Kapag sinabing faithful agad natin ito kinokonekta sa pag-ibig. Ang pagiging loyal natin sa ating kasintahan o sa ating asawa. Ngunit bilang dancer ay dapat din natin alamin kung paano maging loyal sa bagay na nagpapasaya sa atin - ang PAGSASAYAW. Matthew 25: 21- "well done, you good and faithful servant! Said his master. You had been faithful in managing small amounts, so i will put you in charge in large amounts. Come on in and share my happiness." This passage talks about being stewards. Lahat tayo pinagkatiwalaan tayo ng Lord ng mga bagay na ipinagkatiwala satin. Tulad na lang ng talento sa pagsasayaw, ipinagkatiwala sa atin and therefore God is expecting us to be faithful. How can we be faithful sa pinagkatiwala satin (pagsasayaw)? 1. Dance AS IT IS FOR THE GLORY OF GOD. Above all this must be the content of your heart. 2. Dance with pure intention and pure heart. Never to boast never to ruin other dancers and show humility at all 3. Dance with great joy and a passionate heart. Bawal ang tamad, bawal ang burn out. Do not do everything as it is obligation but dance as if it is your service to the Lord who entrusted you to dance. 4. Dance as your ultimate purpose is to be used by God for His glory. We know nothing is an accident. If you are a dancer and been dancing that is not an accident. God has allowed you to become a dancer for the completion of His purpose. So while dancing continue to search for that purpose and make sure all glory and praises are directly offered to the Lord. Everytime God has saw you dancing. You are putting a smile on Jesus face. Is that very motivating. Why? Its because He saw us using what He has given us. Kaya kapatid sayaw pa, itodo mo pa, ibigay mo pa, pag ganun napapangiti mo ang Lord.
We see in the verse, that if you become faithful in what God has given you, the greater blessing will be upon you. God will ask you to trust a bigger role and that God will promote you as you become more faithful and faithful to Him. Jerome Navarro Dance PH Junior Correspondent, Team Genesis
0 Comments
Ang bayani ay hindi lamang makikita sa libro o sa mga monumento. Sila ay mga buhay na tao na may busilak na puso na kahit sa malaking pagsubok ay hindi masisira ang paninindigan at prinsipyo sa buhay. MAINIT NA KOMPETISYON Nais kong ipakilala sa inyo ang mga bayani sa katatapos na Isuzu Danz Max Championship na ginanap nuong Oktubre 13-15, 2016 sa SMX Convention Center. Ito ay paligsahan ng Isuzu Philippines Corporation kasabay ng kanilang Isuzu Auto Expo. Ang Isuzu Danz Max Championship ay tagisan ng mga Pinoy Mananayaw mula sa iba’t ibang panig ng Metro Manila at karatig-bayan. May dalawang category ito na pinaglalaban-labanan (Open and College Division) na kung saan ang mananalo ay magkakamit ng P100,000. Sa araw ng Final Round nuong Oktubre 15 ay idineklarang kampeon ang UPLB Street Jazz Dance Company Fatale para sa College Division at Nitrous Image Crew para sa Open Division. Masaya ang lahat sa resulta dahil sadyang magagaling ang mga nanalo. TABULATION ISSUE Matapos ang kompetisyon ay kanya-kanyang lapit na ang mga dancers para kuhanin at picturan ang final tabulation na kung saan naroon ang kanilang ranking. Ngunit, may isang grupo ang lumapit sa akin upang sabihin na hindi nagtutugma ang kanilang computation ng kanilang score sa total score na nasa tabulation sheet. Mapapansin mo rin kasi na ang ranking ay naaayon naman talaga sa galing nila. Ngunit kung iyong susuriin ay hindi nga tugma ang average score ng limang judges sa nakasulat dito. Agarang ipinaalam ito sa production (MediaBiz Entertainment Production) at sa Tabulator (DCP Managers, Inc.) na tinap ng MediaBiz upang magsilbing auditor ng competition. Masusing pinag-usapan ang lahat at pinag-aralan. Pagdating ng Oktubre 17 (Lunes), napatunayan na ang nanalong kampeon sa Open Division ay ang Histacity Mega Family ng Marikina City. Ayon sa tabulator, ang tanging lumabas sa computation na naipakita sa lahat ng kasali ay resulta lamang ng scores ng tatlong judges (Xernan Alfonso, Bong Tan at Zyro Santos). Hindi naisama ang scores ng dalawang judges mula sa Isuzu (Dennis Torres at Mellany Zambrano). It was a mistake na hindi naman sinasadya ng tabulator dahil na-miss lang na isama sa formula ang dalawang judges na nung araw lang nila nalaman na maghuhurado. Ginawan nila ng paraan na ma-add ang dalawang hurado sa tabulation system ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay na-miss out ito sa formula. Ang tabulator ay mula sa isang kilala at mapagkakatiwalaang auditing firm. “I take full responsibility of what happened. It’s a wrong judgement call. I apologize for our mistake. I will voluntarily give half of P100,000 for the new winner.”, saad ni Mr. Ace David ng DCP Managers. TEST OF CHARACTER Naglabasan ang mga bayani at kabutihan ng mga tao na kabilang sa pangyayari ng ipinakita nila ang pagiging makatao, propesyonal at pagiging mabuting indibidwal. Unahin