Nang i-PM ako ni Bryan Garcia upang maging media partner ang Dance PH sa Dancer's Association of the Philippines (DAP) Grand Launch at Dance Competition ay walang atubili akong umoo dahil na rin sa magandang layunin na alam kong mayroon ang grupong ito. Kahit wala nang letters at conditions ay yes kaagad ang Dance PH. Ginawan kaagad namin sila ng poster para mas presentable ito. Kasama namin ang Filipino Dancers na nag-promote at tumulong dito. Alam ko personally na maganda ang layunin ng asosasyon na ito upang mapangalagaan ang mga dancers at lahat ng manunuod ng mga dance competitions. Dumating ang araw ng kompetisyon. Galing ako sa klase sa Mendiola ay agad-agad akong tumakbo patungong LRT upang sumakay pa-Valenzuela. Hindi ko alam ang lugar. Di pa ako nakakapunta sa People's Park Amphi-Theater ng Valenzuela. Kahit inabot kami ng malakas na ulan patungo dun ay hindi kami nagpatinag bagkus ay nagpatuloy kami sa pagbyahe dahil alam namin na magiging masaya ang competition at maraming dancers ang lalapag sa contest na ito. Pagbaba namin ng jeep ay namangha ako sa ganda ng lugar. Park talaga. Maganda ang tanawin. Mayroong animoy damuhan na kung saan naroon ang mga dancers na nakaupo at ang iba naman ay nagpa-practice. Ang daming tao at ang ambiance ay masaya. Lalo na at alas singko ng hapon. Hindi masyadong maaraw at hindi rin maulan. Perfect ang tambayan ng mga dancers. Nang pumasok ako ay nakita ko din ang amphi-theater. Pero bago ang nakapasok ay mahigpit ang security sa bawat butas ng Amphi-Theater. May mga tali ang bawat butas para hindi makakapasok basta-basta ang ibang tao o dancers. Madaming naka-kulay violet na DAP uniform. May mga security din ang Park na nagbabantay. May mga taga-linis din sa paligid. Mahigpit ang security na kung saan ang entrance at exit. Bawal umexit sa entrance at bawal pumasok sa exit. Di ba? Basic na batas na dapat pinatutupad para maging maayos ang lahat. Yung CR ay malinis at may bantay din. Saan ka pa? Datapwat di nagsimula sa oras ng event na gaya ng naipangako ay naging maayos pa din ang lahat. Makikita mong pinaghandaan ang ilaw, stage, queuing ng dancers, music at iba pa. Dumating lang yung time na naantala ang contest dahil may pasaway na dance crews na hindi pumipila habang malapit na siang mag-perform. Gayundin, ang music na palpak at hindi tumutugtog. Mga basic na problema sa isang dance competition na maaring maiwasan kapag pinasa na kaagad sa organizer bago ang kompetisyon. Magagaling ang mga nag-perform at madami sa kanila ay mga taga-Norte gaya ng Malabon, Navotas, Valenzuela, Bulacan dahil nga malapit lang ito sa venue. Natagalan lang ako sa isang artista ata yun na kumain ng mhabang oras. Pero magaganda naman yung mga sinasabi niya at nag-enjoy ang lahat lalo na ng magsayaw si ate na napakaputi at mukhang Haponesa. Lupit ni ate at nag-enjoy ang lahat lalo na ang Barangay Tibay.
