Umaga pa lang ng March 7, 2015 ay super excited na ako umalis ng office kasi ayaw ko ma-miss ang Dance 4 Life Season 3. Bukod sa magagaling ang mga dance crews na mag-compete at world champions ang mga guests ay nagagalak ako na maging bahagi ng isang DC na laan para makatulong sa ibang tao. 5:30 PM ang labas ko sa office pero ayaw pa ako pauwiin ng boss ko. "Ryan 5 minutes pa." Sabi ni boss. Lumipas ang 5 minuto di pa din siya tapos sa kausap niya ay umalis na ako. Walang paalam. Kasi nga baka mahuli ako sa DC. Nagkita kami sa Starbucks Vito Cruz ni Renier. Kapitbahay namin. 18 years old na black belter sa Taekwando na mas minahal na ang pagsasayaw ngayon. Pasok sa Rizal Memorial Stadium. Humingi ng media pass. First time kong magkaroon nito. Excited kong sinuot ang ID. Pagpasok ko sa loob ay marami-rami na din ang tao. 7 minutes bago mag-umpisa. Nakita ko ang isang magandang dilag na naka-all white. Si Ms. Abby Borja. Ang founder ng competition na ito. Una ko pa lang siyang makita at marinig magsalita nung Season 2 ay alam ko na may kakaiba sa babaeng ito. Iba ang puso niya. Iba ang passion niya towards other people. Alam mong may pinaghuhugutan siyang malalim kung bakit niya ginagawa ang ginagawa niya. Alam mong espesyal siyang tinawag para sa proyektong ito. There is a passion in helping other people. You can feel the Spirit of God being glorified in everything that she do and say. The competition started in a while. Upo lang ako. Wait. Naalala ko di ako nandun para umupo lang. Andun ako para magtrabaho. Andun ako para gumawa ng kwento. Inaya ko kasama ko. Sabi ko tara ikot tayo. We need to ask the leaders of each group para ma-tag sila sa article na gagawin ko. Umikot kami. Isa-isang kinausap ang mga crews. Mababait sila. Sa sobrang bait nila hindi sila naiinis sa akin dahil ilang beses ko silang nilapitan para tanungin. Ang hindi ko alam ay nakausap ko na pala sila. Umakyat kami sa General Admission section ng Stadium. Andun ang ibang crews. Nakita ko si tokayo ko na Presidente ng TIP Aeon Crew. "Ryan, i-tag kita sa article ko for this event ha." sambit ko sa kanya. "Ay, di mo makikita yung tag sa akin" wika niya. "Bakit?", tanong ko. "Di alam ng magulang ko na nagsasayaw ako." sagot niya. Nabigla ako. Isang aktibong presidente ng isang magaling na dance crew ay di alam ng magulang ang pinag-gagawa niyang pagsasayaw. Isa pala itong sikretong malupit. May mga dancers din pala na sumusuway sa magulang para lamang ipagpatuloy ang nais ng puso nila. Marami na ako nakausap na ganyan na natatakot na ipaalam sa magulang na may practice or competition sila. Kasi di na sila bibigyan ng baon. Patitigilin sa pag-aaral. Ikukulong o palalayasin ng bahay. At minsan ay napapalo o nabubugbog pa dahil sa pagsasayaw. May mali ba sa pagsasayaw nila? May masama ba sa ginagawa nila? O natatakot lang ang mga magulang nila na may mapabayaan sila habang nagsasayaw gaya ng pag-aaral, gawaing bahay, relasyon sa pamilya o relasyon sa Diyos? Anuman ang dahilan kung bakit itinatago ng mga mananayaw ang pagsasayaw sa kanilang magulang ay sa kanila na yun. Walang masamang sundin ang nais ng puso na makapagsayaw for as long as wala kang ginagawang masama. Try nyo kaya ipaalam ito sa magulang nyo lalo