Marami ang na-excite na sumali na dance crews ng malaman nilang may pa-contest ng isang tenant ng Isetann mall sa Recto Avenue sa Maynila. Maayos kahit papaano ang venue dahil nasa Cinema 3 ng mall. Ang pa-contest na ginanap nuong August 30 ay inorganized ng Triple A Abrenica Film Productions. May mga pakulo pa sila na mga "artist" na darating daw. August 28, araw ng Huwebes, ala-una ng madaling-araw ay dumating ang GM mula sa isang Julius Bergado na nagpakilalang "Event Host" tungkol sa Criteria for Judging ng contest. Nabigla ako nang mabasa ko na para manalo ang mga dance crews ay kailangan bumili ng tickets ang mga supporters ng crews na nagkakahalaga ng P100 bawat isa kasi kasama sa Criteria for Judging ang Ticket Sales. 30% lang naman ang katumbas ng ticket sales. Huwattttt??? 30% na benta ng tickets para mapatunayan mong magaling ang isang dance crew? Paramihan na ba ito ng bentahan ang dance contest ngayon? At bukod pa dun ay may 20% pa na Audience Impact. Walang masama na maglagay ng Audience Impact at Ticket Sales sa Criteria basta maliit na bahagi lamang ito ng kabuuan. 5%-10% max ay pwede na sa ganuong factor. Dahil importante din naman ang tingin ng manunuod sa contest. Nag-reply ako sa text nila at sinabi ang aking opinyon hinggil sa criteria. Ang kanilang kasagutan ay aayusin nila ito at babaguhin. Si kuya na event host ay text ng text din na search din daw ito para maging back up dancer nya sa kanyang 3rd solo concert nya na ang special guest niya ay si Sarah G. Sinong Sarah G? Geronimo ba o panlinlang lang sa mga dancers? Si kuyang event host/organizer/coordinator ay isang baguhang recording artist din pala. Multi-tasking siya. Sinasaladuhan ka namin. In fairness, Mr.Julius Bergado ay napaka-courteous mo sa pagsagot sa aming mga katanungan. Kinabukasan, bandang alas-dos ng hapon ay nag-text siyang muli at nabago na ang criteria. Ang 30% na Ticket Sales ay naging 20% na at kasama na ang Audience Impact. Nawala ang 30% na Stage Performance at naging 40% Choreography (saan naman kasi nanggaling ang Stage Performance? hehehe). Ang Technicality/Music na 20% ay naging 30% na Execution. At naidagdag nila ang 10% na Costume. Still, sinabi ko pa din ang aking opinyon na ang TICKET SALES ay hindi dapat maging bahagi ng criteria. Maaari silang magbenta ng ticket pero hindi nila dapat inoobliga ang mga mananayaw na maghanap ng audience para sa kanila. Kung gusto nila may manuod ng contest nila ay gumawa sila ng paraan at huwag nila iipitin ang mga dance crews sa pamamagitan ng criteria upang madaming manuod sila. Nagbayad na sila ng quota na P500 at marahil ay sapat na yun. Yung malalaking mall events o contest nga ay wala silang quota eh. Tapos libre pa mga audience sa panunuod tapos kayo ganyan. Ang pa-contest mismo ng Isetann Mall na U-Belt 6 ay no registration fee at free sa audience ang panunuod. Gayundin ang Dragon 8 Mall, Fisher Mall at 999 Mall. Pagkatapos ang Triple A Abrenica ay pinagbabayad ang dancers at manunuod. Anyway, okay lang magbayad basta makatwiran at hindi dadaanin sa ipitan. Sa madaling salita, hindi ako manunuod sa dance contest na iyon at hindi sila susuportahan. Pangalawa, nasabi ko ang sarili kong opinyon sa mga dance crews at sinabing bahala na sila mag-decide sa sarili nila kung sasali o hindi,. Dumating ang araw ng contest ay 25 crews daw ang sumali out of 50 na nagpalista.
Araw ng contest ay alas dos ng hapon ang call time ng mga dance crews. Ayon sa aking mga nakakausap na dancers ay bandang alas-kwatro hanggang alas-singko nag-start na event. Sana naman ay nag-start sa oras sila. At natapos na daw lagpas alas dose ng madaling-araw kung saan sarado na mismo ang Isetann Mall. Isa pang hinaing na dumating sa akin ay biglaang naging ELIMINATIONS lang daw ang nangyari kagabi. BIglaan mga kuya? Bakit ganun. Biglang may finals pa ulit. Sana naman ahead of time pa lang ay na-inform nyo na lahat. Complete mechanics dapat at hindi kung kailan po nasa contest na ay saka kayo mag-a-announce ng kung anu-ano. HIndi kaya't wala kayong pambayad sa papremyo kayo po naging elims lang ito? At ibibigay nyo na lang sa Finals premyo nila? Last one pa, ang limit ng members na sinabi ay 6-25 na dancers lang daw. May dumating na DUO bandang alas-siyete ng gabi at nakiusap daw na kung maaari ay sumali sila. Pumayag ang organizer dahil nakiusap naman daw yung dalawa. Triple A Abrenica kung alam nyo po kung mag-organize kayo ng competition ay siguraduhin ninyong may isang salita kayo. Paki-siguro po na maayos lahat ng inyong patakaran, mechanics, criteria at papremyo. Ang dance competition ay pinaghahandaan at pinamumuhunanan ng mga dancers. Pawis, hirap, pagod, pagsusumikap, dasal at sakripisyo ang puhunan ng mga dancers bago sila sumabak sa isang kompetisyon. Kung sila naman ay maaagrabyado dahil sa mga hindi maayos na pamamahala ng mga dance organizers ay masyado naman silang bumababa. Ang kanilang mga pinaghirapan ay mistulang nababalewala. Handa silang lumaban dahil alam nila ang kompetisyon na sasalihan nila ngunit kung biglang magbabago at di masusunod ang mga alam nila bago ang kompetisyon ay mistulang naloloko sila at naaapakan. Kagaya na lamang din sa Dance For Peace sa MOA na kung saan ay hindi nasabihan ang mga kasali na wala ng concept ang laban. Sana maging maayos pagpapatakbo ng dance contest ng mga organizers. Kung walang alam ay MAGTANONG. Magsaliksik kung paano ginagawa. PAGHANDAAN mabuti para pare-parehas na panalo lahat. Panalo ang audience, panalo ang dance crews at panalo ang organizer. Everybody happy! Kaya para sa Triple A ito po ang iiwan ang tatlong A para sa inyo: AYUSIN- ayusin pong muli ang criteria at may panahon pa para kayo bumawi sa finals. ALAMIN - mag-research kayo kung paano mag-organize sa isang kompetisyon. Ang mga mananayaw namin ay marurunong at bihasa sa mga ganyan. Buhay nila ang dance contest kaya alam nila kung ano ang nararapat para sa kanila ASAHAN - Asahan po ng mga dancers at manunuod na ibibigay nyo lahat ng makakaya nyo para maging maganda ang event ninyo. Asahan din po nila na maibibigay ang naipangakong premyo. Patunayan nyo na lang po na kaya nyong bumawi sa nakaraang pagkakamali. Yun lang! God bless your competition! Update nyo kami ha. :)
2 Comments
Nakapagsulat ka na ba ng love letter sa taong mahal mo? Ano ang iyong pakiramdam? Siguro napapangiti ka at minsan naman ay naaalala ninyo yung napagdaanan nyo. Minsan ang love letter ay yung kumakapit pa sa nararanasang pagsubok sa buhay ng inyong relasyon. Ang love letter mo minsan ay nagbibigay ng pag-asa sa inyong relasyon. Punung-puno ng matatamis na salita sa bawat isa. Punung-puno ng mga pangako at pag-asa. Bilang mananayaw ay marahil ganito ang iyong magagawang love letter dahil sa pagmamahal mo sa pagsasayaw. Halina't basahin ang nilalaman ng puso ng isang mananayaw. Dear SAYAW, Narito ang ilang palatandaan kung ikaw ay isang dancer.
