Matatapos na ang taon at inipon namin ang pinaka-nag-trending na post, photo at video ng Dance PH sa taong 2016. Pero bago ang lahat ay nagpapasalamat kami sa overwhelming na pagtanggap ninyo sa amin sa Dance PH. Hindi matutumbasan ang saya namin sa suporta na ibinibigay ninyo sa buong Dance PH Team. Ang mga paghihirap at sakripisyo na ibinibigay ng mga volunteers namin ay nasusuklian dahil sa kabutihan at suporta ninyo sa amin. Ang Dance PH ay para sa inyo Pinoy Mananayaw at sa lahat ng mga sumusuporta din sa inyo. Ginawa ang blogsite na ito upang magbigay serbisyo at inspirasyon sa lahat lalo na sa inyo. Ang lahat ng numeron at accomplishments namin ay ibinabalik namin at inaalay sa Poong Maykapal na nagbigay ng lahat ng ito. Wala kami kung wala siya. Hindi namin magagawa ang ginagawa namin ngayon at mga gagawin pa sa susunod kung hindi sa biyaya ng ating Panginoon. Kaya ang blog na ito ay para sa Diyos Ama at Panginoong Hesukristo. Nagpapasalamat kami sa Diyos dahil hindi niya kami pinababayaaan sa nagdaang taon. Magdadalawang taon pa lamang kami sa Marso 2017 ngunit ang biyaya niya ay sobrang nag-uumapaw. Mula sa 6,965 followers nuong 2015 ay umabot na sa 59,124 followers sa katapusan ng 2016. Ito ay humigit-kumulang na 800% na Page Like increase simula nuong isang taon. Ang average daily reached namin ay 4,353 nuong 2015 at ngayong taon ay umaabot na sa 37,427. Mula sa dating 276 reactions average daily reached ay umaabot na sa 2,023 na ngayong taon. Ang average daily comment ay 21 nuong 2015 at sa 2016 ay umaabot na sa 138. Samantala, ang average daily shares nuong 2015 na 29 ay umaabot na sa 242 daily shares ngayong 2016. Umaabot na sa 56 countries ang nare-reached ng Dance PH sa buong mundo. Umabot din sa 1,278,704 video views at 1,400,000 reactions ang natanggap namin sa taong ito. Ngayong taon din nagkaroon ng unang workshop ang Dance PH sa pamamagitan ng pakikipag-collab kay Ms. Krizza Balanlay at Luigi Lacsina ng Power Impact Dancers para sa benefit classes kay Baby Johann na nagkaroon ng liver disease. Ito rin ang unang taon na kung saan ay nagkaroon ng sariling workshop ang Dance PH. Pinagsama-sama namin sa isang buong araw ang pinakamainit at hinahangaang choreographers ng kanilang henerasyon na sina Coach Dhztine Bernardino, Coach Mycs Villoso at Coach Rhemuel Lunio. Ibinahagi ng Dance PH ang Salt and Light Workshop nuong September 3, 2016 sa The PARC Manila upang bigyang pagkakataon ang lahat na matuto at ma-inspire ang mga Pinoy Mananayaw sa mga de-kalibre nating choreographers.
0 Comments
Madaming videos na-upload sa Dance PH Facebook page simula January 1, 2016 hanggang ngayong December 31, 2016. Madami ang nag-enjoy, nag-like, nag-share at naki-comment sa mga ito. Nag-trending ang mga ito sa dami ng views na nakuha ng mga videos na ito. Ang mga videos ay koleksyon ng mga performances ng mga Pinoy Mananayaw sa mga coverage na kung saan ay naroon ang Dance PH. Kagaya na lamang ng mga dance concerts, dance competitions, dance battle at iba pang dance events. May mga videos din na sinend ng ating mga followers at direktang inapload sa ating page. May ilang videos din na grinab natin sa ibang user at nirepost sa ating page upang mas maraming mag-enjoy dito. Karamihan sa mga videos ay amateur shots lamang. Sinukat natin ang Trending Videos ngayong taon sa dami ng views nito mula sa Facebook Insights ng Dance PH. Ang bilang ng reactions, comments and shares nito ay kasama ang "On Post" at "On Shares". Umpisahan na natin bilangin ang sampung pinaka-trending na videos ng ating Pinoy Mananayaw sa Dance PH. TRENDING NO. 10 Mark Espiridion, 15-Years old, KRUMP Video Ang video ay kuha mula sa Chinese Garden sa Luneta. Nagkaroon ng mini-get together ang mga miyembro ng group chat na ginawa ng Dance PH nuong Hunyo. Nagkaroon kami ng konting games at isang malupit na cypher na kung saan ay si Mark "KidTitan" Espiridion ang isa sa mga nagpasiklab. Sa murang edad ay nakitaan na siya ng kahusayan sa KRUMP. Views - 17,585 People Reached - 187,888 Reactions - 