Tatlong grupo ng Pinoy Mananayaw ang magiging bahagi sa World Championships of the Performing Arts (WCOPA) sa susunod na taon. Ang Junior New System, Powered IOX Dancers at Powered IOX Duo ang kakatawan sa Team Philippines 2016. Ang WCOPA ay ang tinaguriang kaisa-isang Talent Olympics of the world. Dito nagtatagisan ang mga magagaling na talento sa buong mundo sa awitan, sayawan, pag-arte, pagtugtog ng instrumento at iba pang kategorya. Naging bahagi na dito sina Jed Madela (2005) at si Rhap Salazar (2009) sa singing category. Samantalang nakuha naman ng duo na Xtreme Dancers ang Senior Dance category nuong nakaraang taon. Ngayong taon ay susubukan naman ng tatlong grupo na Pinoy Mananayaw na kamtin ang kampeonato. Ang Junior New System ay ang mga batang mananayaw na mula sa Sampaloc, Maynila. Sila ay naging finalist sa Asia's Got Talent nitong taon. Nakilala sila sa hip hop na sayawan na kung saan ay gumamit sila ng sapatos na may takong. Namangha sa kanila ang buong mundo dahil sa galing nila sa pagsasayaw. Di rin naman matutumbasan ang galing at experience ng Powered IOX Duo at Powered IOX Dancers pagdating sa sayawan. Sila ay grupo ng mga mananayaw mula pa sa Angono, Rizal. Nanalo at naging Grand Champion na rin sila sa iba't ibang dance contest at Got Talent competitions dito sa Pilipinas. Kabilang ang Powered IOX Dancers sa Top 20 Finalists ng Move It na patimpalak ng TV 5 ngayong taon. Ang WCOPA ay gaganapin mula Hulyo 8-16, 2016 sa Long Beach, California, USA. Sa kanilang pagtungtong sa pandaigdigang entablado ay hiling nila ang suporta ng bawat Pinoy Mananayaw at lahat ng Pilipino sa buong mundo.
0 Comments
Leave a Reply. |
Archives
May 2017
CategoriesPINOY MANANAYAW ka ba? Grab these stylish and cool shirts just for you! Excellent in and out of the dance floor.
Text 0999-4921601 for orders. Prof.
|