DANCER KA KUNG.... 1. Napapaindak ka kahit walang tugtog 2. Pinasayaw ka na sa isang party or sa school 3. Aalis ka ng gabi at uuwi ka na ng umaga 4. Napapatigil ang tao kapag sumasayaw ka na 5. Pinasayaw ka na sa isang party or sa school 6. Aalis ka ng gabi at uuwi ka na ng umaga 7. Madalas wala kang pera pambili ng costume at pang-quota 8. Kilala mo ang Philippine All Stars, A-Team at FMD 9. Napapasayaw ka kahit saan 10. Uma-attend ka ng mga workshops o dance class 11. Pangarap mo makatuntong sa world stage 12 Gusto mo makabili ng magandang sapatos gaya ng original Airmax o Vans na itim 13. Loyal ka 14. Nagmamadali ka para di ka ma-late sa practice nyo 15. Inuuna mo pag-aaral mo kaysa sa sayaw 16. Gusto mo lagi magpalakas 17. Alam mo yung kota, lapag, booker, compete, big event, lutuan at barangayan 18. Alam mo ang popping, locking, krump, g-style, waack, bboy, at urban 19. Alam mo ang HHI, WSB, at WOD 20. Nagpa-practice ka sa dance studio, school, kalye, basketball court, tapat ng school o barangay o sa plaza 21. May nagpapaturo sayo magsayaw o magpa-remix ng music 22. Ilang beses ka na pinapatigil ng magulang mong sumayaw pero nagsasayaw ka pa rin 23. Pagkatapos ng sayaw ay sabay-sabay kayo mag-vow 24. Pagkatapos ng contest ay mag-food trip kayo ng grupo 25. Tubig lang sapat na 26. Naparusahan ka na ng choreo o leader nyo 27. Nagdadaldalan kayo habang nagmi-meeting 28. Kilala ka sa school o lugar nyo dahil sa grupo nyo 29. Alam mong magdasal sa Diyos 30. Nagdarasal kayo bago at pagkatapos ng performance nyo 31. Nasayaw mo na ang Nae Nae 32. Nabasa mo na ito at i-share mo sa iba Namulat ako sa mundo ng dance contests na masama ang imahe ng mga booker. Marami ako naririnig sa kanila na hindi maganda dahil na rin sa karanasan ng mga dancers sa kanila. Sa lahat ng mga nagsusumbong at nakakakwentuhan kong dancers ay parating masamang imahe ang binibigay ng mga ito sa mga booker. Minarapat kong alamin kung sino at ano nga ba ang isang booker. Nakakuha ako ng mga impormasyon mula sa mga nirerespeto nating personalidad sa dance community at ilang mga dancers. Alamin natin kung sino nga ba ang mga booker sa mga barangayan dance contests. SINO NGA BA ANG BOOKER? Nuong later part ng 2009 ay nauso ang mga booker. Di pa gaano uso ang Facebook noon. Kaya di pa kalat ang info ng mga dance contests. Wala pang nagpo-post kaya mahirap makahanap ng dance contest. "Ang booker ay nauso mga 6 na taon mula ngayon sila yung humahanap ng laban mula sa ibat ibang barangay na halos kabisado na nila ang petsa ng kapistahan ng mga ibat ibang barangay.", pahayag ni Tito Ricky Sulla, kilalang taga-suporta sa dance community. "During late 2000 ang mga booker namamayagpag kasi wala pa mga post for dance competition.", pahayag ni Mars ng Junior New System. Ang mga booker ang nakakaalam ng mga fiestahan at pacontest sa barangay. Sila ang mga sumusuyod sa mga barangay para magbigay impormasyon na may dance contest na magaganap. At sila ngayon kokontak sa mga hawak nilang dance group upang sumali dito. Sila yung mga humihingi ng porsyento sa mga grupo na mananalo na nabigyan nila ng impormasyon. Halimbawa, si booker ay may nalamang dance contest sa isang fiestahan sa Quezon City. Ipapaalam niya ito sa mga dance crew na contact niya. Madalas mga malalakas na dance crews kinukuha ni booker para siyempre mataas ang tsansa na manalo. Kapag nanalo halimbawa ng P5,000 ang group na hawak niya ay kukuha siya ng porsyento dito kapalit ng pagbibigay niya ng impormasyon at pag-aasikaso. Ang porsyento ay depende sa usapan nila. "Malaki ang papel ng booker sa mundo ng mananayaw ng wala pa ang info sa mga page at FB. Mano mano ang hanapan ng contest sa bawat lugar at taguan ng info dati.", dagdag ni Tito Ricky. Ito naman ang deskripsiyon ng isang booker na nakapanayam ko: "Ang booker ang naghahanap ng mga contest. Nag- aasikaso ng sa mga dala nilang dancer at nagsisilbing proteksyon ng mga dancer. Ang booker may kanya-kanyang lugar yan eh. Dapat masiguraduo mong ligtas yung mga dala mo." "BUKER" NGAYON Dahil nga kalat na ang mga info ngayon sa dance competition mula sa iba't ibang indibidwal at Facebook page ay naging madali na sa mga dancers na makahanap ng dance contests saan mang panig ng Pilipinas. Kaya halos wala na ginagawa ang mga booker ngayon. Hindi lingid sa kaalaman ng dance community na may mga lutuan na nagaganap sa ilang mga dance competitions ngayon. At ilan sa mga itinuturong dahilan ay ang mga "buker". (Note: Ginawa kong Tagalog ang ispeling sa mga booker na may di magandang ginagawa) Nagbago ang imahe ng mga booker dahil sa mga ilang gahamang indibidwal na sumisira sa mga dance contests. Ano na nga ba ang ginagawa ng ilang mga "buker" ngayon? Ang mga "buker" ngayon ay kokontak ng mga dance crews. Kakausapin ng "buker" kung gusto manalo ng grupo dahil may kokontakin o may kontak na sila sa mga judge o organizer. Matatapos ang magdamag at may tatanghalin nang kampeon. Ang mananalong grupo ay yung may nakausap na booker. Si "buker" ay makakatanggap ng porsyento mula sa napanalunang cash prize at gayundin ang kausap nitong organizer o judge. Kaya kung P5,000 ang premyo ng dance group ay mababawasan na ito dahil sa porsyento ng "buker" at ng organizer o ng judge. Naglalaro mula 5% hanggang 20% ang porsyento nila. May mga "buker" pa nga na mismong manager o leader ng group ang nakikipagsabwatan sa organizer o judge. Naalala ko nuon na nadudulas yung mga dancer na nakakausap ko na kaya pala sila nanalo dahil niluto ng manager nila. Ang ilang "buker" ngayon ay naghahanap pa ng dance group na mas mataas ang