Ang bayani ay hindi lamang makikita sa libro o sa mga monumento. Sila ay mga buhay na tao na may busilak na puso na kahit sa malaking pagsubok ay hindi masisira ang paninindigan at prinsipyo sa buhay. MAINIT NA KOMPETISYON Nais kong ipakilala sa inyo ang mga bayani sa katatapos na Isuzu Danz Max Championship na ginanap nuong Oktubre 13-15, 2016 sa SMX Convention Center. Ito ay paligsahan ng Isuzu Philippines Corporation kasabay ng kanilang Isuzu Auto Expo. Ang Isuzu Danz Max Championship ay tagisan ng mga Pinoy Mananayaw mula sa iba’t ibang panig ng Metro Manila at karatig-bayan. May dalawang category ito na pinaglalaban-labanan (Open and College Division) na kung saan ang mananalo ay magkakamit ng P100,000. Sa araw ng Final Round nuong Oktubre 15 ay idineklarang kampeon ang UPLB Street Jazz Dance Company Fatale para sa College Division at Nitrous Image Crew para sa Open Division. Masaya ang lahat sa resulta dahil sadyang magagaling ang mga nanalo. TABULATION ISSUE Matapos ang kompetisyon ay kanya-kanyang lapit na ang mga dancers para kuhanin at picturan ang final tabulation na kung saan naroon ang kanilang ranking. Ngunit, may isang grupo ang lumapit sa akin upang sabihin na hindi nagtutugma ang kanilang computation ng kanilang score sa total score na nasa tabulation sheet. Mapapansin mo rin kasi na ang ranking ay naaayon naman talaga sa galing nila. Ngunit kung iyong susuriin ay hindi nga tugma ang average score ng limang judges sa nakasulat dito. Agarang ipinaalam ito sa production (MediaBiz Entertainment Production) at sa Tabulator (DCP Managers, Inc.) na tinap ng MediaBiz upang magsilbing auditor ng competition. Masusing pinag-usapan ang lahat at pinag-aralan. Pagdating ng Oktubre 17 (Lunes), napatunayan na ang nanalong kampeon sa Open Division ay ang Histacity Mega Family ng Marikina City. Ayon sa tabulator, ang tanging lumabas sa computation na naipakita sa lahat ng kasali ay resulta lamang ng scores ng tatlong judges (Xernan Alfonso, Bong Tan at Zyro Santos). Hindi naisama ang scores ng dalawang judges mula sa Isuzu (Dennis Torres at Mellany Zambrano). It was a mistake na hindi naman sinasadya ng tabulator dahil na-miss lang na isama sa formula ang dalawang judges na nung araw lang nila nalaman na maghuhurado. Ginawan nila ng paraan na ma-add ang dalawang hurado sa tabulation system ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay na-miss out ito sa formula. Ang tabulator ay mula sa isang kilala at mapagkakatiwalaang auditing firm. “I take full responsibility of what happened. It’s a wrong judgement call. I apologize for our mistake. I will voluntarily give half of P100,000 for the new winner.”, saad ni Mr. Ace David ng DCP Managers. TEST OF CHARACTER Naglabasan ang mga bayani at kabutihan ng mga tao na kabilang sa pangyayari ng ipinakita nila ang pagiging makatao, propesyonal at pagiging mabuting indibidwal. Unahin natin ang Histacity Mega Family. Simula nang malaman nila na lamang sila at sila ang nanalo ay hindi nila tinigilan ang laban. Bagkus nanindigan sila sa katotohanan. Never mind about the P100,000 ngunit ang nais lamang nila ay ang tamang resulta. Nag-stay sila hanggang gabi hanggat walang nakikitang resolusyon sa ipinaglalaban nila. Ang Histacity sa pangunguna ni Bryan Benoso ay masinsinan at maayos na nakiusap sa mga organizers upang marinig ang kanilang panig. Hinahangaan ko sila sa maayos na approach sa mga organizers. Hindi sila naging bastos kahit na minsan ay nadadala na sila ng kanilang emosyon. Ang Tabulator sa pangunguna ni Ace David ay tumanggap ng kanilang pagkukulang at gumawa sila ng paraan upang itama ito. Gayundin ang kanilang pag-asasikaso sa kanilang kliyente (MediaBiz) at sa mga dancers upang pormal na igawad ang pagkapanalo sa nararapat na grupo. Paghanga din sa ibang grupo na sumusuporta sa Histacity na ine-encourage sila na ipaglaban ang kanilang karangalan at higit sa lahat ang katotohanan. Ang Isuzu Philippines ay buo ang suporta sa katotohanan. Hindi kailanman nila maaaring sirain ang kanilang integridad. Kaya suportado nila ang pagtatanghal sa nararapat na manalo. Isang masigabong palakpakan para sa MediaBiz sa tapat at maayos na pag-handle sa sitwasyon. Kanila ring tinimbang ang lahat upang mapanindigan kung ano ang nararapat na desisyon. Naging mahirap man ang mga pangyayari sa MediaBiz ngunit hindi ito naging hadlang ibang isiwalat ang katotohanan sa kompetisyon. Naging open din sila na igawad ang panibagong P100,000 sa Histacity ng hindi na kailangang bawiin pa sa Nitrous ang naunang naigawad na cash prize sa kanila. Samakatuwid ay tumanggap ng tig-isang daang libong piso ang parehong grupo. Ito ay pagpapatunay ng commitment sa katapatan at pagiging unbiased ng kumpanya. Mataas na paghanga at respeto ang aking ibibigay sa Nitrous Image Crew lalo na sa kanilang leader na si Beni Angeles. Napakahirap tanggapin na nasa rurok ka na nang tagumpay at ito ay biglang binawi sayo. Mahirap ito tanggapin ngunit ito ay inyong nagawa. Hindi matatawaran ang kababaang-loob ninyo. Ang paghanga ng maraming tao sa inyong ginawa ay hindi matatawaran ng anumang salapi at karangalan. Ipinakita ninyo na kayo ay mabubuting tao. Pinatunayan ninyo na hindi kayo ganid sa titulo. Pinatunayan ninyo na kayo ang kampeon sa ugaling inyong ipinakita Ang Dance PH ay nasa likod ng mga Pinoy Mananayaw sa ganitong sitwasyon. Hindi kailanman pinabayaan at iniwanan naming ang Histacity Mega Family at Nitrous Image Crew sa laban na ito. Binalanse ang lahat at inalam namin ang katotohanan simula ng ipinaalam sa amin ang pagkakamali. Kailanman ay ipagtatanggol ng Dance PH ang Pinoy Mananayaw hanggat tama ang kanilang ginagawa. Patuloy na SERBISYO at INSPIRASYON ang aming ihahatid kasabay ng katapatan sa inyo. Maaari ninyong tanungin ang dalawang grupo kung paano namin sabay-sabay nilampasan at hinarap ang challenge na ito. Sila rin magpapatunay na malinis at walang bahid ang aming hangarin sa kompetisyon na ito. Sila ang nakasaksi at nakaranas ng buong proseso ng kompetisyon. LAHAT PANALO