Sa nangyaring kompetisyon na ito ay nabawasan ang stress ng mga dancers. Pati ako. Hindi ako masyadong nakakita ng kahinaan ng nag-organize nito. Ang galing! Isang Ice Cream Clap para sa inyo. Clap. Clap. Clap. Ahhhmmmmmm.... Mahusay din naman ang dalawang hosts na nasa entablado. Mabait si kuya na nasa technical booth na pinayagan akong mag-charge dahil nauubos na yung battery ng cellphone ko na ginagamit ko sa pag-picture. Pinaghandaan. Yan ang masasabi ko sa DAP contest na ito. Alam nila ginagawa nila dahil matatagal na sila sa larangang ito. Nirerespeto din ang mga taong ito. Kudos kina Mommy Moneth ma kahit di ko kakilalang mabuti ay naging magiliw ng ipinakilala sa akin. Gayundin, kay Tito Ricky Sulla na maasikaso at tinanong pa ang mga grupo na kasama ko kung okay lang at maayos. Simpleng pag-aalala ay malaking bagay na sa isang kagaya ko. Kay Bryan Garcia na kung saan-saan tumatakbo dahil sa concern na concern para mas maganda ang contest. nandyang ayusin ang hilera ng mga susunod na magpe-perform. Tapos ang pinakamatindi dun ay nang makita nya na may dancer na nasaktan matapos bumagsak sa tambling ay agaran siyang tumakbo sa backstage at inalam ang kalagayan nito. Sa mga Violet Boys at sa People's Park staff salute sa inyo kasi ang babait ninyo. Maasikaso at courteous. Ang mga papremyo din ay nag-uumapaw at nabigay ng maayos sa mga nanalo. Ang gagaling ninyo. Bilang karagdagan na lamang ay iminumungkahi ko na bigyan na lang sa susunod ng highlights sa programa kung ano ang layunin ng DAP ng sa ganun ay alam ng mga dancers bakit mayroon tayo nito. Nagkaroon din sana ng ceremonial launch para rito. Muli, binabati ko ang DAP sa isang matagumpay na event! Saludo kami sa inyo ngayong Araw ng mga Bayani! Para sa mga larawan ng mga crews ay bumisita sa Dance PH Facebook page dito.
1 Comment
Marami ang na-excite na sumali na dance crews ng malaman nilang may pa-contest ng isang tenant ng Isetann mall sa Recto Avenue sa Maynila. Maayos kahit papaano ang venue dahil nasa Cinema 3 ng mall. Ang pa-contest na ginanap nuong August 30 ay inorganized ng Triple A Abrenica Film Productions. May mga pakulo pa sila na mga "artist" na darating daw. August 28, araw ng Huwebes, ala-una ng madaling-araw ay dumating ang GM mula sa isang Julius Bergado na nagpakilalang "Event Host" tungkol sa Criteria for Judging ng contest. Nabigla ako nang mabasa ko na para manalo ang mga dance crews ay kailangan bumili ng tickets ang mga supporters ng crews na nagkakahalaga ng P100 bawat isa kasi kasama sa Criteria for Judging ang Ticket Sales. 30% lang naman ang katumbas ng ticket sales. Huwattttt??? 30% na benta ng tickets para mapatunayan mong magaling ang isang dance crew? Paramihan na ba ito ng bentahan ang dance contest ngayon? At bukod pa dun ay may 20% pa na Audience Impact. Walang masama na maglagay ng Audience Impact at Ticket Sales sa Criteria basta maliit na bahagi lamang ito ng kabuuan. 5%-10% max ay pwede na sa ganuong factor. Dahil importante din naman ang tingin ng manunuod sa contest. Nag-reply ako sa text nila at sinabi ang aking opinyon hinggil sa criteria. Ang kanilang kasagutan ay aayusin nila ito at babaguhin. Si kuya na event host ay text ng text din na search din daw ito para maging back up dancer nya sa kanyang 3rd solo concert nya na ang special guest niya ay si Sarah G. Sinong Sarah G? Geronimo ba o panlinlang lang sa mga dancers? Si kuyang event host/organizer/coordinator ay isang baguhang recording artist din pala. Multi-tasking siya. Sinasaladuhan ka namin. In fairness, Mr.Julius Bergado ay napaka-courteous mo sa pagsagot sa aming mga katanungan. Kinabukasan, bandang alas-dos ng hapon ay nag-text siyang muli at nabago na ang criteria. Ang 30% na Ticket Sales ay naging 20% na at kasama na ang Audience Impact. Nawala ang 30% na Stage Performance at naging 40% Choreography (saan naman kasi nanggaling ang Stage Performance? hehehe). Ang Technicality/Music na 20% ay naging 30% na Execution. At naidagdag nila ang 10% na Costume. Still, sinabi ko pa din ang aking opinyon na ang TICKET SALES ay hindi dapat maging bahagi ng criteria. Maaari silang magbenta ng ticket pero hindi nila dapat inoobliga ang mga mananayaw na maghanap ng audience para sa kanila. Kung gusto nila may manuod ng contest nila ay gumawa sila ng paraan at huwag nila iipitin ang mga dance crews sa pamamagitan ng criteria upang madaming manuod sila. Nagbayad na sila ng quota na P500 at marahil ay sapat na yun. Yung malalaking mall events o contest nga ay wala silang quota eh. Tapos libre pa mga audience sa panunuod tapos kayo ganyan. Ang pa-contest mismo ng Isetann Mall na U-Belt 6 ay no registration fee at free sa audience ang panunuod. Gayundin ang Dragon 8 Mall, Fisher Mall at 999 Mall. Pagkatapos ang Triple A Abrenica ay pinagbabayad ang dancers at manunuod. Anyway, okay lang magbayad basta makatwiran at hindi dadaanin sa ipitan. Sa madaling salita, hindi ako manunuod sa dance contest na iyon at hindi sila susuportahan. Pangalawa, nasabi ko ang sarili kong opinyon sa mga dance crews at sinabing bahala na sila mag-decide sa sarili nila kung sasali o hindi,. Dumating ang araw ng contest ay 25 crews daw ang sumali out of 50 na nagpalista.