makukuha nilang porsyento. Mas mataas ang porsyento, mas papaboran ng "buker" na ipanalo sa gabing iyon. "Ang labanan lang naman sa mga pagbu-book ng mga dancers ngayon is pataasan lng ng porsyento na makukuha na naka-depende sa presyo ng prize na makukuha sa isang laban or contest. Yung iba pera pera lang walang personalan kung saan mataas ang porsyento syempre doon sila.", pahayag ng isang group na aking nakapanayam. Tinanong ko kung may nanluluto kong "buker" sa Maynila at ang sagot ng booker na ito ay: "Meron din at hindi lang buker pati organizer ay lumalaban ng 50-50." Itong mga "buker" na ito ang nagpapasama sa imahe ng orihinal na imahe ng isang tunay na booker nuong late 2000s. Sila ang nagpapahirap sa mga dance crews na nagtyatyaga at nangangarap na manalo sa malinis na paraan ngunit sinisira ng iilang gahaman na "buker". Nang aking tanungin si Tito Ricky kung ano masasabi niya sa mga "buker" na nanluluto o nandadaya ay ito ang kanyang pahayag "Buwaya ang tawag ko sa kanila at yung epal na miron ng contest sa loob ng 24 years ko sa mundo ng mananayaw." MATINONG BOOKER May ilang matino pa din daw na booker ngayon. Sila yung mga tapat na nagbibigay ng information sa mga dance crews. Sila ang mga walang sawang sumusuporta sa dance community. "Mga nakilala kong tapat na booker ay si Kuya Jose, Manong Bumbay, Mami Susan at iba pa. Sila mga tapat sila. Tulung-tulong sa pagpapakalat ng info sa contest ng mga nagmamalasakit.", dagdag ni Tito Ricky. Katunayan ay may nakilala akong booker na pumorsyento lang kasi nabigyan niya ng impormasyon ang grupo na kakilala ko. Inimbitahan niya at nang manalo ng P2,000 ay kumuha na siya ng porsyento niya. KAILANGAN PA BA NG BOOKER SA NGAYON? Nang makausap ko ang isang booker. Ang sabi niya di lahat ng booker daw ay masama. Kagaya niya daw na isang booker. Ang pagbibigay daw niya ng info ay bukal sa kanyang kalooban. Ngunit kailangan daw minsan na itago ang ilang kompetisyon para siya naman daw ay kumita dahil gumagastos din siya. Ilan sa tinutukoy niya ay mga DC sa probinsiya. Sa loob-loob ko, kung bukal sa loob ang pagtulong bakit kailangan na may itatago ka para sa sarili mo? Narito naman ang opinyon ni Mars: "Sa kabilang banda nakakatulong sila kasi nalalaman nila mga contest na tago. Pero ngayon kasi di na kailangan ng booker kasi naka-post na lahat ng competition sa net." "Kung tutuusin di na kailangan ng booker sa panahon ngayon. Ang importante ang dancers mo ay maraming kaibigan na kapwa niya dancers kasi halos sila-sila ang nagpapasahan ng info.", komento ni Tito Ricky. MAGPAPA-BUK KA PA BA? Sa pangkalahatan ay maganda ang ginagawa ng mga lehitimong booker nuong panahong wala pang open info sa mga contests. Ngunit sa ngayon ay nabahiran na ito dahil na rin sa iilang makasariling indibidwal. May kwento pa nga ang ilang grupo na hindi ibinibigay ng mga "buker" na ito ang mga napanalunang premyo sa dance group. Matapos nilang ibigay ang pang-quota, mag-perform at manalo ay hindi ibibigay ng "buker" ang premyo ng grupo bagkus ay sinolo nito ang lahat. Nasa mga dance group na kung sila ay magpapalakad sa mga "buker" na nais lamang ay lamangan ang kapwa. Hindi maganda na nagpapakahirap ang mga 30 dance group sa isang gabi at pagkatapos ay gagapangin lang ng ilang indibidwal upang ipanalo ang manok nila. Sabi nga ng isang taga-dance community: "Huwag gawing hanapbuhay ang dance contest." Lalo na kung sa di mabuting paraan nangggaling. "Siguro ang pananaw ko sa ibang booker. Nakakatulong mas mapabilis makahanap yung mga dancers ng contest. Some nanghihingi ng 10% ok lang kasi sa kanila naman galing yung contest. Pero yung ibang booker kasi bu-book ka nila kasabay na ang alok na pwesto. Minsan sila ang nagiging dahilan kung bakit pumapangit ang imahe ng mga street dance contest dito sa atin. May ibang pumapatol. May ibang umaasang mananalo sila sa kanila sariling kakayanan.", pahayag ni Rizza Carganilla ng FMD Xtreme. Sa mga dance groups, kung anong ayaw niyong gawin sa inyo ay huwag niyong gagawin sa kapwa ninyo. Sa mga organizer at judge, respetuhin natin ang pagod at hirap ng nakararaming dance groups na lumalapag sa contest ninyo. Sa mga "buker", mag-isip tayo ng ibang hanap-buhay at hindi panlalamang sa kapwa. Sa mga lehitimo at tapat na booker ay saludo po kami sa inyo. Nawa'y protektahan at alagaan natin ang mga dance groups lalo na ang mga baguhan sa mga iligal na gawain ng ilang indibidwal. Saan ka pupunta? Sa booker o "buker"? Napagdaanan na natin nuong bata pa tayo na gusto natin maging superhero. Marami tayong ginagayang superhero dahil feeling natin ay meron din tayong superpowers na gaya nila. Pwede tayo maging Ironman, Batman, X-Men, Spiderman, Wonderwoman or Superman. Gaya ni Superman ay gusto natin maging kasinlakas niya at lumipad na gaya niya. May isang batang dancer ng isang jazz dance group ang sumubok na lumipad kagabi sa isang dance contest sa Tondo na gaya ni Superman. Bahagi ng routine ng mga jazz dance group na ihagis, iwasiwas, saluhin at paikut-ikutin ang mga maliliit na bata. Ang mga bata ay karaniwang menor de edad na may kapayatan at malalambot ang katawan. Sila yung mga batang iwinawasiwas ng mga 4 na kagrupo na hawak ang kanyang dalawang kamay at paa. Iwawasiwas ng malakas na pababa at pataas hanggang sa makakuha ng tyempo na mapaikot ng 360 degrees ang bata. Uulitin ito ng makalawa o makatatlong beses. Mayroon din naman na ihahagis mula sa kabilang side ng stage at iikot hanggang sa masapo ng mga kagrupo sa kabilang side ng stage. Meron namang sasabit sa kawayan at duon ay maglalambitin. Isa sa mga