Nawa’y naging malaking leksyon ito sa bawat isa. Ang sabi nga “everything happen for a reason.” May dahilan ang Panginoon kaya Niya ginagawa ito. Marahil upang sabihin na mag-rely tayo sa Kanya sa kabila ng malaking problema. Sinasabi Niya rin na ang katotohanan at katapatan pa din ang magtatagumpay sa huli. Ang aking panawagan sa publiko ay maging mahinahon sa mga panahon na may kontrobersya. Matutong maghintay mailabas ang katotohanan habang tinutuloy ang laban. Iwasang manghusga agad. Tandaan, anumang panghuhusga na ginawa mo sa kapwa mo ay siya ring sukatan ng panghuhusga nila sayo. Respetuhin natin ang kalagayan ng bawat isa. Mag-imbestiga at huwag maniniwala sa mga sabi-sabi lamang. Di sana tayo nagpapadala sa emosyon. Maging mahinahon. Iwasang mag-post sa social media ng hindi pa verified ang lahat ng impormasyon. Iwasang magmagaling. Iwasang makisawsaw. Tandaan mo, hindi ka involve sa pangyayari. Nakikiusyoso ka lang. Huwag masyadong mag-react kung hindi mo pa alam ang buong katotohanan. May proper venue para rito at yan ay hindi ang social media. Maging responsable po tayo sa paggamit nito. Ang pagkabayani ay pagpapakita ng karakter na handang ipaglaban ang tama at handang tanggapin ang anumang pagkatalo. Gayundin, ito ay ang hindi pagsuko sa anumang hamon ng buhay. Kaya ang lubos na paghanga sa bawat isa ang aking iginagawad sa pagiging bayani ng pangyayaring ito. Sa kwentong ito lahat ay PANALO! Malinis, maayos at magaan ang loob ng bawat isa dahil sa maayos na paghuhusga. Inaasahan namin na inyong patuloy na susuportahan ang Dance PH sa lahat ng adhikain nito. At kami naman ay patuloy na magseserbisyo at magbibigay inspirasyon sa mga Pinoy Mananayaw dito sa Pilipinas at sa buong mundo. Ang lahat ng papuri at parangal ay ibinabalik namin sa Poong Maykapal.
0 Comments
Sobrang laki ng paghihirap nila bago makarating ng Australia. Sa Pilipinas pa lamang ay dumaan na sila sa Preliminaries at Finals para mapili na makarating sa Aussie. Tapos nung nanalo sila ay kailangan nilang gumawa ng bagong piyesa at bunuin ang libu-libong halaga para sa ticket nila, visa, registration fee ulit, bayad sa bahay, pangkain at iba pang gastusin. Bukod pa dun sa araw-araw na gastos para sa rehearsal. Related Article: Kapag Ikaw ay Lumapag (Magkano ba gastos kapag mag-compete?) Related Aricle: Top 6 Magulang Problems kung Dancer and anak mo Kaya ang mga crews mula sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas na sasabak sa WSB ay kanya-kanya nang diskarte para makumpleto ang halaga ng gastusin para makapag-compete. Nandyang mag-fundraising concert, workshop, classes at competitions sila. Andyan manghingi sila sa mga kaibigan, kamag-anak, ka-Facebook, ka-Instagram, ka-Twitter, ka-opisina, ka-jogging at kung sinu-sino pang ka para meron silang at least P60,000 per head upang makapag-stay sa lugar ng mga kangaroo ng ilang araw at maiwagayway ang bandila ng Pilipinas sa buong mundo. Oo nanghihingi at nagsisipag sila upang matupad ang kanilang "pangarap" para sa Pilipinas. At ngayon natupad nga ng 24 na crews na makalapag sa Australia at ang iba naman ay naiwan sa Pinas dahil hindi nakaabot sa perang dapat maipon. Punta tayong Australia ngayon, madaming nagsasabi na puro Pilipino daw ang nakapasok. Totoo po yun. Dahil hindi naman po nakakuha ng ibang international crews ang WSB ngayon taon. Of course andyan ang Australia, New Zealand at Solomon Islands. Siguro hindi lalagpas sa sampu ang sumaling bansa. Siguro kailangan pa ng WSB Organizers na magdoble sipag pa upang mas maraming sumali sa kanila. Para matawag talaga nating World Supremacy Battelgrounds. Ang good news ay number one supporter ng WSB ang Filipino crews. Di ba? Taon-taon ay tayo ang may pinakamaraming delegates. Dapat may special award tayo na “Most Supportive Country”. Haha.. Salamat na lamang sa patimpalak na ito dahil nakarating ng ibang bansa ang ordinaryong mananayaw. Nakakilala sila ng ibang lahi. Naka-experience sila ng ibang culture. At higit sa lahat, naramdaman nila ang pagsusumikap ng isang grupo upang matupad ang kanilang pangarap. Iba ang pinagdaanan nila upang makarating sa patimpalak na ito. Sobrang hirap, pagod, puyat, sakit sa puso at isipan ang naranasan nila. Hindi matatawaran ang sakripisyo ng mga bata at ng mga leaders nila upang makatuntong sa entablado ng ibang bansa. Ipinapakita lamang ng mga Pinoy Mananayaw na mahusay sila at gagawin nila lahat upang matupad lamang ang kanilang pangarap para sa sarili, bayan at sa Diyos. Mahuhusay ang mga tao sa WSB. Mga mabuting kaibigan ang mga nasa likod nito. Nagpapasalamat kami sa inyo dahil binigyan nyo ng challenge ang mga Pinoy Mananayaw ng dahil sa inyong kompetisyon. Nakita naman na dahil sa kompetisyong ito ay nabigyan ng kulay ang buhay ng isang ordinaryong grupo sa Pilipinas. Tinutupad nyo din ang kanilang mga “pangarap”. Isang payong kaibigan lamang sa WSB. Nawa’y dagdagan natin ng challenge ang pagpunta ng mga Pinoy crews sa Australia taun-taon. Bigyan natin ng flavor ang pagsali nila ng sa gayon ay mas maramdaman nila ng tagumapay. Hinahangad namin na mas madami pang crews ang sumali mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo para mas maramdaman ang intensity, excitement at love na mayroon sa isang international event. Sa bandang huli, anuman ang ating ginagawa ay dapat ikapupuri ng Poong Maykapal. Pasalamat tayo dahil kahit saan man tayo dalhin at anuman ang dinaranas natin ay nandyan pa din Siya para sa atin. Mapa-Pilipinas man tayo o mapa-ibang bansa. Pinoy man o foreigner ang kalaban. Ang Diyos pa din ang ating kinakapitan. Mabuhay ang mga Pinoy Mananayaw!!! Other articles: 6 Tips Para May Panggastos ka sa Pagsasayaw Mo