909 Shares - 125 Comments - 144 TRENDING NO. 9 Nath Recampo of UE Armada/ Alliance/ Groovy Ghetto Itong video ay kuha sa isang studio sa Malabon City. Isang cover ng kanta ni Skusta Clee na "Nasan Ka Na Ba?" na sinayaw ni Nath Recampo na miyembro ng UE Armada at ngayon ay nasa Alliance na. Views - 18,007 People Reached - 96,077 Reactions - 676 Shares - 158 Comments - 46 TRENDING NO. 8 Names Going Wild at They Dance We Battle Season 3 Ang They Dance We Battle Season 3 ay isa sa mga dance competitions na pinuntahan ng Dance PH para i-cover. Ang video na ito ng Names Going Wild ay isa sa mga nakuhanan ng aming team. Ang Names Going Wild ay isa sa mga magagaling na grupo pagdating sa sayawan sa barangayan. Nais kong makita ang grupo na itong sumasayaw sa malalaking dance competitions. Views - 18,484 People Reached - 211,397 Reactions - 842 Shares - 218 Comments - 51 TRENDING NO. 7 Gwola Cover by Batangas Dancers Isa sa mga dahilan kung bakit narito ang Dance PH ay par i-showcase ang kagalingan ng mga dancers natin sa probinsiya. Ang video na ito ay mula sa Batangas City na sinayaw nila Marco Magboo at mga kaibigan nito. Ang music ay mula kay Gwola - Honey ft. Kid Ink. Views - 25,457 People Reached - 201,467 Reactions - 885 Shares - 207 Comments - 74 TRENDING NO. 6 FMD Xtreme on Dance PH's First Ever Facebook Live Interview Ito ang kauna-unahang Facebook Live Interview ng Dance PH sa isang dance crew. Mapalad tayo na pinaunlakan tayo ng 3-time World Champion FMD Xtreme sa kanilang tahanan sa Marikina. Ang interview ay tumagal ng 30-minuto na pinag-uusapan ay ang kanilang tagumpay at ang kanilang mga pinagdaanan bago ito makuha. Abangan ninyo sa dulo ng interview ang nakakatuwang fast talk. Paano ba sinagot nila Jancent at Kennedy ang mga ito? Views - 36,624 People Reached - 159,936 Reactions - 998 Shares - 65 Comments - 107 TRENDING NO. 5 Power Duo of Pilipinas Got Talent Golden Buzzer Performance Pinakilig at pinahanga tayo ng Power Duo sa kanilang audition performance sa nagdaang Pilipinas Got Talent Season 5 ng ABS-CBN. Nakamit nila ang Golden Buzzer mula sa mga judges na kung saan ay direkta silang nakatawid sa semi-finals. Kinalaunan ay tinanghal sina Grand Winner ng patimpalak. Ito video grabbed mula sa You Tube account ng PGT. Nagkaroon ito ng 979 shares na siyang pangalawa sa pinakamaraming sa lahat ng videos ng Dance PH. Ito ang isa sa naging paboritong video ko ngayong taon. Views - 42,715 People Reached - 379,003 Reactions - 2,517 Shares - 1,036 Comments - 162 TRENDING NO. 4 KRUMP to Waack ni Mark Espiridion Di natapos sa malupit na KRUMP ang video. Isang nakatutuwa at malupit na transition mula kay Mark "KidTitan" Espiridion ang kanyang ginawa sa Dance PH get-together sa Rizal Park. Ang pinakaiksing video na ito ay nakakuha 44,283 videos matapos niyang mag-Waacking mula sa KRUMP. Views - 44, 283 People Reached - 242,870 Reactions - 815 Shares - 125 Comments - 433 dTRENDING NO. 3 Rock*Well Performance at AC Resbak Concert Isa din sa mga paborito kong performance ngayong taon ang dance craze sensation na Rock*Well. Mula ng ipinalabas nila ang Ignition Dance Challenge ay nagtuluy-tuloy na ang pagsikat ng grupong ito. Sa Resbak Fund-Raising Concert ng Autonomicass Crew (AC) nuong Agosto ay napanuod ko sa unang pagkakataon ang Rock*Well at si Rhemuel Lunio na mag-perform ng Live. Super ganda at chillax lang ang performance nila. Good vibes lang. Ang gaan lang. Pinakamalupit dun ay nung nag-stop ang music tapos sabay bawi. Basta panuorin nyo na lang ang video. Ito rin ang nakatanggap ng pinakamaraming reactions mula sa Facebook users na may bilang na 3,956. Siya rin ang may pinakamaraming shares na 1,466 sa lahat ng videos. Ang video ay courtesy ng DroidHero. Views - 61,480 People Reached - 487,456 Reactions - 3,956 Shares - 1,466 Comments - 371 TRENDING NO. 2 Marikina Dancers VS Rizal Dancers Trumpets Challenge Last June ay nakapanuod ako ng Barangayan Dance Contest sa Marikina. Nagkaroon ng biglaang dance showdown at ito ang naging resulta. Mga dancers sa