major highlights ng mga grupong ito ay pagtuntong ng bata sa isang mataas na bahay o gusali at sila ay tatalon mula sa ikalawang palapag nito. Una akong nakakita ng ganito sa Balic-Balic. Sobrang natakot ako at ayaw ko makita ang gagawin dahil sa delikado ang pagtalon ng bata kahit na siya ay sasapuhin ng mga kagrupo. Ngunit ibang klase ang nakita ng mga taong-bayan kagabi sa Tondo. Matapos ang mahabang presentasyon ay pumwesto na ang mga kagrupo ng bata. Siya ay nakapang-costume ng Superman. Nakita na lang namin na umaakyat ang bata mula sa stage patungo sa bahay na may tatlong palapag. Para siyang Spiderman kung umakyat ng bahay. Matapos nito ay pumwesto na sya upang tumalon sa manipis na tela na hawak-hawak ng kanyang mga kagrupo. Habang nag-aayos siya ng pwesto ay muntik-muntikan na siyang makabitiw at nagtilian ang mga tao. Parang walang makakapigil sa munti nating Superman sa kanyang paglipad mula sa ikatlong palapag. Sa pwesto niya ay maari siyang sumabit sa mga kawad ng kuryente o di kaya sa mismong backdrop ng stage o di kaya ay sa mismong semento ng backstage. Matindi ang takot at kaba ang nararamdaman ng tao dahil sa gagawin ng bata. Di na halos makapagsalita at makakibo ang lahat habang inaabangan ang stunt ng 14-anyos na bata. Hanggang sa siya ay lumipad at tumalon sa manipis na tela. Nagsigawan ang taong-bayan. Malakas ang impact ng pagkakabagsak ng bata. Sa sobrang lakas ay di kinaya ng tela ang impact at tumama din sya sa sahig. Lumampas ang ilang bahagi ng katawan niya sa hawak-hawak na tela. Hilong-hilo ang bata. Nagpalakpakan ang manunuod. Ang iba naman ay sinisilip ang nangyari sa bata. Ang mga kagrupo niya ay pilit siyang sinusuri kung ano nangyari dahil halata sa bata na siya ay nasaktan. Di siya makatayo mabuti. Tila siya ay nahihilo. Nagpalakpakan ang ilang kagrupo niya na wari nagsasabi na maayos ang kalagayan ng bata. Tumagal ang ilang minuto ay unti-unti nakakarecover ang bata. Ngunit bakas sa kanyang pagtayo ang hilo at impact ng kanyang paglipad. Nakayuko siya palagi. Hawak ang ulo at minsan ay ang kanyang likuran. Sinilip ko ang bata matapos ang performance. Kinausap ko ang leader at ang bata upang kamustahin ang kalagayan. Masakit ang likod ng bata at nahihilo. Sa aking napanuod ay nanghina ako. Sumikip ang aking dibdib at nangatog ang aking tuhod. Napaupo ako sa sidewalk. Nagdasal at kinalma muna ang sarili sa nakita. Natakot ako at kinabahan ng husto dahil sa buhay na maaaring mawala. Natakot ako at kinabahan dahil muntik na makuhanan ng magandang buhay na mayroon pa ang batang ito sa isang patimpalak na kapalit lamang ay palakpak at maliit na halaga kumpara sa napakagandang buhay na ibibigay sa kanya ng Diyos. Ano ba naman ang tatlong-libong premyo at palakpak ng madlang pipol sa isang batang maaaring maging magaling na doktor, abogado o guro. Sa akin lamang po, sa kahit anong larangan ay unahin natin ang kaligtasan ng bawat isa. Sa dance contest lalo na sa barangayan ay isipin natin ang kaligtasan ng ating mananayaw. Kapag naaksidente o namatay ang ating mga mananayaw ay para na ring pinagkait natin sa kanila ang kanilang pangarap. Ang mga mananayaw natin ay mahalaga sa mata ng Diyos at sa kaniyang mga magulang. Lubos ang pag-aalaga ng mga magulang nito upang mapalaki ng maayos. Ngunit huwag natin itong hahayaan na mabalewala sa kasiyahan ng iilang tao na makakapanuod. Ang buhay ng mananayaw ay di matutumbasan ng salapi at palakpak ng manunuod. Ang buhay ay hiram sa Diyos. Kailangan natin itong alagaan. Isauli natin ito ayon sa Kanyang kagustuhan na buo. Nauunawaan natin na gusto natin mapasaya ang mga tao o manalo ng malaki o higitan kung anuman nagawa natin ngunit di natin maaaring ipagsapalaran o isugal ang buhay sa materyal na bagay o parangal. Maaari natin ipakita ang ating kahusayan sa paraang maaalagaan ang ating sarili bilang mananayaw. Ang sayaw ay ginawa upang papurihan ang Panginoon ngunit hindi na ito magiging kapuri-puri sa Kanya kung may masasaktan o mapapahamak na buhay na galing sa Kanya. Sa mga choreographer, leader o manager ng dance groups. Paalalahanan natin ang ating sarili na ipinagkatiwala lang sa atin ng mga magulang ang kanilang mga anak. Pangalagaan natin ito gaya ng pangangalaga ng mga magulang nila. Sa mga mananayaw, pahalagahan ang buhay. Pahalagahan ang talento sa paraang gusto ng Diyos para sa atin. Unahin ang kaligtasan ng sarili bago ang anupaman. Sa construction site lagi natin nakikita na naka-helmet ang mga pumapasok dito. At sa gate ng site ay lagi natin makikita ang sign na "SAFETY FIRST". Sana ay lagi natin magawa ito. Hindi tayo superhero. Wala tayong superpowers na gaya nila. Hindi tayo immortal o invincible. Tao lang tayo na may limitasyon. Gayahin lamang natin ang mga superhero na handang tumulong sa abot ng kanilang makakaya. Superhero ka kapag nakagawa ka ng mabuti sa sarili mo at sa kapwa mo. "Kung hindi ka titigil sa pagsasayaw ay papatigilin kita sa pag-aaral!" Yan ang common na maririnig ng mga dancers sa magulang na ayaw pagsayawin ang anak. At ang malala pa ay "Palalayasin kita dyan kapag hindi ka tumigil sa pagsasayaw!" Awtsu Tay/Nay, ano po ba nagawa kong mali bakit ayaw nyo ako pasayawin? Di naman po ako nag-aadik. Di naman po ako bumabarkada lang. Di ko naman po pinababayaan ang pag-aaral ko. Di ko naman po kayo sinusuway sa pag-uutos nyo. Since nung humawak ako ng dance groups ay di maaaring hindi magagalit ang magulang ng bata lalo na at estudyante sila. Nung panahon na dance group sa school ang hawak ko ay ilang magulang na din ang lumapit sa akin dahil ang anak nila ay gabi na umuuwi at minsan ay hindi umuuwi ng bahay. May mga kaso naman na napabayaan ng estudyante ang kaniyang pag-aaral at pinatigil sya sa eskwelahan dahil bumagsak siya. Scholars pa naman sila. Pumunta ang mga magulang sa school at nagsumbong sa amin. Ngayon namang isang dance group sa labas ang hawak ko ay same situation ang naranasan ko. This time, ako naman ang pumunta sa mga magulang. Nung unang punta ko sa bahay ay di ako prepared. Dahil susunduin lang namin yung bata at kamukat-mukat mo ay aatackin pala ako ng dragon este ng mga Nanay. Mag-pinsan yung nanay ng mga dancers. Bakit nga ba ayaw ng magulang na pasayawin ang mga dancers? Narito ang Top 6 Magulang Problems ng Isang Dancer. 