Other articles: Dancer Kit: Ano Nga Ba Laman ng Bag Mo? Other articles: Batang Dancer Lumipad Ala Superman Mula 4th Floor ng Gusali The hip hop dance community is pretty much growing here in the Philippines. A lot of potential dance crews are sprawling everywhere from Luzon, Visayas and Mindanao. Those dancers are coming out with their dreams to share their talents, to represent our country in international competitions or to simply enjoy God’s gift to them. Every year, Filipino hip hop dance crews are winning in different international competitions in the USA, Australia, Switzerland, Thailand, Singapore, South Korea and other parts of the world for their excellence in their craft. Filipino dancers are powerhouse in hip hop dance scene. With talented people, creative choreography, passion in their craft and the right facility, Filipino crews can dominate hip hop dance even more. The challenge of the crews right now is a facility that can help them fulfill their dreams. They need a facility in Manila that can accommodate and support their daily training. The PARC Manila in San Juan, Metro Manila is a great help in fulfilling the Filipino dance crew’s dream. Most of the dance studios are located in Quezon City which is far from the capital city. We, at Dance PH, is very thankful that a center for dance is nearby our city. The PARC Manila is strategically located near Manila, San Juan, and Quezon City. Dancers near this area can train in a good place. Dance PH is a blogsite that was created to inspire and support Pinoy Mananayaw (Filipino dancers) all over the world. We are grateful that The PARC Manila is also a partner for this endeavor. They have also the same share of love and support to our dancers whether in hip hop, contemporary, and jazz. They have hosted various dance crews in their studio to train. A hip hop group called Power Impact Dancers who will represent the Philippines this coming September 9-11, 2016 in the World Supremacy Battlegrounds in Sydney, Australia is one of their beneficiary. Conducting their rehearsal in a place like The PARC Manila is a great help rather than doing it in the streets. The dancers, mostly underprivileged, cannot accommodate to rent a studio for their rehearsals. But with the help of The PARC Manila, they can now see their routine in big mirrors, with proper lighting, great sound system and air-conditioned room. Dance PH have also tested the goodness of The PARC Manila when they accommodated us for a benefit workshop last June 23 to 26, 2016 entitled “Bridge”. New learning for our students who have joined our workshops has been accomplished with our seasoned choreographers. This coming weekend, another set of workshop will be conducted with three of the most respected and popular choreographers in the Philippines for the first time in one workshop. We have brought together the best choreographers in town to bring our clients world-class dance class. The class is entitled “Salt and Light Workshop” to be held on September 3, 2016 at The PARC Manila. We thank The PARC for having us on their center. We can now give our clients’ needs and wants by their collaboration. Hopefully, The PARC Manila will continue supporting dance crews and be our partner in building and inspiring dance crews. We hope and pray that it will grow even more and stay to its goal to help make performing arts become a part of every Filipino youth’s life.
Dance PH is over a year now. It was very dear to me. It is a blog site that God has given me to inspire and serve the youth especially the dancers. The site is reaching quite a number of views while its 44,000+ Facebook followers are very active in engaging with our posts. I was in the crossroad of my life, asking God of my career path. I was supposed to be in Saipan, a US territory in the Northern Mariana Islands this October 2016. I was hired by a wholesale company there as Sales and Marketing Manager. It was triple the income at Saipan compare here in the Philippines. I was excited especially when I received the documents that I need to present to US Embassy for my visa. I need to leave my family. I need to leave Dance PH. I’m almost ready of leaving Dance PH and endorsed it to my colleagues and staff. But God has another plan. I was not able to continue my application due to problem in pre-employment requirements. Nanghinayang ako sa trabaho sa Saipan. I’ve already Google the place. It was beautiful. It’s a tropical country like us. I’ve researched about its history, culture, people and scenic spots (as if I am a tourist). Saipan is a beautiful country. I know there’s a lot of things to be discovered there. I know I will enjoy the place. I will be at home there because Filipinos are everywhere in Saipan. Nevertheless, I am happy because I don’t need to leave what I love – Dance PH! I can continue reaching out to all Pinoy Mananayaw by giving them relevant news and information plus unlimited supply of inspirations. What will happen to my passport? Can I use it agan? Definitely! I can travel abroad for a trip with family and friends. Or maybe I can win to Blogapalooza “Get Wonderfully Lost in the Northern Mariana Islands” promo. It is an all-expense paid trip adventure to Northern Mariana Islands! I will have the opportunity to Sail to Saipan. Have a Trip to Tinian. And make my Road to Rota! What is the first thing I will do in the islands? Feel and be refreshed with its beauty. A simple laid back day in the beach is what I love to do FIRST! Then, I’ll visit the company that I was supposed to work for. Finally, I’ll try all the best adventure in the islands. The adventure wouldn’t be complete without my trusted and loving friends. I’ll bring NJ Concepcion and Jhay Ar Gumbao with me. Thank you #Blogapalooza and #MyMarianasPH for the opportunity to write another blog. Through this competition, I have appreciated Dance PH even more. It made me realized that God will give you what’s best for you and for His people. It made me realized that I should continue writing and serving the Pinoy Mananayaw because He is the one who will make a way to supply all my needs and wants.