Marikina at Rizal ay nagharap-harap. May mga sineryoso ang sayawan ng Trumpets at mayroon namang ginawang katatawanan ang laban. Sino nga naman ang pipiliin mo? Ang video na ito ang nakatanggap ng may pinakamaraming komento mula sa mga Facebook users na may 416 comments. Views - 63,675 People Reached - 398,076 Reactions - 2,399 Shares - 763 Comments - 416 TRENDING NO. 1 She's Dating the Dancer Video by Marco and Tricia Ang real-life couple dancers ang nag-number one ngayong taon sa pinakamaraming views na video sa Dance PH. Ito ay cover ng Don't Let Me Down ng The Chainsmokers. Ginawa ito ng magkasintahang Marco Magboo at Tricia Mirambil ng Batangas City. Ipinakita nila ang husay ng mga Batangueno. Isang nakakabilib na version ng Don't Let Me Down ang kanilang ipinamalas. Mula sa music remiz, choreography, transition at kung paano sila nag-connect sa bawat isa. Bukod sa pinakamaraming views na 89,415. Ang video na ito ang siya ring nakakuha ng pinakamaraming people reached. May 491,171 na Facebook users ang nakakita at naabot ng video na ito. Views - 89,415 People Reached - 491,171 Reactions - 3,449 Shares - 840 Comments - 208 Karamihan sa mga videos na ito ay direcktang nakuhanan ng Dance PH. Nagpapasalamat din kami sa mga may-ari ng videos na nag-share nito sa amin. Sa araw-araw ay madaming nagpapadala ng videos sa Dance PH upang i-share daw namin ito sa humigit 50,000 followers namin.
Nainis man naming i-share ng lahat ng ito ay ipagpaumanhin po ninyo na hindi namin ito magawa lahat. Para maging "share-able" ang video at kung nais ninyong mai-upload ito sa Dance PH ay siguraduhin po natin na sadyang maganda ang sayaw at kakaiba. Yung tipong mag-trending talaga. Gumawa tayo ng kakaiba at original na videos. Gumamit tayo ng HD video hanggat maari at kung kaya natin ito i-edit ng maganda. Kung mayroon din naman kayong cellphone video ng isang kakaiba, nakakamangha at nakakaaliw na performance ay bukas palad po namin itong tatanggapin. Kung gusto nyo muling makasama sa susunod na taon sa Top 10 Trending Videos ng Dance PH ay marapat lamang na mai-upload namin itong direkta sa aming page. Hindi po kasi kabilang dito ang mga re-share lamang namin. Maaari nyo din kami imbitahan sa inyong mga concerts, competitions at events upang ma-capture namin ang magagandang eksena. Unti-unti na po namin pino-professionalize ang photo and video services namin upang mas lalo natin ito ma-enjoy. Patuloy po tayo gumawa ng mga videos na magbibigay ng ngiti, good vibes at inspirasyon sa lahat ng tao sa buong mundo. Patuloy din tayo magsayaw para sa ikalulugod at para mabigyan-ngiti natin ang Diyos na nagbigay sa atin nito. Compiled by Sir Ryan Angeles Our Hip Hop International Mega Crew Champion UPeepz has ate last night at the popular "Hepa Lane" located in University Belt area at Sampaloc, Manila in an Instagram post by Coach Chips Beltran. Hepa Lane has been a popular place for students in the area. It offers affordable rice meals like hotdog, siomai, sausage, bacon, longanisa, tocino, chicken skin and other processed foods. For only P30, you can have two choices of "ulam" and a cup of rice. The eateries are located in the street. We know from the fact that sometimes street foods are source of a diseases such as hepatitis. Hence, its name. The Hepa Lane stretches from the corner of Morayta near FEU-EAC Building up to Lepanto near University of the East. It is infront of FEU Gym along R. Papa Street. Many students are visiting the place for its affordability. We always dine in there after going from church at Victory U-Belt. I have also brought dancers everytime we are around the place. Heads up for those who wanted to visit the place. Water is not available in all food stalls. They are selling softdrinks. Mountain Dew is my favorite at P15 per bottle. But most of the time, I chose buko juice ni manong. A big cup cost P10. If you want more just tell the buko vendor and you only have to pay P5 for the refill. Unlimited gravy and condiments are available for more satisfying food trip.
