoo at transparent sa lahat ng oras. Ang kompetisyong ito ang totoong nagmamalasakit sa Pinoy Mananayaw. Abangan ninyo ang mga sorpresa namin sa bawat isa lalo na sa mga kabataan. Hindi lamang kayo sasayaw sa #PHDanceCup2017 kung hindi bibigyan namin kayo ng gagawin at pangkabuhayan matapos ang kompetisyon. Ayaw namin sa Dance PH na nagsasayaw kayo lamang. Nais namin na nagtatapos kayo ng pag-aaral at may hanapbuhay. Iyan ang sinserong serbisyo ang ibibigay namin sa mismong araw ng selebrasyon. 3. KOMPETISYONG MAY PUSO Mamimigay ang Dance PH ng educational scholarship sa mga kwalipikadong Pinoy Mananayaw na nagnanais na makatapos ng pag-aaral. Batid namin ang hirap ng buhay ng karamihan sa mga mananayaw natin. Marami sa inyo ay gusto ipagpatuloy ang pag-aaral ngunit sa kakapusan sa buhay ay hindi na magawa. Kaya naisipan ng Dance PH Founder na si Sir Ryan Angeles na magbigay ng scholarships sa mga mapipiling mananayaw kaagapay ng mga partners at sponsors nito. 4. KOMPETISYONG KUMPLETO Ang Philippine Dance Cup ay hindi lamang isang kompetisyon. Magkakaroon din ito ng Battle, Workshops, at Seminars. Magkakaroon ng Battle upang magbigay-daan sa mga mananayaw natin na makipag-cypher at lalong mailabas ang kanilang galing individually. May workshops din na magaganap sa February 18, 2017 ng tatlong pinagpipitagang choreographers sa pangunguna ni Jay Masta. Ang bawat lider ng mga grupong sasali ay libre nang makaka-attend sa mga workshops na ito. Ang panghuli ay ang seminars na magaganap sa January 28, 2017. Ito ay tatalakay sa pagiging lider ng isang dance crew at iba pang topics na makatutulong sa mga mananayaw. 5. IKAW Oo, ikaw. Ikaw ang dahilan kung bakit may Philippine Dance Cup 2017. Dahil sa kompetisyong ito ay ikaw ang iniisip namin. Kung paano ka magiging mas mabuting mananayaw at mas mabuting tao sa pamilya mo, sa kapwa mo at sa bayan mo. Ikaw ang dahilan bakit namin ginagawa ang ginagawa namin. Ikaw ang dahilan bakit may Dance PH. Aanhin namin ang isang kumpetiyon kung wala ka. Ang Pinoy Mananayaw ang dahilan kaya napapasaya ninyo ang maraming tao. Darating ang inyong pamilya at kaibigan dahil andun ka. Kaya hindi ka dapat mawala. Kailangan pa natin magbigay ng inspirasyon at ngiti sa mas maraming tao. Kapag nagsasayaw ka na sa entablado ay madami kang napapangiti. Madaming natutuwa sayo. Madaming humahanga sayo. Kaya kailangan mong magsayaw dahil may gagawin ka pang maganda sa entablado. Kung nais ninyong sumayaw at sumali ay sundan ang mga accounts namin para magparehistro: Facebook Page: www.facebook.com/phdancecup Facebook Event: https://www.facebook.com/events/1771769063075607/ Para sa mechanics and forms: Facebook Group: https://www.facebook.com/groups/phdancecup/ Panulat ni: Sir Ryan Angeles
0 Comments
Leave a Reply. |
Archives
May 2017
CategoriesPINOY MANANAYAW ka ba? Grab these stylish and cool shirts just for you! Excellent in and out of the dance floor.
Text 0999-4921601 for orders. Prof.
|