At nabalik muli ako sa mundo ng inter-collegiate competition via U-Belt Dance Duo 3 Semi-Finals at Isetann Cinerama Manila. Seven days na lang ay Valentine's Day na at inabangan din kung sino mananalo sa Grand Finals next week. Teka lang, may ka-date ka na ba sa Valentine's? Ang mga estudyante naghahanap na ata. Yung iba naman ay naiinggit na dahil wala silang ka-date. Yung iba nakikita nila may ka-twosome. Iba ay may ka-threesome. Iba naman ay may ka-foursome. Samantalang siya ay "handsome" lang. Haha.. Kanina mga twosome din napanuod ko. Ang gagaling nila. Sampung duos ang naglaban-laban from FEU (3 entries), PUP (2 entries), EARIST, PLM, ICI, TCU, and UDM. May kanya-kanya silang styles na ipinakita. Something different and unique ang gusto ni Sir Joyie Dimayuga ng Isetann sa edition ng Dance Duo 3. Hindi nga sya nabigo sa mga performances ng mga dancers. I-share ko lang ang personal favorites ko. FEU-IT Manila na sina Fernan and Roland ang nag-Rank 1 sa Semis. Kung Fu ang tema nila. Na-execute nila ng maayos ang combo ng Kung Fu at sayaw. Great choreography. Very entertaining kasi may parang fight scenes. Tapos yung choreography ng hiphop na-integrate nila sa mga moves ng Kung Fu. And the result, a very fantastic performance. Sina Jonell and Michelle naman ng ICI ang second favorite ko. It seems in love sila sa isa't isa sa performance nila. Parang nag-uusap. Parang connected talaga puso nila. Yung choreography nila ay bagay na bagay sa music nila. And yung facial expressions ni Jonell ay laging nangungusap. Parating may nais ipahatid sa mga manunuod. Kumbaga, feel na feel nila ang piyesa nila. They've got Rank 3 this Semis. May third favorite is yung sa FEU Manila na sina Lord Gabriel and Julianne. If yung isang kapatid nila ay nag-Kung Fu sila naman ay nag-Ninja. Umpisa pa lang ay napahanga na ako. Pinaghiwalay nila yung white longsleeves na suot nila sa isang moves at pagkatapos ay nagbuhol ito. Ang signature ng B-Boy moves ni Lord Gabriel ay andun pa din kasabay ng kwento ng laban nila ng kanyang partner. Bago sa akin ang ganung concept kaya nag-enjoy ako sa galing ng performance nila. This time ay Rank 5 ang nakuha nila. Yung sa Rank 4 na FEU na sina Kim and Louries plus Rank 2 na PLM na sina Joey and Albert ay equally magaling din naman. Powerful ang performances ng dalawang duos. Pero siguro naghahnap lang ako ng something na kakaiba na gaya ng hinahanap ng Isetann. And hopefully sa Grand Finals ay they can offer something new sa performances nila. And for the rest of the semi-finalists: UDM - Atila and Joey Boy, Taguig City University - Jumar and Christian Mark, PUP - Aliel and Monsour, PUP - Angella and Joanne and EARIST - Kim and Jans. You are amazing dancers! The performances are well rehearsed. Its just, that, the judges are looking for something unforgettable and that will standout among the contestants. Maybe you can try next year (if di pa kayo graduating ngayon.. haha). Natuwa ako sa duo nina Kim and Jans. Makukulit ang steps nila. Cute tingnan ang galawan nila. Dagdagan pa ng konting chemistry at saka pasabog na choreography sa susunod. I know they can do more pa. This is the first time that they've done this. And I know they will perform well next the next time. Nag-enjoy din ako sa tinagurian kong King of Pop sa Philippine dance community na si Kazuki "Khaki" Asano sa kanyang peformance. Di pa din nagbabago galing niya. Mapa-solo, dup o kasama ang grupo ay di matawaran ang lupit sa pagsasayaw. I-defend nya title nila sa Grand Finals. What important here sa Dance Duo na ito ay nag-enjoy kaming lahat sa performances ng mga contestants. Yan ang di namin makakalimutan. Congratulations to all the winners! Hindi nasayang ang panunuod ko sa inyo. Hopefully sa Grand Finals ay makapanuod ako next week.