To all Pinoy Mananayaw, Dance PH will stay. For good. Excited ang lahat na makipaglaban sa iba’t ibang klase ng kompetisyon. Gusto nilang lumaban upang magbigay karangalan sa bansa at pamilya. Oo, walang masama na lumaban para sa sarili at sa bansa. Ngunit may isang laban na dapat ay intindihin ng bawat mananayaw. Ito ang laban para sa lahat ng mananayaw at sa bawat Pilipino na tumatangkilik sa mga kanila. Ito ang pangarap na laban. Ang laban para sa isang lehitimo, legal, at mapagkakatiwalaang organisasyon ng lahat ng dancers at dance crew leaders sa ating bansa (particularly hip hop dance). Sila yung organisasyon na niluklok ng mga Pinoy Mananayaw sa iba't ibang bahagi ng bansa. Sila ay kinatawan ng maraming mananayaw mula sa barangayan, collegiate at propesyonal na level. Imagine na may magtatanggol at may mag-set ng standards sa LAHAT NG KLASE ng Pinoy Mananayaw (Hip Hop). Magiging isa na lang ang direksyon nito. Magiging isa na lang ang susundin na polisiya. Imagine, may isang mamumuno na gaya ng isang bansa. May magtutulak sa kongreso at senado upang ipagtanggol ang karapatan ng mga mananayaw. May aktibong magsusulong sa pangangailangan nila lalo na kung lalaban sa ibang bansa. Mayroon na mag-aasikaso sa lahat FULL TIME. May lalapitan ka na. May makikinig na sayo. May magtutuwid sa tama. May papagitna na. May magtatanggol sa tama. May magbibigay ng lakas ng loob sayo. May magtuturo sayo. Sana mayroong organisasyon ang mga choreographers upang magbigay ng nararapat na turo o lecture na TAMA sa mga baguhan at datihang dancers na nabubuhay sa maling aral. Sana may magtutuwid na ng mga terminolohiya na ginagamit. Sana may magtuturo nan g TAMANG FOUNDATIONS sa lahat. Sana may magtuturo ng tamang HISTORY ng sayaw. Sana may aagapay upang isama tayo sa tamang tao upang mag-training o workshops. Sana mayroong organisasyon sila na mag-set ng kanilang nararapat na talent fee kapag kukunin ang kanilang serbisyo upang magturo, magsayaw, mag-judge o kaya ay advise. Sana mayroong organisasyon na maaaring magbigay ng mga ipinagbabawal na routine, stunts, musika at costume upang magabayan ang lahat sa nararapat na presentasyn habang nasa entablado. Sila ang magbibigay ng mga polisiya sa paghawak ng pera at agresolba sa mga kaso sa dance community. Marami pang magagawa ang organisasyon na ito kung ito ay mabubuo. Kailan ba kaya mangyayari ito? Kapag NAGKAISA na at nagkaroon ng iisang hangarin ang lahat ng leaders at mananayaw sa Pilipinas. Kapag kinalimutan nila muna pansamantala ang pansariling interes. Kapag marunong na silang magsakripisyo para sa lahat kapalit ng personal na pangangailangan. Kapag isinantabi muna nila ang mga samaan ng loob at inggit sa katawan. Kapag isintabi muna nila ang galit at poot. Kapag marunong na silang MAGPATAWAD at MAGBUKAS NG PALAD sa kapwa nila mananayaw o lider. Huwag na din natin bigyang-malisya ang artikulo na ito dahil ito ay para sa mga committed na lider lamang. Narito lamang ang Dance PH upang sumuporta rito. Sa inyo na po ibinibigay ang liderato ng organisasyon na ito. Matutupad ang pangarap kong laban kapag IISA na ang PUSO at ISIPIN ng mga tao sa dance community. Marami akong nakikitang mabubuting lider mula sa propesyonal at amateur level na maaaring mamuno. Maraming magagaling at pinagkakatiwalaan. Kaya lang kakaunti ang gustong humakbang para gawin ito. Ang LABAN na ito ay laban upang MAGKAISA ang lahat. Nawa’y ang mga lider na makababasa nito ay humakbang na upang umpisahan na ang laban. Oo ikaw yun. Kailangan ka ng mga mananayaw. Kailangan ka nila upang itatag ang totoo at lehitimong organisasyon ng mga mananayaw. Kailangan na kumilos ka upang sabay-sabay tayong abutin ang pangarap ng lahat. Baka ikaw na ang aking tinutukoy? Panulat ni Prof. Louis Ryan Angeles DISCLAIMER: Ito ay isa lamang opinion, pagmumuni-muni, obserbasyon sa ating dance community ng author. Kung mayroon mang kasalukuyang organisasyon (legal at kinikilala ng lahat) na kahalintulad ng aking nabanggit nawa kami ay maituwid. Kung mayroon na kayong mga hakbanging ginagawa nawa ito ay maipaalam o maibahagi. Hangad namin ang tagumpay ng lahat.
