Sa kauna-unahang edisyon ng pan-regional Asia’s Got Talent ay nanguna kaagad ang mga Pinoy sa pamamagitan ng mga batang Sampaloc na Junior New System o JNS. Apat na hurado kaagad ang nag-standing ovation at nag-yes para makamit nila ang slot sa semi-finals kasabay ng pagtayo ng lahat ng audience.
Ang grupo na binubuo ng siyam na mag-aaral mula sa Ramon Magsaysay High School ay napamangha kaagad ang apat na international judges na kinabibilangan nina 16-time Grammy winner David Foster, Spice Girl Melanie C, Indonesian Rock Icon Anggun at si Taiwanese-American pop idol Vanness Wu. Hindi daw makakalimutan ni Vanness Wu ang grupong ito: “Junior New System is a name that I'm gonna remembered, you guys have the power moves, attitude, have the flare, unique and could be original. Mabuhay!” Ang komento naman ni Anggun ay “When the music starts you dance and the music change there's something new, funny, cute & a lot of things that i love you so much.” Ang UK sensation na si Melanie C ay nagsabing equally balance ang bawat isa samantalang si David Poster ay nagsambit na“Junior New System, Asia's Got Talent has been looking for YOU! Nag-iyakan ang mga miyembro ng grupo dahil sa magagandang komento na narinig nila at sa tagumpay na nakamit nila ng araw na iyon. Nag-trending kaagad sa social media ang pangalang JNS. Pati sa YouTube ay libu-libo na ang views kumpara sa ibang nagtanghal na kalahok mula sa iba’t ibang bansa sa Asya. Sa ngayon, hangad nila na maiangat ang kanilang buhay at kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagsasayaw. Kaya hinihingi nila na sa pagbalik nila sa Singapore para sa Semi-Finals ay patuloy pa rin ang suporta ng lahat kasama pa ang apat na Pinoy na sumabak sa naturang programa. Ang mga hosts ay mga pawing Pinoy din na sina Marc Nelson at Rovilson Fernandez. Mapapanuod ang Asia’s Got Talent tuwing Huwebes, 8:30 ng gabi sa AXN Channel.
0 Comments
Leave a Reply. |
Archives
May 2017
CategoriesPINOY MANANAYAW ka ba? Grab these stylish and cool shirts just for you! Excellent in and out of the dance floor.
Text 0999-4921601 for orders. Prof.
|