1. HINDI NILA NAUUNAWAAN BAKIT KAYO SUMASAYAW. Paki-explain please. Yan dapat ginagawa ng mga dancers kung bakit nyo ginagawa ang pagsasayaw. Bakit nga ba? Una, talento ito ng Diyos na ibinigay sa inyo na dapat ibahagi sa ibang tao. Pangalawa, passion nyo na ito. Hindi maaaring hindi gawin ang isang bagay kapag nasa sistema na ng katawan. Pangatlo, para sa pamilya, lungsod at bansa na ating kinakatawan. Nais ninyo na ipagmalaki ang inyong apelyido, bayan o eskwelahan at bansa sa mga kompetisyon na inyong sinasalihan. At panghuli, ay upang mapalayo sa bisyo at masamang barkada. Lagi kong sinasabi at biruan namin ng mga bata. Buti na lang naging dancer kayo kung hindi mga gangster kayo ngayon. Marami akong kilalang bata ang nasagip na ng pagsasayaw mula sa pagiging gangster. Ipaliwanag natin ng maayos kung bakit kahit laging natatalo ay pilit kayong sumasayaw. Wala daw naman kayo napapala? Wala nga ba? Malaking tulong kung ang inyong coach, manager, leader o adviser ang makikipag-usap sa inyong magulang. Ipaunawa natin bakit gabi na kayo nakakauwi. Nang maipaliwanag ko sa mga magulang ang mga dahilan kung bakit sumasayaw ang mga bata ay nagliwanag ang kanilang isipan. Unti-unti ay natatauhan sila. Kasi ang next factor ay ang susunod bakit ayaw nila sa sayaw. 2. NAPAPABAYAAN ANG PAG-AARAL. Ayaw kasi ng magulang mo na bumaba grades mo or at worst ay tumigil ka sa pag-aaral dahil sa pagsasayaw. Ang iba naman kasing estudyante ay mas marami pang panahon mag-training at sumali sa kompetisyon kaysa sa oras ng pag-aaral. Mga totoy at nene, kaya ka nasa eskwelahan ay para mag-aral at hindi magsayaw lang. Gawa-gawa din ng assignment. Review review din. Kapag sa classroom makinig sa teacher at hindi yung piyesa nyo o praktis ang nasa isip mo. Mas malaking bahagi ang pagiging estudyante mo kaysa sa pagiging dancer mo. At yung mga panahon siguro na breaktime o walang pasok ay ituon mo din sa pag-aaral. Dahil madalas gabi practice nyo ay tapos maaga pa ang pasok kaya ipit kayo sa schedule. May mg assignments, projects, practice, plates o thesis kayong tatapusin. Kaya ayun, sabi ni Nanay, imbes na nagsasayaw ka sa gabi ay dapat nag-aaral ka. Pero if mapapatunayan mo na kaya mo pagsabayin ang pag-aaral at pagsasayaw ay mas mabuti. Huwag naman na pasang-awa lang grades mo. Nakapasa ka nga eh puro palakol at tres naman. Malamang matuwa nga magulang mo. Inaalala lang nila kinabukasan mo. Alam nila na mas stable at mas malaki chances na maging maayos buhay mo kapag makapagtapos ka ng pag-aaral. Gusto nila maranasan mo ang mga bagay na di nila nagawa nung kabataan nila. Ang makapagtapos ng pag-aaral at umakyat sa entablado hawak ang diploma na mahigit 14 na taon mong binuno. 3. DELIKADO. Gabi kayo madalas nagpa-practice sa kalye, plaza, studio o eskwelahan. Dahil karamihan sa inyo ay menor de edad ay talagang mag-aalala sa inyo ang mga magulang ninyo. Concern lang sila sa kagwapuhan at kagandahan nyo. Ayaw nila mawalan ng isang gwapo o magandang anak. Imagine, 12-18 years old ka nila inalagaan tapos bigla kayo mapapahamak? Kaya nag-aalala lang sila sa inyo. Gusto nila safe kayo lagi pag-uuwi kayo at aalis ng bahay. Isa pang delikado sa kanila ay pag-aasawa ng maaga. Baka masyado kayong mapusok ay makapag-asawa kayo ng wala sa oras. Iniintindi lang nila kayo. Sa mga magulang naman po ay ginagawa naman po ng lahat ng paraan para maingatan ang mga bata. Madalas sabay-sabay sila umuuwi. At may mga tanod o security naman sa lugar na nangangalaga. Mababait naman sila sa kalye habang naglalakad o bumabyahe. Higit sa lahat, gabi-gabi po ay nanalangin ang mga bata bago umuwi ng bahay upang protektahan sila ng Diyos. 4. MAGASTOS. Wala na nga silang pambayad sa tuition o pambaon nyo ay idadagdag pa ang pang-costume o baon kapag ko-contest. Alam natin mahirap ang buhay kaya dapat magtipid. Di madaling kitain ang pera lalo na madami kayong pinapakain at pinapa-aral. Ayaw lang ng magulang na mabawasan ang budget nila na nakalaan para sa basic needs ng pamilya. Kaya ang mga dancer ay dapat matutong mag-ipon. Imbes na pambili ng yosi o ipang-date sa mga bf/gf nyo na lolokohin lang kayo ay ipunin nyo na lang sa pagsasayaw. If kayo nyo magtipid para pang-costume at pamasahe ay gawin ninyo. If kaya nyo mag-solicit o maghanap ng sponsors ay gawin ninyo. Para di na tayo makadagdag sa problema sa bahay. 5. ABUSADO. Ibang bata kasi ay nagsisinungaling sa magulang. Na kesyo nasa parctice yun pala ay nakipag-barkada lang o nagbisyo o nasa bf/gf lang. Yung iba naman ay puro sayaw na wala nang aral. Yung iba naman ay porket pinagbibigyan nang sumayaw ay inaabuso pa ang pagpapahintulot sa kanya. Yung iba naman ay di na umuuwi ng bahay puro sayaw na lang. Yung iba naman ay di gumagawa ng gawaing bahay kaya di pinagsasayaw. Sabi nga ni Apostle Paul: "Everything is permissible but not everything is beneficial." Lahat naman ay pwede pero hindi lahat ay makakatulong sayo. Huwag sumobra. Balansehin lahat. Pag-aaral. Gawaing bahay. Barkada. Pagsasayaw. Panahon sa Diyos. Mabait ang Diyos sayo. Bigyan mo Siya kahit isang beses sa isang linggo sa simbahan. Gayundin, panahon para kausapin sya araw-araw o gabi-gabi. Balansehin natin ang buhay dahil di tayo pwede mag-focus sa isang bagay lang. Di lang sayaw ang buhay natin. Andyan pa ang pamilya, kaibigan at Diyos natin. 