Ang mga larawan ay mula sa UP Manila Indayog Sayaw Manila 12: Isyu Dance Concert Bukod sa kulang ng members ang dance group nyo at ang mga nanatili naman sa inyo ay may kanya-kanyang problema sa buhay. Gaya ng di pinapayagan ng magulang mag-practice, conflict sa schedule sa pag-aaral at kung anu-ano pa. Ang major problema niyo talaga ay PERA!
Tama ba? Syempre, paano ka sasayaw kung wala kang pang-costume, pang-quota, pamasahe at pangkain. Sige, try nila di ba? Kaya isang malaking problema ng grupo talaga yan. Actually, problema naman ng lahat ng tao yun eh. Kaya narito ang 6Ms para may panggastos ka sa bisyo ng pagsasayaw. 1.MANGHINGI sa Pamilya Sino pa ba susuporta sayo kundi pamilya mo. Si Tatay mo may trabaho. Si Nanay mo nagba-budget nito. So, sila talaga ang matatakbuhan mo. Karamihan naman ng mga dancers ay sa pamilya nanggagaling ang pera. Dahil ikaw ay bata pa. Tungkulin nila ang ibigay pangangailangan mo. Hikbi. Pero huwag mo ding kalimutan ang tungkulin mo sa kanila. Give and take brad. Mag-aral mabuti at magsipag para tuloy tuloy ang biyaya kay erpats at ermats. Speaking of kalimot, huwag mong kaligtaan yung ate/kuya mo na nagtatrabaho. Si pinsan o tito/tita mo sa abroad. Baka pwede mo sila chikahin muna ng kaunti sa Facebook chat tapos saka mo i-segway yung pangangailangan mo sa pagsasayaw. 2.MAG-IPON at Magtipid Ang the best talaga ay matuto kang mag-ipon. Huwag masyadong palagasta. Tigilan mo na kaya yang pagyoyosi mo. Baka magka-cancer ka pa sa baga. Pati yung MJ at bato mo isama mo na din. One hour ka lang sa isang araw mag-internet, Facebook, LOL o DotA. Tapos gawin mong thrice a week lang. Huwag ka na pumusta sa basketball. Walang nananalo sa sugal. Ikaw pa din talo sa huli. At lahat ng matitipid mo mula sa mga gastos na yan ay ilagay mo sa alkansya o itabi mo. Kapag naipon ay swak na swak na yan para sa pangangailangan mo. Imagine mo, kung makakatipid ka ng sampung piso sa isang araw at i-multiply mo sa 30 days. Mayroon kang tumataginting na P600.00 sa bulsa! Isa pa, huwag ka muna pasosyal. Saka na muna mag-Starbucks o food chain. Umuwi ka sa bahay nyo at dun kumain. Try mo din mag-carinderia. Iwasan mo muna din bumili ng mamahaling damit. Pogi o maganda ka pa din naman kahit simple porma mo eh. 3.MAGBANAT ng Buto Ay! Kulang pa din ba kahit tinigil mo na mga bisyo mo at nagtitipid ka na sa pagkain? Oras na siguro para magtrabaho ka. Sideline ka muna. Kung di ka nag-aaral ay magtrabho ka full time lalo na at nasa tamang edad ka na. 18 years old above pwede na mag-work full time. Yung mga menor de edad ay mag-sideline ka as assistant sa mga negosyo ng kapitbahay o pamilya mo. Ang pera kasi ay pinaghihirapan kaya try mo din paghirapan. Tapos may self-fulfillment pa. Di ba? May pera ka na, responsable ka pa. Lalo na kung ang pamilya mo ay naghihikahos sa pera. O kaya graduate ka na tapos di ka pa nagwo-work. O di kaya ay may asawa’t anak ka na. Pinaka the best option ito. Magbanat ka ng buto. Kumuha ka na ng bio-data o resume mo at bukas na bukas mag-job hunting ka na. 4.MAGSOLICIT sa Ibang Tao Ito ay para sa mga medyo kapalmuks ng kaunti. Kaunti lang naman. Sila yung mga malalakas ang loob na lumapit sa ibang tao at magbigay ng letter para manghingi ng kaunting halaga para sa pagsasayaw. Walang nakakahiya dito at effective din ito. Yun nga lang dapat madami at malawak ang networks mo. Simulan mo mag-ikot sa mga barangay officials, kapitbahay, negosyo, FB friends, textmate, ex-girlfriend, organisasyon o sa kahit di mo kakilala. Umpisahan mo nang gumawa ng letter o kausapin mo na yang nasa isip mo ngayong tao. 5.MAGTABI ng Papremyo Galingan nyo sa pagsasayaw para naman manalo. Tapos kung ano ang napanalunan sa contest ay gamitin sa pagsasayaw. Pag-usapan ninyo saan gagastusin ang napanalunan. Itatabi ba para sa grupo o kanya-kanyang parte. Tapos maglaan ka para sa pagsasayaw kapag nakatanggap ka. Kung may hawak kayo ngayon ay itabi nyo na. Huwag mo ding kalimutang magtabi para sa sarili mo. I-comfort mo din minsan sarili mo ng isang Sundae sa 7-11. 6.MAGDASAL sa Panginoon Ang Diyos Ama ang may-ari ng lahat ng bagay sa mundo. Siya ang gumawa ng langit at lupa. Siya ang naka-unli pagdating sa kayamanan. Sa Kanya tayo manghingi. Di Niya tayo pababayaan. Basta maganda ang motibo n gating kahilingan. Ilan lamang yan sa mga praktikal na maaari mong gawin para di sumakit ulo mo tuwing may contest na nalalapit. Dagdagan mo ng sipag at tiyaga sa labas ng dance floor para may bala ka kapag magsasayaw na sa entablado. Tumayo ka na ngayon at magiing excited sa mga magagandang mangyayari sayo at sa grupo mo. May iba ka pa bang alam para magkaroon ng budget sa pagsasayaw? Share it to us. Paano nga ba maging magaling na dancer (Hugot Version)?