na achievements nyo. Baka magbago isip nila. Malay mo lang. Try mo lang. Iba pa din kasi yung pagsunod sa magulang. "Children, obey your parents in the Lord, for this is right. “Honor your father and mother”—which is the first commandment with a promise-- “so that it may go well with you and that you may enjoy long life on the earth.” - Ephesians 6:1-3 Ipinagpatuloy ko ang pag-iikot sa stadium hanggang sa matapos ang competition. Sa 25 crews na sumali ay isa lamang ang mananalo at pupunta sa Singapore kasama ang buong crew. Sobrang magagaling lahat. Di ko man napanuod mabuti pero nakita ko ang karamihan sa kanila. Di matatawaran ang galing ng bawat isa. Nag-exert sila ng effort just to help others. Nakakataba ng puso na sumali sila hindi lang dahil sa premyo ngunit para sa ibang tao na rin. Di lang taga-Manila schools lang ang sumali. May taga-Rizal at taga-Baguio pa. Si Maui Fernando ng St. Louis University's Alab Danse Troupe ang nanguna para makapunta sila sa competition. Sabi nya very challenging pagpunta dito pero nagawan ng paraan. Dumating pa sa gabing yun ang dalawa sa World Champions pagdating sa sayawan. Ang napakabait at humble na FMD Xtreme (2014 & 2013 World Supremacy Battlegrounds Champion) at ang A Team (2014 Hip Hop International Champion). Sila ay nag-perform at nagbigay ng oras para makatulong ng walang hinihintay na kapalit. Nakatutuwang isipin na nagagawa nila ang bagay na ito ng taos sa puso. Ano bang meron ang mga dancers na ito? Ano bang puso meron ang mga leaders nila? Ano nga bang puso meron ang D4L? Ano nga ba ang sikretong malupit nila? Actually, it is an open secret why they are doing what they are doing. 4 letters. LOVE. They love their craft. They love their team. They love others. They love God. Love is the fuel that ignites their passion for dancing. Without love we are nothing. And where do we get love? "This is love: not that we loved God, but that he loved us and sent his Son as an atoning sacrifice for our sins." - 1 John 4:10 We get love from its author. Jesus. I hope that we continue to love. Because love conquers all. At dahil diyan, narito na ang mga nanalo at listahan ng schools na binuhos ang kanilang pagmamahal sa laban na ito: CHAMPION - FEUsion (Far Eastern University) 1st Runner Up - UPeepz (University of the Philippines) 2nd Runner Up - Red Fox Dance Company Team B (Eulogio "Amang" Rodriguez Institute of Science and Technology) 1. Rebels - St. Louis University, Baguio City 2. Young Artist Society - UE Caloocan 3. PUP Dance Squad - PUP 4. Athenas - St. Louis University, Baguio City 5. Aim Point - Camp Gen. Aguinaldo High School 6. Built As Crew - Adamson University 7. SanLo Dance Crew - Colegio de San Lorenzo 8. FEU Artist Connection Exude Dancers - FEU 9. AMA Groovenet Company - AMA East Rizal 10. Groove One - PSBA 11. Red Fox Dance Company Team A - EARIST 12. Supreme Outset - NTC 13. LPU Wildstyle - Lyceum Manila 14. Buffalo Street - FEU 15. Point of Wood - NTC 16. The Collaboration - PLM 17. Templars Dance Company - PLM 18. Aeon Crew - TIP Manila 19. Philippians Dance Ministry - OLFU 20. Uprising Dance Crew - UPHSD 21. World Citi Dance Company - World Citi Colleges 22. SDC - Colegio de San Lorenzo Congratulations to everyone!