Araw ng contest ay alas dos ng hapon ang call time ng mga dance crews. Ayon sa aking mga nakakausap na dancers ay bandang alas-kwatro hanggang alas-singko nag-start na event. Sana naman ay nag-start sa oras sila. At natapos na daw lagpas alas dose ng madaling-araw kung saan sarado na mismo ang Isetann Mall. Isa pang hinaing na dumating sa akin ay biglaang naging ELIMINATIONS lang daw ang nangyari kagabi. BIglaan mga kuya? Bakit ganun. Biglang may finals pa ulit. Sana naman ahead of time pa lang ay na-inform nyo na lahat. Complete mechanics dapat at hindi kung kailan po nasa contest na ay saka kayo mag-a-announce ng kung anu-ano. HIndi kaya't wala kayong pambayad sa papremyo kayo po naging elims lang ito? At ibibigay nyo na lang sa Finals premyo nila? Last one pa, ang limit ng members na sinabi ay 6-25 na dancers lang daw. May dumating na DUO bandang alas-siyete ng gabi at nakiusap daw na kung maaari ay sumali sila. Pumayag ang organizer dahil nakiusap naman daw yung dalawa. Triple A Abrenica kung alam nyo po kung mag-organize kayo ng competition ay siguraduhin ninyong may isang salita kayo. Paki-siguro po na maayos lahat ng inyong patakaran, mechanics, criteria at papremyo. Ang dance competition ay pinaghahandaan at pinamumuhunanan ng mga dancers. Pawis, hirap, pagod, pagsusumikap, dasal at sakripisyo ang puhunan ng mga dancers bago sila sumabak sa isang kompetisyon. Kung sila naman ay maaagrabyado dahil sa mga hindi maayos na pamamahala ng mga dance organizers ay masyado naman silang bumababa. Ang kanilang mga pinaghirapan ay mistulang nababalewala. Handa silang lumaban dahil alam nila ang kompetisyon na sasalihan nila ngunit kung biglang magbabago at di masusunod ang mga alam nila bago ang kompetisyon ay mistulang naloloko sila at naaapakan. Kagaya na lamang din sa Dance For Peace sa MOA na kung saan ay hindi nasabihan ang mga kasali na wala ng concept ang laban. Sana maging maayos pagpapatakbo ng dance contest ng mga organizers. Kung walang alam ay MAGTANONG. Magsaliksik kung paano ginagawa. PAGHANDAAN mabuti para pare-parehas na panalo lahat. Panalo ang audience, panalo ang dance crews at panalo ang organizer. Everybody happy! Kaya para sa Triple A ito po ang iiwan ang tatlong A para sa inyo: AYUSIN- ayusin pong muli ang criteria at may panahon pa para kayo bumawi sa finals. ALAMIN - mag-research kayo kung paano mag-organize sa isang kompetisyon. Ang mga mananayaw namin ay marurunong at bihasa sa mga ganyan. Buhay nila ang dance contest kaya alam nila kung ano ang nararapat para sa kanila ASAHAN - Asahan po ng mga dancers at manunuod na ibibigay nyo lahat ng makakaya nyo para maging maganda ang event ninyo. Asahan din po nila na maibibigay ang naipangakong premyo. Patunayan nyo na lang po na kaya nyong bumawi sa nakaraang pagkakamali. Yun lang! God bless your competition! Update nyo kami ha. :) Nakapagsulat ka na ba ng love letter sa taong mahal mo? Ano ang iyong pakiramdam? Siguro napapangiti ka at minsan naman ay naaalala ninyo yung napagdaanan nyo. Minsan ang love letter ay yung kumakapit pa sa nararanasang pagsubok sa buhay ng inyong relasyon. Ang love letter mo minsan ay nagbibigay ng pag-asa sa inyong relasyon. Punung-puno ng matatamis na salita sa bawat isa. Punung-puno ng mga pangako at pag-asa. Bilang mananayaw ay marahil ganito ang iyong magagawang love letter dahil sa pagmamahal mo sa pagsasayaw. Halina't basahin ang nilalaman ng puso ng isang mananayaw. Dear SAYAW, Narito ang ilang palatandaan kung ikaw ay isang dancer.