1. Una, alam mo na may talento sayong ibinigay ng Diyos. Gift kasi ang pagsasayaw. Hindi lahat ng tao may ganyan. Subukan mo. Kapag para sayo ay para sayo. Kapag hindi para sayo huwag mong ipilit. Wala ka kasi talaga nun. Gaya ng pagpupumilit ko sayo na alam ko naman na hindi ikaw para sa akin. 2. Pangalawa, kapag nalaman mo nang may talento ka sa pagsasayaw ay paglinangin o i-develop mo ito. Sumali ka sa mga grupo ng mananayaw. Makisawsaw ka sa kanila. Gaya ng pagsawsaw mo sa kani-kanino kahit alam mong akin ka lang. Gusto mo marami kami. Gusto mo isang grupo kami sa buhay mo. Ayaw mo na nag-iisa lang ako. 3. Pangatlo, Umattend ng mga workshops, dance class at trainings. Manuod ng mga video sa YouTube upang mas lalo kang humusay sa pagsasayaw. Pag-aralan mo lahat ng styles at history ng sayaw. Pag-aralan mo kung matututunan mo pa akong mahalin. Alam ko nasasaktan na ako pero umaasa pa din ako. Sa akin lang ay bigyan mo ng panahon tayong dalawa. 4. Pang-apat, sumali ka sa mga contests at program sa school, barangay at iba't ibang malls. Para masanay ka sa tao. Para ma-share mo na talent mo sa iba. Gaya ng pag-share mo sa puso mo sa dalawa. 5. Panghuli, maging mapagkumbaba ka. Kahit gaano na kalayo narating mo ay titingnan pa din sayo ay ang ugali at hindi talento mo. Magaling ka ngang sumayaw pero di naman maganda ugali mo. Para saan pa? Walang papansin sayo. Ako na nga lang pumapansin sayo pero ito ako deadma pa din. Panay seenzone. Walang reply sa text. Kapag nagkikita tayo ay para lang akong hangin na napadaan lang sayo. Kahit konting pagtingin ako'y bigyang-pansin. P.S.: Upang lalong maging magaling na mananayaw ay palakasin ang katawan at patibayin ang puso sa mga pagsubok. Gaya na lang ng pagpapalakas ko sa puso ko sa mga sakit na idinulot mo. Madalas sa competition ay puno ang bag ng mga dancer. Ito man ay back pack o varsity bag. Silipin natin ang laman nito.
1. PANG-COSTUME Unang-una yan. Dahil kapag wala kang costume ay di ka makakasayaw. Andyan ang pantaas na pang-baseball, black pants o leggings, black Vans shoes, balck na medyas, gold chain na accessory at banda. Syempre ang costume depende sa gusto ng grupo at sa concept nito. Pero para sa karamihan ay basic na costume ang mga ito. 2. PANG-TRAINING Magbabaon ng short pants, cellphone, charger, wallet at coin purse. Short pants at pamalit na damit pagkatapos mag-training. Cellphone at charger para stay connected ka sa ka-grupo at pamilya mo. Wallet at coin purse para pang-gastos (pero madalas walang lamang pera). 3. PAMPA-FRESH Syempre bago at matapos ng training ay kailangan mo ng pulbos, hand towel, deodorant, water canister, at pabango. Para fresh na fresh ka sa training at competition. 4. PANG-PORMA Bago ka pumunta at pagka-uwian na ay kailangan mong pumorma. Di mo dapat suotin pauwi costume mo o pang-training mo. Kaya magbabaon ka ng damit na pang-porma gaya ng t-shirt na branded o nagsasabing mananayaw ka, top tank para mas komportable, jogger pants na uso, Jordan cap at Air Max na sapatos. Ang dami mo mang dala ay ayos na ayos lang basta ikaw makakasayaw. Dagdag pogi points kapag ikaw ay laging maayos at malinis tingnan whether ikaw ay nagte-training, kumokontes o lalakad lang. Ang tunay na dancer ay malinis sa katawan. Maayos tingnan. Pleasing at hindi dugyot tingnan. Laging iisipin na titingnan ka lagi ng tao. Hinahangaan ang mga dancers kaya dapat mabuting halimbawa sa pananamit man o sa ugali. Kahit ikaw man o hindi ikaw naglalaba ng damit mo dapat lagi kang maayos. Mag-ipon ka para makabili ka ng mga gamit mo at mas maraming matuwa sayo dahil kahanga-hanga ang itsura mo. Isang normal na kwentuhan ng mga magkakaibigan kagabi sa tapat ng kanilang bahay. Kwentuhan tungkol sa grupo at mga iniidolong personalidad sa dance community. Kanya-kanya kaming istorya at reaksyon sa mga kwento at issues. Si Jhom, 17 years old, estudyante, nagpapahingang miyembro ng Blumstyle Syndicate ay nagsambit na hindi niya idolo ang FMD Xtreme. Isang grupo sa Caloocan daw ang kanyang hinahangaan. Ako naman ay nagsabing FMD Xtreme ang hinahangaan ko dahil magaling sila mababait. Tinanong ko si Jhom, Kenneth at John Paolo kung nakitaan na nila ng yabang ang mga miyembro ang FMD. Ang sagot nila wala pa. Sabi ko exactly. Kahit ako isang taon ko nang kakilala sila ay wala pa ako