They only use plastic plates. You have an option to use plastic or stainless spoon and fork. As you can see. They are enjoying their time together. UPeepz is as humble as the place. They are ordinary people who eats in a simple place despite their achievements. Dancers should remember where they came from. Keeping feet on the ground and eyes on the sky. Written by Sir Ryan Angeles ©Photo screenshot from Chips Beltran ©Photo by Nico Francisco
In celebration of its 2nd Year Anniversary, Dance PH will launch its Pinoy Mananayaw Awards 2016 to be held on March 18, 2017 at Manila, Philippines.
Pinoy Mananayaw Awards recognizes outstanding dance crews, choreographers, acts, shows, and other personalities for their exceptional contribution to Dance PH and to the dance community as a whole. Dance PH has started its selection and deliberations for this year's honorees. Who among the Pinoy Mananayaw had made a great and lasting impact in the Philippines and in the world in 2016? The Pinoy Mananayaw Awards is divided into two categories, Dance PH Choice and People's Choice, with several subcategories. The winners under the Editors' Choice categories will be chosen by the correspondents and staff of Dance PH. The People's' Choice categories will be decided upon by Dance PH followers through a poll, which will run from January 15 to February 15, 2017. All winners of Pinoy Mananayaw Awards will be announced during the awards ceremony on March 2017. Kami yung grupong laging talo. HAHAHAHAHA. Pero wala pong masama duon dahil naniniwala ako na darating din sa POINT na kami naman. Hindi ko po ikinakahiya yung GRUPO ko kahit laging talo. Why? Kasi alam kong maraming pang kulang sa amin. Marami pa kaming dapat daanan. Malayo pa ang aming paglalakbay. Kahit laging talo sa laban okay lang dahil ang pagtanggap sa pagkatalo ay ang TUNAY NA TAGUMPAY. Kaya sa kabila nun kami'y tuluy-tuloy pa din co-contest hanggat kaya. Kasi may goals kami. Kasi mahal namin yung PANGARAP namin.. ang PAGSASAYAW. Kasi masaya kami kapag ginagawa namin ito. Nakakawala ng problema. Nakakawala ng stress. NOT libangan OK?! Para siyang gamot na nagpapagaling sa atin. Alam kong feel nyo po ako mga idolszxc. Hehehe... Ang sarap sa feel kapag sumasayaw yung tipong 3-5 minutes ka lang makatungtong sa stage eh sobrang saya na! Yung mag-HEYYYY lang sa atin yung mga kapwa natin mananayaw eh doon pa lang panalo na tayong lahat. Para po kasi sa akin HINDI po big deal kung manalo kayo o hindi. Basta binibigay natin yung best natin. Ibuhos natin yung PUSO natin sa LABAN. Sabayan lang yung dapat sabayan (MUSIC). Tapos dadating yung time na GUTOM, PUYAT, TALO na naman pero ang sarap pa din sa feeling di ba? Yung magkekwentuhan kayo kung saan tayong part nagkamali . Kung saan part tayo nalito o kung saan part di tayo sabay-sabay. Pero kapag tapos nun ay madadagdagan ulit ang APOY sa puso natin. Para mas galingan pa sa susunod na laban. Sana lahat ng MANANAYAW ganito noh? Yung tipong hindi sugal ang turing sa pagsasayaw. Yung tipong sumasayaw sila dahil mahal nila ito kasi isa to sa GOALS nila. Kaya sa mga relate 'wag tayong manliit kasi laging talo? No! No! No! Dapat taas NOO pa din kasi kahit TALO sumabay pa din tayo sa mga nanalo. Hindi tayo naging duwag tsaka wag matakot. Sayaw lang! PUSOOOOOOOO!!! Si God ay laging andyan para samahan tayo always. LETSSSSSSGO!