DANCER KA KUNG.... 1. Napapaindak ka kahit walang tugtog 2. Pinasayaw ka na sa isang party or sa school 3. Aalis ka ng gabi at uuwi ka na ng umaga 4. Napapatigil ang tao kapag sumasayaw ka na 5. Pinasayaw ka na sa isang party or sa school 6. Aalis ka ng gabi at uuwi ka na ng umaga 7. Madalas wala kang pera pambili ng costume at pang-quota 8. Kilala mo ang Philippine All Stars, A-Team at FMD 9. Napapasayaw ka kahit saan 10. Uma-attend ka ng mga workshops o dance class 11. Pangarap mo makatuntong sa world stage 12 Gusto mo makabili ng magandang sapatos gaya ng original Airmax o Vans na itim 13. Loyal ka 14. Nagmamadali ka para di ka ma-late sa practice nyo 15. Inuuna mo pag-aaral mo kaysa sa sayaw 16. Gusto mo lagi magpalakas 17. Alam mo yung kota, lapag, booker, compete, big event, lutuan at barangayan 18. Alam mo ang popping, locking, krump, g-style, waack, bboy, at urban 19. Alam mo ang HHI, WSB, at WOD 20. Nagpa-practice ka sa dance studio, school, kalye, basketball court, tapat ng school o barangay o sa plaza 21. May nagpapaturo sayo magsayaw o magpa-remix ng music 22. Ilang beses ka na pinapatigil ng magulang mong sumayaw pero nagsasayaw ka pa rin 23. Pagkatapos ng sayaw ay sabay-sabay kayo mag-vow 24. Pagkatapos ng contest ay mag-food trip kayo ng grupo 25. Tubig lang sapat na 26. Naparusahan ka na ng choreo o leader nyo 27. Nagdadaldalan kayo habang nagmi-meeting 28. Kilala ka sa school o lugar nyo dahil sa grupo nyo 29. Alam mong magdasal sa Diyos 30. Nagdarasal kayo bago at pagkatapos ng performance nyo 31. Nasayaw mo na ang Nae Nae 32. Nabasa mo na ito at i-share mo sa iba Namulat ako sa mundo ng dance contests na masama ang imahe ng mga booker. Marami ako naririnig sa kanila na hindi maganda dahil na rin sa karanasan ng mga dancers sa kanila. Sa lahat ng mga nagsusumbong at nakakakwentuhan kong dancers ay parating masamang imahe ang binibigay ng mga ito sa mga booker. Minarapat kong alamin kung sino at ano nga ba ang isang booker. Nakakuha ako ng mga impormasyon mula sa mga nirerespeto nating personalidad sa dance community at ilang mga dancers. Alamin natin kung sino nga ba ang mga booker sa mga barangayan dance contests. SINO NGA BA ANG BOOKER? Nuong later part ng 2009 ay nauso ang mga booker. Di pa gaano uso ang Facebook noon. Kaya di pa kalat ang info ng mga dance contests. Wala pang nagpo-post kaya mahirap makahanap ng dance contest. "Ang booker ay nauso mga 6 na taon mula ngayon sila yung humahanap ng laban mula sa ibat ibang barangay na halos kabisado na nila ang petsa ng kapistahan ng mga ibat ibang barangay.", pahayag ni Tito Ricky Sulla, kilalang taga-suporta sa dance community. "During late 2000 ang mga booker namamayagpag kasi wala pa mga post for dance competition.", pahayag ni Mars ng Junior New System. Ang mga booker ang nakakaalam ng mga fiestahan at pacontest sa barangay. Sila ang mga sumusuyod sa mga barangay para magbigay impormasyon na may dance contest na magaganap. At sila ngayon kokontak sa mga hawak nilang dance group upang sumali dito. Sila yung mga humihingi ng porsyento sa mga grupo na mananalo na nabigyan nila ng impormasyon. Halimbawa, si booker ay may nalamang dance contest sa isang fiestahan sa Quezon City. Ipapaalam niya ito sa mga dance crew na contact niya. Madalas mga malalakas na dance crews kinukuha ni booker para siyempre mataas ang tsansa