naririnig o nakitaan ng ganun. Nagyabang ako ng kaunti. Nasambit ko na si Kennedy Cortez, leader at choreographer, ang nag-add sa akin sa FB. "Nakakahiya naman," pabiro kong sambit. Choosy pa ba ang isang Ryan Angeles para hindi siya i-accept kaagad. Siyempre confirm agad-agad ako kahit puno na din friend list ko. Sabi ko, sobrang na-touch ako ng siya pa talaga nag-add sa akin dahil alam kong punung-puno na din FB niya at saka ang dami din gustong maging FB friend siya. Pero hindi agad-agad nangyari yun. Maraming beses din ako nag-request sa kanya na ma-add pero seenzone lang din gaya ng karamihan. September 19, 2014: Unang request ko sa kanya matapos ang pag-imbita namin sa grupo nila para sa First Anniversary Concert ng Red Fox Dance Company sa EARIST. March 8, 2015: Nag-message ako ng "Bro" pero wala pa din April 23, 2015: Binati ko siya nung birthday niya at ayun wala pa din. Naunawaan ko siya marahil dahil na din sa wala na siguro talagang espasyo para sa akin. August 1, 2015: Matapos ang Elite Asia ay inadd na niya ako sa FB. Sobrang galak ko kasi FB friend na kami. Gaya ng ibang mananayaw at taga-hanga niya na honor na maging friend mo ang isang world champion na choreographer (kahit sa FB man lang). Bago niya ako ini-add ay maraming beses na din kami nagkita gaya sa WSB, Dance 4 Life, Elite Asia at kung saan pa. Suportado ko at ng Dance PH talaga sila sa kanilang mga laban. Marahil naisip niya na lagi niya akong nakikita at naawa na din sa akin. Hahaha... Pero dahil sa hiya ko ay di ko nabanggit kahit minsan sa personal na maging FB friends kami. Mabalik tayo sa kwentuhan naming magkakaibigan. Matapos kong nakwento ang istorya namin ni Kennedy kung paano kami naging FB friends at kung gaano ako katagal na naghintay para maging friends kami (11 months men!) ay pinabasa ko nga sa kanila convo namin. At dahil online siya ng panahon na yun ay piniem ko siya: "Bro... Pinagkwekwentuhan ka lang namin hehehe.." Sabay submit ng picture namin na naka-FMD handsign. Si Kenneth ng 21st Street ay hindi nakasama kasi siya nagpi-picture. Nang makita pa lang namin na nagta-type na siya ng isasagot ay sobrang saya na namin. Medyo maingay na kami. Di maipaliwanag yung excitement naming apat dahil magre-reply siya. Alam mo yung feeling na "fan" ka. Ganun... Sobrang natutuwa kami dahil pinansin kami niya. Hanggang mag-reply sya ng "Hhhah" at isang smiley. Sinundan pa ito ng GIF na taong nagsasayaw at maya-maya ay picture niya kasama ng mga ka-grupo niya! Boom!!! Sumabog kami sa saya at tuwa. Lubos at sobra-sobrang saya, kilig, excitement at galak ang naramdaman namin. Andun pala sila magkakasama kung saan man yun. Nag-selfie pa sila para sa amin. Ang sagot namin ay salamat at napasaya nyo kami. Sobrang pasasalamat namin sa kanila. Sinundan pa ito ng isang message na kung saan ay nagsasabing "Oh ayan para lalo po kayo mag enjoy ay papasa ako hahahahaha" kasama ang GIF animation ng lalaking nagte-twerk at isang video ni Gamay. Ipasa daw namin yung video ni Gamay. Angas ni Gamay. Luma-Love Me Like You Do ang peg. Sa sobrang saya namin ay nag-request kami na if pwede magpa-fansign. Sobrang kinakabahan kami dahil baka mamaya hindi kami pagbigyan. Ang tagal ng reply ni Kennedy. Sabi namin baka nagpapahinga na sila. Kami andun nakatumpok at umaasa na mapagbigyan. At saka iniisip namin baka di nila ginagawa ang ganun. Kasi parang di ko pa sila nakitang nag-gaganun. Tinanong ko din mga kasama ko if may nakita na silang nagawang fan sign ng FMD o ni Kennedy ang sabi nila ay wala pa. Matapos ang siyan na minuto ay nakita namin may tina-type na siya. At may nakita kaming tatlong box na image. Hindi pa namin maaninag kung ano yung laman ng box pero alam namin na image yun. Nag-umpisa kaming mag-ingay, ma-excite at makilig lalo dahil mukhang mapagbibigyan request namin. Matapos ang pag-aantay ay lumabas ang tatlong larawang ito. Sobrang nag-ingay kami at natuwa dahil napagbigyan request namin. Customized talaga at saka ang linaw pa. Di namin ini-expect. Sobrang nakumpleto gabi namin. Yung tatlong kasama kong dancers ay nakaramdam na feeling nila kumpleto na pagiging dancers nila. Sobrang saya. Abot-langit ang ngiti. OA na kung OA pero yung feeling na pwede ka nang mamamatay dahil sa ipinakita nilang pagtanggap sa amin at mapagbigyan request namin.