0 Comments
Magkano Kada Lapag Niyo? Sa umpisa tila madali lang magsayaw. Ang isang piyesa ng isang dance group ay tumatagal mula 2.5 ganggang 6 na minuto depende sa nais ng grupo o pangangailangan ng kompetisyon. Kung iyong mapapansin ay parang madali lang magpatakbo ng isang dance group. Teka. Hinto muna tayo. Madali nga ba? Dapat natin ikunsidera ang pag-e-ensayo, piyesa, musika, costume, pagkain, transportasyon, registration, kompetisyon, kaligtasan at ugali ng mga dancers. Siguro sa mga susunod kong blog ay iisa-isahin natin ang bawat isang yan. Magtungo muna tayo sa halaga ng ginagastos ng isang crew kada lapag (ang lapag ay termino sa dance community patungkol sa bawat isang kompetisyon o dance contest na kanilang sinasalihan). Sa inter-collegiate naman ay tinatawag itong compete (pinaikling competition). Bago yan, hindi rin pala lahat ng sinasalihan ng mga dance group ay hip hop dance contest o puro sayawan lang lalo na sa barangayan. Mayroon din tayong tinatawag na "Got Talent"na kung saan halu-halo ang mga talento gaya ng pagkanta, pagma-magic, pagpapatawa at iba pang kakaibang talento. Sa bawat lapag o compete ay nag-i-invest o namumuhunan din ang mga bata. Narito ang ilan sa kanilang kinukunsidera at sa huling bahagi nito ay susumahin natin ang lahat. Ilatag muna natin ang mga assumptions na ito. Sabihin natin na sa bawat estima natin ay mayroong 15 miyembro bawat grupo at dito lamang sa Metro Manila sila lumalaban. Narito na ang pagtatantya: REGISTRATION/ QUOTA: Normally, sa barangayan nagre-range mula P150-P500 ang quota bawat grupo. Minsan ay indibidwal ang singilan. Minsan naman ay libre lamang ang pagsali kapag generous ang nagpapa-contest o kaya may sponsor sila gaya ng Coca-Cola o Globe o kaya ay budget ng barangay o indibidwal. Sa inter-collegiate naman ay madalas libre. Bakit? Kasi sponsor ng mga pribadong kumpanya gaya ng Skechers, Ego, Crissa, Smart at Isetann. O kaya yung mga NGO gaya ng Dance 4 Life ay kumukuha ng mga sponsors. COSTUME Depende sa disenyo ang halaga ng costume. Depende din kung full costume. Pero sa pagtatantya na ito full costume ang ating gagamitin. Kung simple lang mas mura gaya ng t-shirt, pantalon at sapatos. Tatakan lang ang t-shirt ay swak na. Nagkakahalaga simula sa P150 ang t-shirt, pantalon P250 at sapatos P450 (pekeng Vans na mabibili sa Divisoria). Ang suma total ay P850 kada dancer. Meron ka nang pang-costume. Minsan nagdadagdag pa sila ng malalaking handkerchief (di ko alam tawag dun) bilang disenyo. If gusto nyo ng mas bongga at mas maganda gagastos siguro mula P1500-P2500 kada dancer lalo na kapag pasadya talaga ang costume. TRANSPORTATION Di naman maaari na maglalakad lang ang 15 dancers kasama ang kanilang manager o handler ng dis oras ng gabi. Kailangan nila ng sasakyan para makapunta sa mga kompetisyon para di sila ma-haggard at fresh sila pagdating sa venue. Ang isang crew sa barangayan ay umaarkila na lang ng jeep. Siksikan sila dun lalo na at sumasama minsan ang mga supporters, bf/gf at iba pang tao na may koneksyon sa crew. Ang halaga ng jeep ay mula P800-P1200 depende sa layo at ilan ang mga lalapagan. Kapag sa mga kolehiyo naman ay minsan nanghihiram sa school service o kaya taxi or commute. FOOD Ito ang isa sa mga mabigat na challenge ng mga bata especially sa barangayan. Imagine 15 hungry stomachs ang papakainin for 8-12 hours. Pero dahil gusto nila magsayaw kaya minsan di na sila kumakain o kaya hati-hati na lang. Siguro P75 per head is enough na for a good meal para sa magdamagang contest kasama na ang isang baldeng tubig. Hehe.. Sa inter-collegiate naman mga P150-200 depende kasi aabutin minsan yan ng dalawang meals at sa mga malls o arena pa ginagawa ang mga events. Summary of Expense for 15 member crew: Registration/ Quota = P500 Transpo = P800-P1200 Food = P1,125-P3000 TOTAL = P2,425-P4,700 per night Costume = P12,750-P37,500 **hiniwalay na natin ang costume dahil one time expense naman ito Mga basic pa lang ang mga nabanggit natin. Kaya maari pang lumaki ito. Conservative na din ang pagtatanya natin. Sa madaling salita, napakahirap ang mamuno ng isang grupo lalo't ganyan kalaki ang pangangailangan kada lapag. Pero dahil may puso at wise ang mga dancers kaya nakaka-survive. Paano nga ba sila nakaka-survive? Ibang usapin naman yan. Ito lamang iiwan ko sa inyo. Ang sabi sa Biblia ay "ask and you will receive, knock and the door will be open." Humingi lang tayo sa Panginoon. Katukin natin ang pinto ng langit para tayo ay pagbuksan. Kung ang bulsa ng magulang, kaibigan, kaklase o sinumang supporter nyo ay limited. Si Lord naka-UNLIMITED sa langit. Lahat ng natanggap mo ay galing sa Kanya. Kaya lahat ng matatanggap mo ay manggagaling pa din sa Kanya. Kaya umpisahan mo nang manalangin at humingi. Dahil si Lord di mauubusan. Siksik liglig umaapaw ang biyaya sayo. :) |
Prof.
|