2 Comments
Call time ay 8:00 PM sa Caloocan DC kagabi. Syempre yung kasama ko group ay pumunta ng maaga para di maabutan ng cut-off. Pagdating ay nagpa-register kagaad. Pang-15 ang nakuha nila. Tuwang-tuwa kasi maganda naman yung slot. Umabot na ng 12:30 ng umaga di pa din nakakasayaw sila dahil ang dami pang naganap sa stage. Ito pa matindi. Mahigit 75 (opo seventy-five!) ang magsasayaw sa gabi na yun. Hala sya! Ano kaya naisip ng organizer at ganun ginawa. Di man lang nagbigay ng cut-off para di kawawa yung mga bata kakahintay at kaka-asa. Alas-siyete ng umaga natapos ang contest. Buti na lang may nakuha silang place kagabi. Pero di yan ang kwento ko. Syempre bago ka makarating sa venue ng contest ay kailangan mo ng sasakyan. Dalawang sakay mula sa Sampaloc hanggang sa City Hall ng Caloocan. Excited ako pumunta kasi dalawang linggo na din ata ako di nakakapanuod ng dance contest. Nataon na malapit-lapit sa bahay yung DC kaya sumama na din ako. So, ang sabi ay mag-commute na lang kami papunta duon. Sabi ko alam ko ang lugar dahil kabisado ko na naman kahit papaano at nakarating na ako dun sa La Consolacion College - Caloocan. Sakay muna ng jeep pa-Divisoria tapos sasakay ng Sangandaan sa pila duon sa tulay ng Moriones malapit sa Tutuban. Sumakay kami sa ilalim ng tulay ng Nagtahan ng pa-Divisoria. Mga labing-apat yata kami. Nauna yung iba sumakay tapos sumunod ako. Tapos yung iba sumabit dahil puno na ang jeep. Dire-direcho lang ang jeep hanggang makarating ng Recto. Ako natulog pagkatapos magbayad dahil sa napagod ako sa trabaho. Ikaw ba naman umikot sa sampung colleges and universities maghapon ewan ko lang di ka mapagod. Haha.. Ako naka-akap lang sa bag ko samantalang ang ibang kasama ko tahimik lang sa byahe at yung iba naman ay nagkukwentuhan. Yung mga nakasabit ay panay tanaw lang sa kahabaan ng Recto Avenue. Tanong ng driver: "Sinu-sino itong pitong nagbayad?" Sabay turan ang mga sakay kung sino na mga nagbayad. Yung ibang di pa bayad ay nag-abot na. Yung iba hindi na. Maya-maya may bumaba na pasahero. Sapat na para maka-upo yung mga nakasabit. Ang siste hindi sila umupo. Alam na. Nakarating kami sa Divisoria at iniwasan namin yung night market dahil magulo duon. Dumaan kami Abad Santos tapos P. Algue sabay pasok sa Tutuban Mall hanggang makarating sa pila ng Sangandaan. Mahaba ang pila. Inaya ko isang dancer na sa harapan ng jeep umupo. Nanakit pa tuhod ko dahil sa kakamadali sa pagsakay sa harapan ng jeep. Tumama sa bakal. Ang sakit. Kwentuhan kami ni manong driver. As usual, puno ang jeep at sumabit ang ibang dancers. Mga apat ata sila tapos yung dalawa sa estribo umupo. Umuusad ang jeep kahit ma-traffic. Nagbayad na kami at yung iba. Pagdating sa Gagalangin ay madami bumaba. Sapat muli upang makaupo ang mga nakasabit. "Pumasok kayo! Madaming upuan." sambit ng driver. Nagturuan sila at yung iba naman ay nanatiling nakasabit. "Yan na nga ba sinasabi ko eh. Kasamahan nyo ba yang mga yan?" tanong ni Manong. "Opo." sagot ko. "Mga dancers, nangangarap sa buhay." Bwelta ko para naman mahabag sa amin ng kaunti. Dire-direcho ang byahe. Nag-usap lang kami ng katabi ko. Tapos si manong driver ay patuloy na naghahanap ng pasahero sa kalye. "Oh, tumabi kayo dyan. Paano makakasakay ang mga pasahero?" Nayayamot na banggit ni manong driver. Hanggang sa kwinentuhan ko na lang si manong para di na niya mapagbuntungan ang mga nakasabit. Ayun at ibinaba na kami sa City Hall ng Caloocan. Mabait naman si