na manalo. Kapag nanalo halimbawa ng P5,000 ang group na hawak niya ay kukuha siya ng porsyento dito kapalit ng pagbibigay niya ng impormasyon at pag-aasikaso. Ang porsyento ay depende sa usapan nila. "Malaki ang papel ng booker sa mundo ng mananayaw ng wala pa ang info sa mga page at FB. Mano mano ang hanapan ng contest sa bawat lugar at taguan ng info dati.", dagdag ni Tito Ricky. Ito naman ang deskripsiyon ng isang booker na nakapanayam ko: "Ang booker ang naghahanap ng mga contest. Nag- aasikaso ng sa mga dala nilang dancer at nagsisilbing proteksyon ng mga dancer. Ang booker may kanya-kanyang lugar yan eh. Dapat masiguraduo mong ligtas yung mga dala mo." "BUKER" NGAYON Dahil nga kalat na ang mga info ngayon sa dance competition mula sa iba't ibang indibidwal at Facebook page ay naging madali na sa mga dancers na makahanap ng dance contests saan mang panig ng Pilipinas. Kaya halos wala na ginagawa ang mga booker ngayon. Hindi lingid sa kaalaman ng dance community na may mga lutuan na nagaganap sa ilang mga dance competitions ngayon. At ilan sa mga itinuturong dahilan ay ang mga "buker". (Note: Ginawa kong Tagalog ang ispeling sa mga booker na may di magandang ginagawa) Nagbago ang imahe ng mga booker dahil sa mga ilang gahamang indibidwal na sumisira sa mga dance contests. Ano na nga ba ang ginagawa ng ilang mga "buker" ngayon? Ang mga "buker" ngayon ay kokontak ng mga dance crews. Kakausapin ng "buker" kung gusto manalo ng grupo dahil may kokontakin o may kontak na sila sa mga judge o organizer. Matatapos ang magdamag at may tatanghalin nang kampeon. Ang mananalong grupo ay yung may nakausap na booker. Si "buker" ay makakatanggap ng porsyento mula sa napanalunang cash prize at gayundin ang kausap nitong organizer o judge. Kaya kung P5,000 ang premyo ng dance group ay mababawasan na ito dahil sa porsyento ng "buker" at ng organizer o ng judge. Naglalaro mula 5% hanggang 20% ang porsyento nila. May mga "buker" pa nga na mismong manager o leader ng group ang nakikipagsabwatan sa organizer o judge. Naalala ko nuon na nadudulas yung mga dancer na nakakausap ko na kaya pala sila nanalo dahil niluto ng manager nila. Ang ilang "buker" ngayon ay naghahanap pa ng dance group na mas mataas ang makukuha nilang porsyento. Mas mataas ang porsyento, mas papaboran ng "buker" na ipanalo sa gabing iyon. "Ang labanan lang naman sa mga pagbu-book ng mga dancers ngayon is pataasan lng ng porsyento na makukuha na naka-depende sa presyo ng prize na makukuha sa isang laban or contest. Yung iba pera pera lang walang personalan kung saan mataas ang porsyento syempre doon sila.", pahayag ng isang group na aking nakapanayam. Tinanong ko kung may nanluluto kong "buker" sa Maynila at ang sagot ng booker na ito ay: "Meron din at hindi lang buker pati organizer ay lumalaban ng 50-50." Itong mga "buker" na ito ang nagpapasama sa imahe ng orihinal na imahe ng isang tunay na booker nuong late 2000s. Sila ang nagpapahirap sa mga dance crews na nagtyatyaga at nangangarap na manalo sa malinis na paraan ngunit sinisira ng iilang gahaman na "buker". Nang aking tanungin si Tito Ricky kung ano masasabi niya sa mga "buker" na nanluluto o nandadaya ay ito ang kanyang pahayag "Buwaya ang tawag ko sa kanila at yung epal na miron ng contest sa loob ng 24 years ko sa mundo ng mananayaw." MATINONG BOOKER May ilang matino pa din