natin ang Histacity Mega Family. Simula nang malaman nila na lamang sila at sila ang nanalo ay hindi nila tinigilan ang laban. Bagkus nanindigan sila sa katotohanan. Never mind about the P100,000 ngunit ang nais lamang nila ay ang tamang resulta. Nag-stay sila hanggang gabi hanggat walang nakikitang resolusyon sa ipinaglalaban nila. Ang Histacity sa pangunguna ni Bryan Benoso ay masinsinan at maayos na nakiusap sa mga organizers upang marinig ang kanilang panig. Hinahangaan ko sila sa maayos na approach sa mga organizers. Hindi sila naging bastos kahit na minsan ay nadadala na sila ng kanilang emosyon. Ang Tabulator sa pangunguna ni Ace David ay tumanggap ng kanilang pagkukulang at gumawa sila ng paraan upang itama ito. Gayundin ang kanilang pag-asasikaso sa kanilang kliyente (MediaBiz) at sa mga dancers upang pormal na igawad ang pagkapanalo sa nararapat na grupo. Paghanga din sa ibang grupo na sumusuporta sa Histacity na ine-encourage sila na ipaglaban ang kanilang karangalan at higit sa lahat ang katotohanan. Ang Isuzu Philippines ay buo ang suporta sa katotohanan. Hindi kailanman nila maaaring sirain ang kanilang integridad. Kaya suportado nila ang pagtatanghal sa nararapat na manalo. Isang masigabong palakpakan para sa MediaBiz sa tapat at maayos na pag-handle sa sitwasyon. Kanila ring tinimbang ang lahat upang mapanindigan kung ano ang nararapat na desisyon. Naging mahirap man ang mga pangyayari sa MediaBiz ngunit hindi ito naging hadlang ibang isiwalat ang katotohanan sa kompetisyon. Naging open din sila na igawad ang panibagong P100,000 sa Histacity ng hindi na kailangang bawiin pa sa Nitrous ang naunang naigawad na cash prize sa kanila. Samakatuwid ay tumanggap ng tig-isang daang libong piso ang parehong grupo. Ito ay pagpapatunay ng commitment sa katapatan at pagiging unbiased ng kumpanya. Mataas na paghanga at respeto ang aking ibibigay sa Nitrous Image Crew lalo na sa kanilang leader na si Beni Angeles. Napakahirap tanggapin na nasa rurok ka na nang tagumpay at ito ay biglang binawi sayo. Mahirap ito tanggapin ngunit ito ay inyong nagawa. Hindi matatawaran ang kababaang-loob ninyo. Ang paghanga ng maraming tao sa inyong ginawa ay hindi matatawaran ng anumang salapi at karangalan. Ipinakita ninyo na kayo ay mabubuting tao. Pinatunayan ninyo na hindi kayo ganid sa titulo. Pinatunayan ninyo na kayo ang kampeon sa ugaling inyong ipinakita Ang Dance PH ay nasa likod ng mga Pinoy Mananayaw sa ganitong sitwasyon. Hindi kailanman pinabayaan at iniwanan naming ang Histacity Mega Family at Nitrous Image Crew sa laban na ito. Binalanse ang lahat at inalam namin ang katotohanan simula ng ipinaalam sa amin ang pagkakamali. Kailanman ay ipagtatanggol ng Dance PH ang Pinoy Mananayaw hanggat tama ang kanilang ginagawa. Patuloy na SERBISYO at INSPIRASYON ang aming ihahatid kasabay ng katapatan sa inyo. Maaari ninyong tanungin ang dalawang grupo kung paano namin sabay-sabay nilampasan at hinarap ang challenge na ito. Sila rin magpapatunay na malinis at walang bahid ang aming hangarin sa kompetisyon na ito. Sila ang nakasaksi at nakaranas ng buong proseso ng kompetisyon. LAHAT PANALO
Nawa’y naging malaking leksyon ito sa bawat isa. Ang sabi nga “everything happen for a reason.” May dahilan ang Panginoon kaya Niya ginagawa ito. Marahil upang sabihin na mag-rely tayo sa Kanya sa kabila ng malaking problema. Sinasabi Niya rin na ang katotohanan at katapatan pa din ang magtatagumpay sa huli. Ang aking panawagan sa publiko ay maging mahinahon sa mga panahon na may kontrobersya. Matutong maghintay mailabas ang katotohanan habang tinutuloy ang laban. Iwasang manghusga agad. Tandaan, anumang panghuhusga na ginawa mo sa kapwa mo ay siya ring sukatan ng panghuhusga nila sayo. Respetuhin natin ang kalagayan ng bawat isa. Mag-imbestiga at huwag maniniwala sa mga sabi-sabi lamang. Di sana tayo nagpapadala sa emosyon. Maging mahinahon. Iwasang mag-post sa social media ng hindi pa verified ang lahat ng impormasyon. Iwasang magmagaling. Iwasang makisawsaw. Tandaan mo, hindi ka involve sa pangyayari. Nakikiusyoso ka lang. Huwag masyadong mag-react kung hindi mo pa alam ang buong katotohanan. May proper venue para rito at yan ay hindi ang social media. Maging responsable po tayo sa paggamit nito. Ang pagkabayani ay pagpapakita ng karakter na handang ipaglaban ang tama at handang tanggapin ang anumang pagkatalo. Gayundin, ito ay ang hindi pagsuko sa anumang hamon ng buhay. Kaya ang lubos na paghanga sa bawat isa ang aking iginagawad sa pagiging bayani ng pangyayaring ito. Sa kwentong ito lahat ay PANALO! Malinis, maayos at magaan ang loob ng bawat isa dahil sa maayos na paghuhusga. Inaasahan namin na inyong patuloy na susuportahan ang Dance PH sa lahat ng adhikain nito. At kami naman ay patuloy na magseserbisyo at magbibigay inspirasyon sa mga Pinoy Mananayaw dito sa Pilipinas at sa buong mundo. Ang lahat ng papuri at parangal ay ibinabalik namin sa Poong Maykapal. |
Prof.
|