MANANAYAW. Napakasimpleng salita para sa karamihan pero napaka-cool pakinggan. Kapag narinig natin na dancer akala ho kase ng iba napakadali lang magsayaw eh. Yung tipong gumalaw ka na eh sayaw na para sa kanila. May point pa nga na may maririnig kang... "Ano bang napapala mo sa kakasayaw mo? Yayaman ka ba dyan?" Ano naman kung di kami yayaman sa pagsasayaw? At least sumubok kami. Nag-try kami na gawin yung gusto namin. Hindi kami nagpatalo sa pagsubok na hinanda sa amin ng PANGINOON. Ipinaglaban namin yung pangarap namin dahil naniniwala kami na kung gusto mong mapagtagumpayan yung gusto mo eh simulan muna natin sa sarili natin. Pero mali. Mali. Mali. Lahat ng pananaw ng iba puro hirap sakit ng katawan minsan nga ay may nadidisgrasya pa. Nababanatan sa contest. Nagkakakasakit dahil sa puyat tuwing praktis. Magtitiis ng gutom kasi ipinamasahe nila yung pera nila para ipakita nila yung kaya nila tuwing may laban sila. At para din makatungtong ng entablado kung saan duon umiikot ang mundo ng mga dancer. I mean nakakaya naming tiisin lahat kasi mahal namin yung ginagawa namin para sa larangan na ito. Hindi po namin sinasabing sobrang galing namin. Nagsha-share lang po kami. Parang kayo din may mga sariling pangarap. Pangarap na makapagtapos ng pag-aaral . Pangarap na magtagumpay sa buhay o kung ano pa. Ganuon din po kami. Pinipilit namin na abutin yung pangarap namin. Kaya respetuhan na lang po. At mga ate, kuya o kung sino man ho kayo. Hindi po kami nagpapaawa dahil sa mga karanasan na nabanggit gusto lang ho namin na malinawan kayo kung sinuman yung merong maling pananaw sa amin. At sa mga dancer, kung sumasayaw ka lang para makapangbabae ka? Alam mo naman siguro yung tawag sa'yo. Kasi ang tunay na dancer hindi lang basta galaw yung pinapalakas. Pinapalakas din nito kung paano tayo maging tao not PAKITANG TAO. At tsaka sinasamahan ng PUSO. Kaya sa mga dancer na pangarap ang turing sa pagsasayaw. Saludo po kami sa inyo. Hanga po kami sa lakas ng loob at pagsasakripisyo nyo bilang kayo. #BuhayDancer #Goals #PinoyMananayaw
Panulat ni Renzo C. Montenegro
1 Comment
12/9/2016 08:52:58 pm
Saludo po ako sa lahat ng dancer. Godbless po :)
Reply
Leave a Reply. |
Prof.
|