6. WALANG COMMUNICATION. Lalabas ng bahay. Di magpapaalam. Uuwi ng late. Di magpapaalam. Aabsent sa school. Di magpapaalam. Babagsak na sa grades. Hindi ipapaalam. May contests na sasalihan. Hindi magpapaalam. For security at bilang respeto sa magulang ay dapat bilang anak ay ipinapaalam natin kung ano nangyayari at saan tayo nagpupunta. Hindi kayo pusa na bahala na kung saan kayo mapadpad. Nag-aalala sila sa inyo. Itext o ichat sa FB kung asan kayo. If wala si Dad and Mom ay kina Kuya/ Ate magpaalam. Walang load? Makitext o makitawag. Maraming paraan para makipag-communicate ngayon. Andyan pa ang FB. Kaya walang dahilan para di nyo mainform magulang nyo. Ilan lamang yan sa mga dahilan bakit di ipinagsasayaw ng mga magulang. May iba pang factors gaya ng may sakit sa pamilya, walang magbabantay ng negosyo o sa kapatid, kailangan mo nang magtrabaho at iba pa. Kung anuman ang dahilan ng magulang ay alam natin ay para sa inyo yun. Ngunit kung sasabihin natin na kaya pagsabayin ang pagsasayaw at ang mga gusto nila at kaya ninyo panindigan iyon ay sigurado ako na walang dahilan na hindi kayo susuportahan sa gusto nyo. Kasi nais din ng magulang na makita nila ang anak nila na masaya at may achievements sa buhay. May isang babaeng dancer sa Sampaloc na ayaw na ayaw siyang pagsayawin. Pero nung malaman na sasayaw siya kasama ng grupo niya sa barangay ay mismong mga kamag-anak pa niya ang nanguna at may bitbit pang kanya-kanyang cellphone para videohan performance nya. Yung ibang magulang naman ay bibili pa mg ticket sa dance concert ng anak para mapanuod sila. Yung ibang magulang naman ay kahit anong gawing pagsaway sa anak ay wala sila magawa kapag di mapigilan ang anak sa pagpapraktis. Sila pa naglalaba ng maruming damit at costume. Yung ibang magulang ay di matiis ang anak dahil sobrang mahal nila ito. Ganyan ang magulang, sa umpisa ayaw dahil di nila alam ang dahilan bakit ka ganyan. Ngunit, once na makita nila ang pagbabago sayo at kaya mo lahat ng pinagagawa sayo ay sila pa ang magiging Number One fan mo. Tandaan natin ang isa sa sampung utos ng Diyos. "Honor your father and your mother, that your days may be long in the land that the LORD your God is giving you. - Exodus 20:12 Ipanalangin natin ang mga magulang na hanggang ngayon ay di pa din kayo maunawaan. Dahil Diyos lamang ang makapagpapabago sa puso nila. Ikaw, ano ang kwento mo? Ibahagi ito sa amin. Photo credit to:http://www.thetimes.co.uk/tto/science/article3859730.ece
'Yan ang paboritong gawin ng mga kusinero or chef. Kung di sila magluluto ay gutom aabutin natin. Masarap ang luto kapag pinaghirapan ng kusinero. Pero kapag ang luto ay ginamit sa kumpetisyon para manalo ay di na kaaya-aya ito.
Talamak. Oo, talamak sa mga dance competitions ang lutuan. Mismong mga nagluluto ay nakakausap ko. At mismong mga dancers ang nagrereklamo o nakakaalam na may lutuan na nangyayari. Ano nga ba ang lutuan sa DC? Makikipag-usap ang dance group o manager nila sa isang booker or sa organizer ng dance competition para ipanalo sila sa DC na yun. Kapalit nito ay bibigyan ng porsyento si booker or organizer mula sa premyong mapapanalunan. Sa mga DANCE CREWS, masarap ang tagumpay kung tunay na pinaghihirapan. Masarap ang tagumpay kung tunay na nagustuhan ng mga judges at taong-bayan. Mahirap i-claim ang tagumpay na nararapat sa iba. Mahirap ipagmalaki ang isang tagumpay na walang integridad at kinuha lamang sa iba. Hindi mabibili ng salapi at karangalan ang katapatan. Minsan naririnig ko sa mga dance crews na may lutuan sa isang lugar kaya di sila lalapag. Madalas naiinis sila kapag niluluto ng kalaban ang kumpetisyon. Matanong ko lang, gawain nyo din ba yun? Hindi ba kayo natutuwa kapag may nagsabi sa inyi na lutuan ito at kayo mananalo? Ayaw nyo ng lutuan pero kayo mismo ay pabor sa mga ito. Siguro panahon na para mag-stand firm para dito. Kung ano ang prinsipyo nyo ay panindigan ninyo. Madami kayo ginagastos at sakripisyo? Sino ba magre-reward sa inyo? Kanino ba kayo nananalangin araw-araw para biyayaan kayo? Di ba sa gumawa ng langit at lupa. Kung kaya Niya gumawa ng langit at lupa ano pa kaya para bigyan kayo ng libong piso para sa grupo niyo? Maliit na bagay para sa Kanya ito. Ngunit kung patuloy tayo magtitiwala sa Kanya at patuloy tayo magsusumikap at patuloy tayo na lalaban ay walang imposible sa Kanya. In His time and ayon sa kagustuhan Niya ay ibibigay Niya ang laman ng puso niyo. Patuloy lang maging tapat. Itigil natin ang gawaing ito at labanan ang mga ganitong gawain. Sa mga BOOKERS, may nagsabi sa akin na hindi daw dapat gawing hanapbuhay ang sayaw. Siguro bagay sa inyo ito. Kung ikaw ay isang booker na nakakabasa nito marahil may pangangailangan ka. Ngunit hindi sapat na lapastanganin mo ang madaming kabataan para lamang sa pangangailangan mo. Naghihirap ng husto ang mga bata para sa karangalan at maliit na papremyo ng grupo. Ngunit binebenta mo ito sa maliit na halaga. Ginagawa mong cheap ang karangalan. Ang karangalan ay something na dapat ipagmalaki ng mga kabataan ngunit binababa mo ang kahalagahan nito. Malaki pangangailangan ng mga dance groups pagdating sa pera pero hindi ito sapat na dahilan