Pabirong sinabi ko na pwede nang i-cover photo yung picture ng one year walang palitan. Sagot ni Jhom na sa kanya daw forever niyang cover photo. Sabay tawanan kami. Di matumbasan ang saya namin kagabi. Kasi na-appreciate kami ng mga world champions. Na-appreciate kami ng mga nagre-represent ng bansa natin. Kahit malayo na ang narating nila ay hindi nila nakalilimutan ang pinanggalingan nila at ang mga taong sumusuporta sa kanila. Ang simpleng ginawa nila ay nagbigay ng malaking inspirasyon sa mga dancers na kasama ko at sa akin. Na nawa'y magbigay din ng inspirasyon sa iba. Gaya ng lagi kong sinasabi. Mananatiling paborito kong grupo ang FMD Xtreme dahil sobrang galing nila. Pero given na yun. Malakas sila. Magaling sila. World-Class sila. Pero kaya ko sila naging paborito talaga dahil sa ugaling ipinapakita nila mula kay Rizza, Kennedy at sa mga ka-grupo nila. Ang kababaang-loob at kabutihang-loob na meron sila na mahirap ipanatili sa panahon ngayon na kung saan ay may nakamit lang na maliit na karangalan ay nagmamataas na at kung makapanghusga ng ibang grupo at kapwa ay ganun-ganun na lamang. Sila ang grupo na pinagpapala dahil sa pagpapanatili ng kabutihan at kababaaang-loob kasabay ng pagpapalakas sa larangan ng pagsasayaw. Muli kong tinanong si Jhom. Ngayon bro, idolo mo na ba ang FMD? Ang sagot ng bata ay "Oo". Isang munting bagay na nakapagpabago sa pananaw ng isang ordinaryong mananayaw. Sa kanya mas magaling yung idolo niyang dancer sa Caloocan kumpara sa FMD. Pero ngayon mas idolo na niya ang FMD dahil sa kabutihan na ipinakita sa kanya. Nagpaalam na ang grupo sa amin dahil magpapahinga na sila. Nagpaalam na din kami at umalis dahil napagalitan na kami ng kapitbahay. Nang i-PM ako ni Bryan Garcia upang maging media partner ang Dance PH sa Dancer's Association of the Philippines (DAP) Grand Launch at Dance Competition ay walang atubili akong umoo dahil na rin sa magandang layunin na alam kong mayroon ang grupong ito. Kahit wala nang letters at conditions ay yes kaagad ang Dance PH. Ginawan kaagad namin sila ng poster para mas presentable ito. Kasama namin ang Filipino Dancers na nag-promote at tumulong dito. Alam ko personally na maganda ang layunin ng asosasyon na ito upang mapangalagaan ang mga dancers at lahat ng manunuod ng mga dance competitions. Dumating ang araw ng kompetisyon. Galing ako sa klase sa Mendiola ay agad-agad akong tumakbo patungong LRT upang sumakay pa-Valenzuela. Hindi ko alam ang lugar. Di pa ako nakakapunta sa People's Park Amphi-Theater ng Valenzuela. Kahit inabot kami ng malakas na ulan patungo dun ay hindi kami nagpatinag bagkus ay nagpatuloy kami sa pagbyahe dahil alam namin na magiging masaya ang competition at maraming dancers ang lalapag sa contest na ito. Pagbaba namin ng jeep ay namangha ako sa ganda ng lugar. Park talaga. Maganda ang tanawin. Mayroong animoy damuhan na kung saan naroon ang mga dancers na nakaupo at ang iba naman ay nagpa-practice. Ang daming tao at ang ambiance ay masaya. Lalo na at alas singko ng hapon. Hindi masyadong maaraw at hindi rin maulan. Perfect ang tambayan ng mga dancers. Nang pumasok ako ay nakita ko din ang amphi-theater. Pero bago ang nakapasok ay mahigpit ang security sa bawat butas ng Amphi-Theater. May mga tali ang bawat butas para hindi makakapasok basta-basta ang ibang tao o dancers. Madaming naka-kulay violet na DAP uniform. May mga security din ang Park na nagbabantay. May mga taga-linis din sa paligid. Mahigpit ang security na kung saan ang entrance at exit. Bawal umexit sa entrance at bawal pumasok sa exit. Di ba? Basic na batas na dapat pinatutupad para maging maayos ang lahat. Yung CR ay malinis at may bantay din. Saan ka pa? Datapwat di nagsimula sa oras ng event na gaya ng naipangako ay naging maayos pa din ang lahat. Makikita mong pinaghandaan ang ilaw, stage, queuing ng dancers, music at iba pa. Dumating lang yung time na naantala ang contest dahil may pasaway na dance crews na hindi pumipila habang malapit na siang mag-perform. Gayundin, ang music na palpak at hindi tumutugtog. Mga basic na problema sa isang dance competition na maaring maiwasan kapag pinasa na kaagad sa organizer bago ang kompetisyon. Magagaling ang mga nag-perform at madami sa kanila ay mga taga-Norte gaya ng Malabon, Navotas, Valenzuela, Bulacan dahil nga malapit lang ito sa venue. Natagalan lang ako sa isang artista ata yun na kumain ng mhabang oras. Pero magaganda naman yung mga sinasabi niya at nag-enjoy ang lahat lalo na ng magsayaw si ate na napakaputi at mukhang Haponesa. Lupit ni ate at nag-enjoy ang lahat lalo na ang Barangay Tibay.
Sa nangyaring kompetisyon na ito ay nabawasan ang stress ng mga dancers. Pati ako. Hindi ako masyadong nakakita ng kahinaan ng nag-organize nito. Ang galing! Isang Ice Cream Clap para sa inyo. Clap. Clap. Clap. Ahhhmmmmmm.... Mahusay din naman ang dalawang hosts na nasa entablado. Mabait si kuya na nasa technical booth na pinayagan akong mag-charge dahil nauubos na yung battery ng cellphone ko na ginagamit ko sa pag-picture. Pinaghandaan. Yan ang masasabi ko sa DAP contest na ito. Alam nila ginagawa nila dahil matatagal na sila sa larangang ito. Nirerespeto din ang mga taong ito. Kudos kina Mommy Moneth ma kahit di ko kakilalang mabuti ay naging magiliw ng ipinakilala sa akin. Gayundin, kay Tito Ricky Sulla na maasikaso at tinanong pa ang mga grupo na kasama ko kung okay lang at maayos. Simpleng pag-aalala ay malaking bagay na sa isang kagaya ko. Kay Bryan Garcia na kung saan-saan tumatakbo dahil sa concern na concern para mas maganda ang contest. nandyang ayusin ang hilera ng mga susunod na magpe-perform. Tapos ang pinakamatindi dun ay nang makita nya na may dancer na nasaktan matapos bumagsak sa tambling ay agaran siyang tumakbo sa backstage at inalam ang kalagayan nito. Sa mga Violet Boys at sa People's Park staff salute sa inyo kasi ang babait ninyo. Maasikaso at courteous. Ang mga papremyo din ay nag-uumapaw at nabigay ng maayos sa mga nanalo. Ang gagaling ninyo. Bilang karagdagan na lamang ay iminumungkahi ko na bigyan na lang sa susunod ng highlights sa programa kung ano ang layunin ng DAP ng sa ganun ay alam ng mga dancers bakit mayroon tayo nito. Nagkaroon din sana ng ceremonial launch para rito. Muli, binabati ko ang DAP sa isang matagumpay na event! Saludo kami sa inyo ngayong Araw ng mga Bayani! Para sa mga larawan ng mga crews ay bumisita sa Dance PH Facebook page dito. |
Prof.
|