Bukod sa kulang ng members ang dance group nyo at ang mga nanatili naman sa inyo ay may kanya-kanyang problema sa buhay. Gaya ng di pinapayagan ng magulang mag-practice, conflict sa schedule sa pag-aaral at kung anu-ano pa. Ang major problema niyo talaga ay PERA!
Tama ba? Syempre, paano ka sasayaw kung wala kang pang-costume, pang-quota, pamasahe at pangkain. Sige, try nila di ba? Kaya isang malaking problema ng grupo talaga yan. Actually, problema naman ng lahat ng tao yun eh. Kaya narito ang 6Ms para may panggastos ka sa bisyo ng pagsasayaw. 1.MANGHINGI sa Pamilya Sino pa ba susuporta sayo kundi pamilya mo. Si Tatay mo may trabaho. Si Nanay mo nagba-budget nito. So, sila talaga ang matatakbuhan mo. Karamihan naman ng mga dancers ay sa pamilya nanggagaling ang pera. Dahil ikaw ay bata pa. Tungkulin nila ang ibigay pangangailangan mo. Hikbi. Pero huwag mo ding kalimutan ang tungkulin mo sa kanila. Give and take brad. Mag-aral mabuti at magsipag para tuloy tuloy ang biyaya kay erpats at ermats. Speaking of kalimot, huwag mong kaligtaan yung ate/kuya mo na nagtatrabaho. Si pinsan o tito/tita mo sa abroad. Baka pwede mo sila chikahin muna ng kaunti sa Facebook chat tapos saka mo i-segway yung pangangailangan mo sa pagsasayaw. 2.MAG-IPON at Magtipid Ang the best talaga ay matuto kang mag-ipon. Huwag masyadong palagasta. Tigilan mo na kaya yang pagyoyosi mo. Baka magka-cancer ka pa sa baga. Pati yung MJ at bato mo isama mo na din. One hour ka lang sa isang araw mag-internet, Facebook, LOL o DotA. Tapos gawin mong thrice a week lang. Huwag ka na pumusta sa basketball. Walang nananalo sa sugal. Ikaw pa din talo sa huli. At lahat ng matitipid mo mula sa mga gastos na yan ay ilagay mo sa alkansya o itabi mo. Kapag naipon ay swak na swak na yan para sa pangangailangan mo. Imagine mo, kung makakatipid ka ng sampung piso sa isang araw at i-multiply mo sa 30 days. Mayroon kang tumataginting na P600.00 sa bulsa! Isa pa, huwag ka muna pasosyal. Saka na muna mag-Starbucks o food chain. Umuwi ka sa bahay nyo at dun kumain. Try mo din mag-carinderia. Iwasan mo muna din bumili ng mamahaling damit. Pogi o maganda ka pa din naman kahit simple porma mo eh. 3.MAGBANAT ng Buto Ay! Kulang pa din ba kahit tinigil mo na mga bisyo mo at nagtitipid ka na sa pagkain? Oras na siguro para magtrabaho ka. Sideline ka muna. Kung di ka nag-aaral ay magtrabho ka full time lalo na at nasa tamang edad ka na. 18 years old above pwede na mag-work full time. Yung mga menor de edad ay mag-sideline ka as assistant sa mga negosyo ng kapitbahay o pamilya mo. Ang pera kasi ay pinaghihirapan kaya try mo din paghirapan. Tapos may self-fulfillment pa. Di ba? May pera ka na, responsable ka pa. Lalo na kung ang pamilya mo ay naghihikahos sa pera. O kaya graduate ka na tapos di ka pa nagwo-work. O di kaya ay may asawa’t anak ka na. Pinaka the best option ito. Magbanat ka ng buto. Kumuha ka na ng bio-data o resume mo at bukas na bukas mag-job hunting ka na. 4.MAGSOLICIT sa Ibang Tao Ito ay para sa mga medyo kapalmuks ng kaunti. Kaunti lang naman. Sila yung mga malalakas ang loob na lumapit sa ibang tao at magbigay ng letter para manghingi ng kaunting halaga para sa pagsasayaw. Walang nakakahiya dito at effective din ito. Yun nga lang dapat madami at malawak ang networks mo. Simulan mo mag-ikot sa mga barangay officials, kapitbahay, negosyo, FB friends, textmate, ex-girlfriend, organisasyon o sa kahit di mo kakilala. Umpisahan mo nang gumawa ng letter o kausapin mo na yang nasa isip mo ngayong tao. 5.MAGTABI ng Papremyo Galingan nyo sa pagsasayaw para naman manalo. Tapos kung ano ang napanalunan sa contest ay gamitin sa pagsasayaw. Pag-usapan ninyo saan gagastusin ang napanalunan. Itatabi ba para sa grupo o kanya-kanyang parte. Tapos maglaan ka para sa pagsasayaw kapag nakatanggap ka. Kung may hawak kayo ngayon ay itabi nyo na. Huwag mo ding kalimutang magtabi para sa sarili mo. I-comfort mo din minsan sarili mo ng isang Sundae sa 7-11. 6.MAGDASAL sa Panginoon Ang Diyos Ama ang may-ari ng lahat ng bagay sa mundo. Siya ang gumawa ng langit at lupa. Siya ang naka-unli pagdating sa kayamanan. Sa Kanya tayo manghingi. Di Niya tayo pababayaan. Basta maganda ang motibo n gating kahilingan. Ilan lamang yan sa mga praktikal na maaari mong gawin para di sumakit ulo mo tuwing may contest na nalalapit. Dagdagan mo ng sipag at tiyaga sa labas ng dance floor para may bala ka kapag magsasayaw na sa entablado. Tumayo ka na ngayon at magiing excited sa mga magagandang mangyayari sayo at sa grupo mo. May iba ka pa bang alam para magkaroon ng budget sa pagsasayaw? Share it to us.
2 Comments
|
Prof.
|