para gumawa ka ng paraan para ikaw din ay kumita at pagsamantalahan ang mga pangangailangan na ito. Honor deserves respect. And you cannot buy respect. It is earned. Bigyan mo ng maayos na karangalan ang mga kabataan. Hindi nila kaya ipagmalaki ang binebenta mo. If kailangan mo ng pagkakakitaan ay sa maayos na paraan. Huwag mo gamitin ang mga dance contests para yumaman. At hindi ka yayaman sa ganyang gawain. Tandaan mo yan. Humingi ka sa Itaas at bibigyan ka Niya. Sa mga DANCE CONTEST ORGANIZERS, ang kumpetisyon ay para magbigay kasiyahan sa mga nasasakupan ninyo o sa taong-bayan. Nagbibigay din oportunidad ito sa mga dance crews na ipamalas ang kanilang kagalingan at maibahagi sa lahat. Bilang organizer, lumapag ang napakaraming dance crews sa inyo dahil tiwala sila na bibigyan nyo sila ng patas na laban. Walang dance crews na nagnanais na matalo. Pumunta sila dahil alam nila na may pag-asa silang manalo. Ngunit masakit sa kanila kapag nalaman nila na kakuntsaba kayo upang manalo ang kalaban nilang grupo. Nakakawala ng respeto na nag-aksaya sila ng pera, pagod at hirap upang lumapag sa inyo tapos ay hindi nyo sila bibigyan ng magandang laban pabor sa tatlong grupo na paborito o lumapit sa inyo. Kung magluluto kayo ng contest ay itigil ninyo na lang yan. Dahil napasaya nyo nga ang inyong kababayan pero madaming dance crews naman ang hindi masaya at uuwing luhaan dahil sa gawain ninyo. Di ba nga sabi ni Ryzza Mae dapat lahat tayo happy? Happy ang audience, happy ang mga dance crews at happy kayong mga organizers. Bawal kasi ang sad. Pasiyahin nyo lahat sa pamamagitan ng pagbibigay na patas na laban. Sa mga JUDGES, huwag natin sirain ang pangalan natin ng dahil sa may kaibigan at tropa tayo na grupo. Maging patas sa lahat ng pagkakataon. Mas kanais-nais na kilala tayo dahil mayroon tayong magandang pangalan. Kapag may nakikita tayong ganitong sitwasyon ano ba dapat gawin natin? Kapag nakita natin yung booker sa mga DC ano ba dapat gawin natin? Alalahanin lang natin ito. Mas kaakit-akit ang magandang pangalan kaysa sa ting mga kayamanan. Labanan natin ang ganitong gawain upang itaas ang moral ng bawat isa sa dance community. Itaas natin ang level ng competition sa pamamagitan ng pag-gawa ng magagandang piyesa. Itaas natin ang pangalan ng grupo at organisasyon natin upang lalong maraming tao ang mapasaya. Saan nga ba may lutuan? Sa puso natin kung ito ay ating papayagan. "A good name is to be chosen rather than great riches, and favor is better than silver or gold." - Proverbs 22:1 Kung dancer ka at concern ka at gusto mo ng hustisya para kay Justin Perez. The Filipino dance community is grieving when a 14-year old dancer died without no reason at all in a dance competition in Brgy. San Roque, Navotas City last January 24, 2015 . He is Justine Perez. A simple young boy who is a victim of allegedly mistaken identity. He was beaten up and stabbed to death by 10 unknown teenagers. Until now, the family especially his mother is looking for justice. The suspects shall at least be caught to lighten the burden of the family.
Bryan Garcia, an old-timer and supporter of dance community is appealing for a change and protection of the dancers during competitions. This is his call for everyone especially our government. Anong meron bakit ang isang kagaya ko ay nasa mundo ng mga mananayaw? Oo nakakapagsayaw ako. Kaunti. Pero di ako kasing-galing ng mga nakilala kong mananayaw. Pero bakit nga ba andito ako sa mundo ng dance community. Bakit may mga taong tulad ko na hindi naman mananayaw pero andun ang puso nila para sa pagsasayaw. Ayun. Natumbok ko na. Puso. May mga taong sadyang inilagay sa isang lugar para sa isang purpose. Dapat natin maunawaan na sa dance community ay hindi lamang isang magaling na mananayaw ang kailangan natin. Kailangan natin ng isang photographer, videographer, graphic artists, event organizer, financer at higit sa lahat ay magaling na leader. Hindi ba pwede na ang dancer ay isang magaling na leader? Maari naman. Kayang-kaya naman. At marami tayong kakilala na magaling na dancer na leader pa. Isa akong ordinaryong college professor sa isang state college sa Sampaloc, Manila. Taong 2013, nang ma-involved ako sa bagong tayong dance group ng school. Wala silang pangalan sa dance community. At first time lang yata na magkaroon ng hip hop group ang pamantasan namin. Sa pangunguna ng Director ng Culture and Arts at ng isang Student Leader ay nabuo ang grupo. Parehas silang hindi mananayaw. Hanggang sa pumasok ako sa buhay nila nuong pangatlong buwan ng grupo. Kaming tatlo na mga hindi mananayaw ay biglang nagkaroon ng pagkakataon na pamunuan ang mga mananayaw. Naging masigasig ang lahat. Nagbigay kami ng direksyon sa grupo. Dumisiplina sa mga estudyante. Nagpangaral. Nagbigay ng inspirasyon. Nag-encourage na huwag susuko. Patuloy na mag-aral. Gumawa ng mga polisiya upang mapa-angat ang grupo. Naghanap ng mga raket. Gumawa ng paraan para hindi gutumin at magkaraoon ng transportasyon kapag may mga kompetisyon. Nag-ayos ng mga papeles at requirements kapag may laban. Nakipagnegosasyon sa mga tao. Nag-organize ng tatlong dance concerts. At marami pang iba. Samakatuwid, nagkaroon ng focus ang grupo. Oo, tine-train namin ang mga offcers namin na maging leader. Hindi lang kami ang gumagawa. Pinagtatrabaho din namin sila. Pinagsasabay nila ang pagiging dancer at leader. Ngunit, mas marami silang magagawa at mas maganda ang magiging resulta kapag may mga taong may gift sa leadership at management ang gagawa nito. Sa loob ng isa't kalahating taon ay naging kampeon ang grupo sa