Susubukan ng Pilipinas na i-break ang Guinness World Record para sa largest hip hop dance sa darating na 2016. Ito ay binuo at i-organisa ng Dance PH sa pakikipagtulungan ng Sinag Dance Community, Sigaw Dance Nation at ng Hip Hop International Philippines iba pang grupo at organisasyon.
Layunin nitong bigyang-pansin ang Hip Hop dance sa Pilipinas lalong-lalo na ng ating gobyerno at mga pribadong sektor. Nais din nitong mapagkaisa ang lahat ng mga Pinoy Mananayaw mula sa community at mga eskwelahan. Kasalukuyang hawak ng USA ang record na inorganisa ng Patti Rutland Jazz Outreach na kung saan nagtala ng 1,658 na Grade School students na sabay-sabay na nagsayaw sa Dothan, Alabama noong Nobyembre 19, 2014. Narito ang link ng video at iba pang impormasyon ng naturang record. Susubukan nating abutin ang 3,000 Pinoy Mananayaw na sabay-sabay na gagalaw para sa Diyos, bayan, pamilya at sa Philippine dance community. Hinihikayat ang lahat ng mananayaw na makipagtulungan dito lalong-lalo na ang nasa Metro Manila at karatig-probinsiya. Ang Pinas Hip Hop 2016 ay isang malaking pagsubok sa dance community at magtatagumpay ito sa pakikipagtulungan ng lahat. Kung nais makilahok at makiisa ang inyong dance crew ay magparehistro ang inyong crew leader sa link na ito https://docs.google.com/…/18ocf2fmzwRVx4ksc99qslF7…/viewform. Matatagpuan naman ang listahan ng mga crews na makikilahok sa Dance PH Facebook page. Kung nais ninyong tumulong upang mag-organisa nito ay mangyaring i-contact si Prof. Louis Ryan Angeles sa kanyang Facebook account or sa 0919-4899316. Nangangailangan ng mga volunteers dito sa mga gawain gaya ng sa Marketing, Administration, Volunteer Head, Choreographer at iba pa. Kabilang na nagbigay ng paunang suporta sina Boss ng Next 2 Innocence at Sinag, Sir Benjamin Madrigal ng HHI Philippines/ Big Shift, Rizza Carganilla ng FMD Xtreme, Abby Borja ng Dance 4 Life, Chips Beltran ng UPeepz, Maui Fernando ng Baguio City, Tito Ricky Sulla at marami pang iba. Suporta at panalangin ang nais natin upang sabay-sabay natin abutin ang pangarap na ito.
2 Comments
mc kevin dubria
9/22/2015 05:25:51 am
if mag participate ba dito dapat talagang dalhin ang whole members sa manila for rehearsals?
Reply
9/22/2015 06:36:49 am
ok lang po ba kung hindi whole group member ang sasama .
Reply
Leave a Reply. |
Archives
May 2017
CategoriesPINOY MANANAYAW ka ba? Grab these stylish and cool shirts just for you! Excellent in and out of the dance floor.
Text 0999-4921601 for orders. Prof.
|