daw na booker ngayon. Sila yung mga tapat na nagbibigay ng information sa mga dance crews. Sila ang mga walang sawang sumusuporta sa dance community. "Mga nakilala kong tapat na booker ay si Kuya Jose, Manong Bumbay, Mami Susan at iba pa. Sila mga tapat sila. Tulung-tulong sa pagpapakalat ng info sa contest ng mga nagmamalasakit.", dagdag ni Tito Ricky. Katunayan ay may nakilala akong booker na pumorsyento lang kasi nabigyan niya ng impormasyon ang grupo na kakilala ko. Inimbitahan niya at nang manalo ng P2,000 ay kumuha na siya ng porsyento niya. KAILANGAN PA BA NG BOOKER SA NGAYON? Nang makausap ko ang isang booker. Ang sabi niya di lahat ng booker daw ay masama. Kagaya niya daw na isang booker. Ang pagbibigay daw niya ng info ay bukal sa kanyang kalooban. Ngunit kailangan daw minsan na itago ang ilang kompetisyon para siya naman daw ay kumita dahil gumagastos din siya. Ilan sa tinutukoy niya ay mga DC sa probinsiya. Sa loob-loob ko, kung bukal sa loob ang pagtulong bakit kailangan na may itatago ka para sa sarili mo? Narito naman ang opinyon ni Mars: "Sa kabilang banda nakakatulong sila kasi nalalaman nila mga contest na tago. Pero ngayon kasi di na kailangan ng booker kasi naka-post na lahat ng competition sa net." "Kung tutuusin di na kailangan ng booker sa panahon ngayon. Ang importante ang dancers mo ay maraming kaibigan na kapwa niya dancers kasi halos sila-sila ang nagpapasahan ng info.", komento ni Tito Ricky. MAGPAPA-BUK KA PA BA? Sa pangkalahatan ay maganda ang ginagawa ng mga lehitimong booker nuong panahong wala pang open info sa mga contests. Ngunit sa ngayon ay nabahiran na ito dahil na rin sa iilang makasariling indibidwal. May kwento pa nga ang ilang grupo na hindi ibinibigay ng mga "buker" na ito ang mga napanalunang premyo sa dance group. Matapos nilang ibigay ang pang-quota, mag-perform at manalo ay hindi ibibigay ng "buker" ang premyo ng grupo bagkus ay sinolo nito ang lahat. Nasa mga dance group na kung sila ay magpapalakad sa mga "buker" na nais lamang ay lamangan ang kapwa. Hindi maganda na nagpapakahirap ang mga 30 dance group sa isang gabi at pagkatapos ay gagapangin lang ng ilang indibidwal upang ipanalo ang manok nila. Sabi nga ng isang taga-dance community: "Huwag gawing hanapbuhay ang dance contest." Lalo na kung sa di mabuting paraan nangggaling. "Siguro ang pananaw ko sa ibang booker. Nakakatulong mas mapabilis makahanap yung mga dancers ng contest. Some nanghihingi ng 10% ok lang kasi sa kanila naman galing yung contest. Pero yung ibang booker kasi bu-book ka nila kasabay na ang alok na pwesto. Minsan sila ang nagiging dahilan kung bakit pumapangit ang imahe ng mga street dance contest dito sa atin. May ibang pumapatol. May ibang umaasang mananalo sila sa kanila sariling kakayanan.", pahayag ni Rizza Carganilla ng FMD Xtreme. Sa mga dance groups, kung anong ayaw niyong gawin sa inyo ay huwag niyong gagawin sa kapwa ninyo. Sa mga organizer at judge, respetuhin natin ang pagod at hirap ng nakararaming dance groups na lumalapag sa contest ninyo. Sa mga "buker", mag-isip tayo ng ibang hanap-buhay at hindi panlalamang sa kapwa. Sa mga lehitimo at tapat na booker ay saludo po kami sa inyo. Nawa'y protektahan at alagaan natin ang mga dance groups lalo na ang mga baguhan sa mga iligal na gawain ng ilang indibidwal. Saan ka pupunta? Sa booker o "buker"? |
Prof.
|