Isa umanong planong lutuan ang kumakalat ngayon sa social media matapos ito ay isiwalat ng isang Facebook user. Ayon sa nag-post na nagngangalang Juan Medina, nais niyang ipaalam sa ang mga kalokohan ng mga dance organizers at booker. Ayon kay Medina, nais niyang ipakilala ang mga manloloko at mapanira sa karapatang pantao ng mga dancers. Ayon sa printscreen mula sa isang cellphone. Nag-uusap ang isang organizer na taga-Mapalacsiao, Tarlac na nagngangalang Vaughn Santos at isang booker na si Johann Paulo Magpayo. Sila diumano ay tila nag-uusap tungkol sa isang dance contest. Ayon kay Medina, ang contest ay gaganapin sa Tarlac. Sa unang bahagi ng printscreen, ay binanggit ni booker ang limang (5) crews na Techno Jazz, FOS 417, Junior FMD Xtreme, Names Going Wild, at The Elite Pioneers. Tila nagre-request si booker na lima (5) na ang ipanalo ni organizer. Sa susunod na usapan ay tinanong ni booker kung ilan ang judges na kukunin ni organizer. Sumagot si booker ng "Kala ko 7 dala mo? 5 judges ko... puro dancers lahat." Sumagot muli si booker ng "Royal Dance Crew at Xtreme Attraction." Nagtanong muli si booker ng "Isa n ung aken don?" Patungkol sa judge na manggagaling sa kanya. Bilang karagdagan sinabi ni booker na "Basta lahat ng mapapapunta ko ppnthn (papupuntahin) ko." Sa bandang huli ay nagkasundo si booker at organizer na apat (4) ang manggagaling kay organizer at isa (1) kay booker. "4 judge galing skin... 1 sau" Sa huling bahagi ng pag-uusap ay naitanong ni booker kung sinu-sino ang mga judges at kung mananalo ang mga dala ni booker ay hati sila ni organizer.
"Snu2 mga yan" "Basta kapag nanalo mga akn hati tyo no hahaha" Naging malinaw sa usapan na ang booker ay magpapadala ng contestants at sa kanya na din manggagaling ang isang judge. Ayon sa Facebook post ng booker na si Paulo, ang Champion sa pa-contest ay ang kanyang dala na The Elite Pioneers. Sumunod ang Beat Ex United at X-Force Pampanga.
0 Comments
Leave a Reply. |
Archives
May 2017
CategoriesPINOY MANANAYAW ka ba? Grab these stylish and cool shirts just for you! Excellent in and out of the dance floor.
Text 0999-4921601 for orders. Prof.
|