I will start a blog about the dance community here in the Philippines. I will just share my insights and observations with regards to people, places and everything about the dance community specifically hip hop whether inter-barangay or inter-school. Thanks to Kuya Chris Brown for the suggestion. At least may magagawa ako kaysa mag-browse lang sa news feed eh magsulat na lang ako na alam ko makatutulong sa lahat especially sa mga dancers at supporters nito.
My first time I wrote about the dance community is when the first time I attended a Barangayan competition in galas, Quezon City. I just posted it in my wall kasi sobrang natuwa ako sa experience. Ito na ang una kong blog para sa inyo. May Part 1 and Part 2 pa ito. Sa unang pagkakataon ko na makapanuod ng full-length sayawan contest sa Barangay kagabi ay marami akong na-obserbahan. Madaming tao lalo na mga dancers. Humigit-kumulang sa 35 grupo ang naglaban-laban. Lahat may kanya-kanyang bala. Lahat may kanya-kanyang pakulo. Iba't ibang genre makikita mo at iba't ibang paraan ng pag-entertain ng tao. Yung iba solid sayawan lang. Pa-angasan ng lehitimong galawan sa sayawan. Yung iba dinadaan sa tamblingan at stunts. Iba naman ay dinaraan sa komedya. Kung ako tatanungin ay nag-enjoy ako ng husto kumpara sa malalaking dance contests. Ngunit napansin ko din na maraming bata o menor de edad. Napupuyat, hinahagis at nasasaktan. Dinadala natin sila sa matinding kapahamakan kapag sila ay gumagawa ng delikadong stunts. Sana naman minsan ikonsidera din ang kalagayan nila bilang musmos na bata. Alagaan natin ang kaisipan at kaligtasan nila. Ang isang 8-16 anyos na bata ay di dapat na-e-expose sa malaking kahihiyan (nakasuot lamang ng brief at nagsasayaw ng sexy dance) at binibigyan dapat ng maigting na pag-iingat (ang pagtalon sa mataas na palapag at pag-hagis o pagwasiwas sa ere). Nagambala lamang ang aking kalooban. Kapag andun kaya ang DSWD o DOLE ano kaya masasabi nila? Isa lamang itong katanungan na aking hinahain upang ipaalala na mayroon tayong proteksyon sa mga bata. Natutuwa din ako dahil sa kabilang banda ng kalye ay naroon ang mga dancers nanunuuod sa mga stunts ng mga magagaling na tamblingero. Isang eksena ng street dance talaga. Ang gara ng eksena. Nakapalibot sila sa kalye tapos puno ang kalsada at nanunuod ng battle o tamblingan. Sarap panuorin. Sa kabila ng mahigpit na kompetisyon ay tila nag-kakaisa ang bawat isa. Di sila nagpapataasan. Di sila nagyayabangan. Bagkus ay hinahangaan nila ang isa't isa at sinusuportahan. Walang yabang. Lahat alam na mas merong mas magaling sa kanila. Alam nila na isang araw mahihigitan din nila ang mga ito at kinukuha nila itong inspirasyon. Bakit nga ba nila ginagawa ang ganito? Kahit ano pang paraan nang sayaw mo ay sa huli ay nasisiyahan ba si madlang pipol. Na-e-entertain ba sya? Ang sayaw ay ginawa para magpasaya. At ang pinaka-unang katanungan na dapat nasasagot ng mga dancers ay nalulugod ba ang Diyos sa paraan ng kanilang sinasayaw at sa musika nito. Siya ang pinaka-importantemg audience sa contest. Siya nagbigay ng talento. Nagamit mo ba ng tama at wasto? Sa Barangayan, nakakapagod at nakapupuyat man ay masaya pa din ang lahat kahit na wala kang karangalan nakuha. Dahil sa Barangayan ay lahat sila magkakaibigan at nagbibigay ngiti sa lahat. Parang mas nag-enjoy ako sa ganitong set-up ng contest. Kakatuwa lang kasi mas malapit stage tapos kita mo malapitan facial expressions nila. Mas na-express ng dancers sarili nila dahil wala gaano limitations sa sayaw, props at iba pa. Yun nga lang mas mataas ang risk sa disgrasya. Entertainment value? To the highest level. Sana makapanuod ako ulit. Salamat sa Philippine Identity Crew (PhID) sa pagsama sa akin. You can freely share your comments here.
1 Comment
|
Prof.
|