#KAHITLAGINGTALOPUSHHHH #LABAN Panulat ni Renzo C. Montenegro MANANAYAW. Napakasimpleng salita para sa karamihan pero napaka-cool pakinggan. Kapag narinig natin na dancer akala ho kase ng iba napakadali lang magsayaw eh. Yung tipong gumalaw ka na eh sayaw na para sa kanila. May point pa nga na may maririnig kang... "Ano bang napapala mo sa kakasayaw mo? Yayaman ka ba dyan?" Ano naman kung di kami yayaman sa pagsasayaw? At least sumubok kami. Nag-try kami na gawin yung gusto namin. Hindi kami nagpatalo sa pagsubok na hinanda sa amin ng PANGINOON. Ipinaglaban namin yung pangarap namin dahil naniniwala kami na kung gusto mong mapagtagumpayan yung gusto mo eh simulan muna natin sa sarili natin. Pero mali. Mali. Mali. Lahat ng pananaw ng iba puro hirap sakit ng katawan minsan nga ay may nadidisgrasya pa. Nababanatan sa contest. Nagkakakasakit dahil sa puyat tuwing praktis. Magtitiis ng gutom kasi ipinamasahe nila yung pera nila para ipakita nila yung kaya nila tuwing may laban sila. At para din makatungtong ng entablado kung saan duon umiikot ang mundo ng mga dancer. I mean nakakaya naming tiisin lahat kasi mahal namin yung ginagawa namin para sa larangan na ito. Hindi po namin sinasabing sobrang galing namin. Nagsha-share lang po kami. Parang kayo din may mga sariling pangarap. Pangarap na makapagtapos ng pag-aaral . Pangarap na magtagumpay sa buhay o kung ano pa. Ganuon din po kami. Pinipilit namin na abutin yung pangarap namin. Kaya respetuhan na lang po. At mga ate, kuya o kung sino man ho kayo. Hindi po kami nagpapaawa dahil sa mga karanasan na nabanggit gusto lang ho namin na malinawan kayo kung sinuman yung merong maling pananaw sa amin. At sa mga dancer, kung sumasayaw ka lang para makapangbabae ka? Alam mo naman siguro yung tawag sa'yo. Kasi ang tunay na dancer hindi lang basta galaw yung pinapalakas. Pinapalakas din nito kung paano tayo maging tao not PAKITANG TAO. At tsaka sinasamahan ng PUSO. Kaya sa mga dancer na pangarap ang turing sa pagsasayaw. Saludo po kami sa inyo. Hanga po kami sa lakas ng loob at pagsasakripisyo nyo bilang kayo. #BuhayDancer #Goals #PinoyMananayaw
Panulat ni Renzo C. Montenegro Ang choreographer, leader, coach, head, mentor o kung anupaman ang tawag mo ay naging siya yang mga yan dahil kaya nila. Oo hindi nila alam lahat pero mas may alam sila sa mga under nila like kagrupo o member. Ginagawa nila lahat ng makakaya nila para magampanan nila ung dapat nilang gampanan (obligasyon). Hindi tumitigil yan para makaisip pa ng mga idea, steps, routine o tugtog para mapaganda yung pyesa na sasayawin nyo. Isa rin siyang kuya na kapag may problema ka ay nandyan sya para damayan ka sa lahat. Samahan kung ano yung nararanasan mong sakit na nararamdaman mo. Sa family problem, about boyfriend/girlfriend, etc. Handa ka niyang samahan sa lahat meron nang time. Na mas pinipili nya pang magturo o unahin nya kayo sa lahat. Nakikita niya kase na gusto nyo yung gusto nya gusto nyo yung tinuturo nya. I mean dahil mahal nyo yung PAGSASAYAW kaya sinisipagan nya pa. Lalo syang nagpupursigi na ituro pa yung knowledge na meron pa sya. Siya rin ang nagturo na mahalin natin yung pangarap natin. Siya rin ang nagbigay ng goals natin para sama-sama natin na abutin yun. Ang sarap sa pakiramdam ng may choreo di ba? Mga kapwa MANANAYAW kaya kung relate kayo suklian natin yung pagod at pagsasakripisyo na walang sawa nyang binibigay satin. Agahan natin ang pagpunta sa praktisan. Sundin yung call time ganon. At kung itinatama ka lang tapos ikaw pa yung GALIT? HAHAHAHAHA Berirong boy! Matuto tayong rumespeto para irespeto din tayo. Salamat ng marami sa inyo Choreo, Leader, Coach, Head, Mentor. Saludo kaming mga MANANAYAW sa inyo! Panulat ni Renzo Montenegro |
Prof.
|