manong. Nagpasalamat ako pagbaba namin. Gaya ng una kong kwento sa itaas. Pagkatapos ng contest ay umuwi na din kami at sumakay na muli ng jeep. Walang byaheng Dagupan Divisoria puro Ilaya Divsoria lang. Tinawag ko isang jeep na walang laman kahit Ilaya siya. Matanda na yung driver. Maputi ang buhok. Nakaputing t-shirt. Sabi ko sa mama na Dagupan na lang siya dahil marami kami. Ayun pinalitan ang signboard at saka kami sumakay. Again, sa harap kami ulit ng kasama ko kanina nung papunta sumakay. Kami lang sakay ng jeep kaya nagtaka na naman ang matandang driver bakit may nakasabit. Pinapasok niya mga bata pero yung apat nanatili pa din sa labas na parang walang narinig. As usual, malungkot si lolong driver dahil mayroon na naman di magbabayad sa loob-loob niya. Direcho byahe. Yung ibang dancers napagod. Nakatulog na. Iba nakasandal sa katabi. Iba nakatingin lang sa bintana ng jeep. Mabilis lang ang byahe namin dahil gabi na hanggang ako ay makababa na sa Pavia Street. Nagpa-alam na ako. Nagpasalamat sila at kumaway pauwi. Sa pagsama ko sa kanila ay lalo akong humanga sa passion nila towards their craft. Gagawin nila lahat para makasayaw lang. Sa murang edad nila (14-19) ay nagagawa nilang bumiyahe sa gabi at makipagsapalaran sa buhay. Nagagawa nilang i-risk ang kanilang kaligtasan para lamang mabigay ang hilig nilang sumayaw at lumaban sa kompetisyon. Di biro ang pagsabit ng jeepney dahil nakakapagod ito. Di rin ito ligtas dahil baka mapag-tripan ka habang nakasabit. Maaari rin kapag naaksidente ay una kang titilapon sa kalye. Maaari rin masira hinahawakan mo o makabitaw ka habang nakasabit. Pero dahil sa kakapusan ay napipilitan silang gawin ito para lang di makatipid at makarating. Ipinagbabawal ang pagsabit sa jeep. Kung ikaw naman ay sasabit ay maaari ka namang magbayad o hindi. Depende sa driver kung maniningil. Ano ba talaga rule kapag nakasabit? May bayad o wala? Pero kung may upuan naman atang available ay marapat lamang na umupo ka na at magbayad. Nauunawaan ko ang mga bata. Maraming beses ko na sila nakakasama at alam ko pangangailangan nila. Basic need nila ang transportation. Mahirap para sa kanila ang paghahanap ng pamasahe para makalaban lamang sa iba't ibang lugar mapa-Manila man o probinsiya. Challenge nila ito lagi. Kaya if may kakilala kayong mga dance group na kaya nyong tulungan ay tulungan nyo. Ikakagalak nila ito. Sa mga dancers, isipin nyo din kaligtasan niyo. Isipin nyo din ang pagiging matapat sa lahat ng bagay. Isipin nyo din na pare-parehas din kayong nangangailangan. Isipin nyo din na magpasalamat. Ako ay bilib sa inyong passion sa pagsasayaw. Marahil karamihan sa mga dance group ay naranasan na ito o di kaya ay nagagawa pa din sa kakapusan. Mag-ipon kayo siguro. Iwasan muna siguro bisyo. Yosi o alak. Mag-ipon kayo para sa pagsasayaw nyo. Dahil mas mabuti ito para sa inyo. Sa mga Manong jeepney driver, maraming salamat sa pag-unawa sa mga bata. Pasensya na din minsan at makukulit at nagagawa nila mga ganuong bagay. Bahala na po si Lord magpala sa inyo para sa kabutihan nyo. Huwag nyo lang sila sasaktan. Pagsabihan nyo na lang po ng maayos gaya ng mga ginagawa ng karamihan sa inyo. At huwag nyo din po lalahatin ang lahat ng dancers. Kapag may grupong sumakay sa inyo wag nyo kaagad pagbintangan. Minsan kasi willing sila magbayad lalo na at meron naman sila. Paghandaan niyo bawat laban nyo para wala tayo nasasagasaan na ibang tao. Baka kasi tayo naman ang masagasaan sa susunod. :) |
Prof.
|