Dance For Health 2013, U-Belt Dance 5 2014, Philippine Association of State Colleges and Universities National Dance Championship 2014 at 2nd Runner Up sa Dance 4 Life Season 3. Sa isang organisasyon o sa isang grupo ay hindi makukumpleto kung wala ang isang bahagi nito. Parang parte ng katawan. Hindi kumpleto ang katawan kung walang mata o kamay o tenga o paa. Ang bawat isa ay nagtutulung-tulungan upang mag-function maigi ito. Di maaring gawin ni kamay ang gawain ni mata. At gayundin si mata, hindi niya magagawa ang gawain ni kamay. Importante ang role ng isang leader sa isang grupo. Sila ang nagbibigay ng direksyon at vision sa grupo. Sila ang nagsasabing huwag tayo susuko. Ipagpatuloy natin ang laban. Sila ang nagsasabi na mali tinatahak natin. Sila ang nagte-ake ng risks. Sila ang sasalo kapag medyo alanganin ang grupo. Sila ang nagbibigay ng pag-asa. Sila ang gagawa ng paraan para makabangon ang grupo. Sa dance community ay maraming tao involved na hindi mananayaw. Sa akin lamang, andito ako upang magbigay inspirasyon. Marami sa mga mananayaw sa barangay ang hindi nag-aaral. Binibigyan ko sila ng inspirasyon at ipinapaala ko bilang guro na importante ang edukasyon. Ipinapaalala ko sa kanila na ituloy ang buhay kahit gaano ito kahirap. Ipinapaalala ko sa kanila na mabuting ugali ay dapat nasa puso nila. Ipinapaalala ko sa kanila na mahalin ang pamilya, ang ibang tao at lalung-lalo na ang Diyos. Maaari kang magkaroon ng impact sa buhay ng ibang tao sa paraang nanaisin mo at sa paraang gusto ng Diyos. Ang buhay ay ginawa hindi lamang para sa sarili kundi para sa iba sa ikalulugod ng nagbigay nito. Ang maalala ka ng maraming tao dahil sa mga bagay na nagawa mo sa kanila ay isang magandang bagay na maiiwan mo bago ka pa man umalis sa mundong ito. At least, you have fulfilled your purpose of what God have been called you to do. Keep loving God. Keep loving other people. Umaga pa lang ng March 7, 2015 ay super excited na ako umalis ng office kasi ayaw ko ma-miss ang Dance 4 Life Season 3. Bukod sa magagaling ang mga dance crews na mag-compete at world champions ang mga guests ay nagagalak ako na maging bahagi ng isang DC na laan para makatulong sa ibang tao. 5:30 PM ang labas ko sa office pero ayaw pa ako pauwiin ng boss ko. "Ryan 5 minutes pa." Sabi ni boss. Lumipas ang 5 minuto di pa din siya tapos sa kausap niya ay umalis na ako. Walang paalam. Kasi nga baka mahuli ako sa DC. Nagkita kami sa Starbucks Vito Cruz ni Renier. Kapitbahay namin. 18 years old na black belter sa Taekwando na mas minahal na ang pagsasayaw ngayon. Pasok sa Rizal Memorial Stadium. Humingi ng media pass. First time kong magkaroon nito. Excited kong sinuot ang ID. Pagpasok ko sa loob ay marami-rami na din ang tao. 7 minutes bago mag-umpisa. Nakita ko ang isang magandang dilag na naka-all white. Si Ms. Abby Borja. Ang founder ng competition na ito. Una ko pa lang siyang makita at marinig magsalita nung Season 2 ay alam ko na may kakaiba sa babaeng ito. Iba ang puso niya. Iba ang passion niya towards other people. Alam mong may pinaghuhugutan siyang malalim kung bakit niya ginagawa ang ginagawa niya. Alam mong espesyal siyang tinawag para sa proyektong ito. There is a passion in helping other people. You can feel the Spirit of God being glorified in everything that she do and say. The competition started in a while. Upo lang ako. Wait. Naalala ko di ako nandun para umupo lang. Andun ako para magtrabaho. Andun ako para gumawa ng kwento. Inaya ko kasama ko. Sabi ko tara ikot tayo. We need to ask the leaders of each group para ma-tag sila sa article na gagawin ko. Umikot kami. Isa-isang kinausap ang mga crews. Mababait sila. Sa sobrang bait nila hindi sila naiinis sa akin dahil ilang beses ko silang nilapitan para tanungin. Ang hindi ko alam ay nakausap ko na pala sila. Umakyat kami sa General Admission section ng Stadium. Andun ang ibang crews. Nakita ko si tokayo ko na Presidente ng TIP Aeon Crew. "Ryan, i-tag kita sa article ko for this event ha." sambit ko sa kanya. "Ay, di mo makikita yung tag sa akin" wika niya. "Bakit?", tanong ko. "Di alam ng magulang ko na nagsasayaw ako." sagot niya. Nabigla ako. Isang aktibong presidente ng isang magaling na dance crew ay di alam ng magulang ang pinag-gagawa niyang pagsasayaw. Isa pala itong sikretong malupit. May mga dancers din pala na sumusuway sa magulang para lamang ipagpatuloy ang nais ng puso nila. Marami na ako nakausap na ganyan na natatakot na ipaalam sa magulang na may practice or competition sila. Kasi di na sila bibigyan ng baon. Patitigilin sa pag-aaral. Ikukulong o palalayasin ng bahay. At minsan ay napapalo o nabubugbog pa dahil sa pagsasayaw. May mali ba sa pagsasayaw nila? May masama ba sa ginagawa nila? O natatakot lang ang mga magulang nila na may mapabayaan sila habang nagsasayaw gaya ng pag-aaral, gawaing bahay, relasyon sa pamilya o relasyon sa Diyos? Anuman ang dahilan kung bakit itinatago ng mga mananayaw ang pagsasayaw sa kanilang magulang ay sa kanila na yun. Walang masamang sundin ang nais ng puso na makapagsayaw for as long as wala kang ginagawang masama. Try nyo kaya ipaalam ito sa magulang nyo lalo na achievements nyo. Baka magbago isip nila. Malay mo lang. Try mo lang. Iba pa din kasi yung pagsunod sa magulang. "Children, obey your parents in the Lord, for this is right. “Honor your father and mother”—which is the first commandment with a promise-- “so that it may go well with you and that you may enjoy long life on the earth.” - Ephesians 6:1-3 Ipinagpatuloy ko ang pag-iikot sa stadium hanggang sa matapos ang competition. Sa 25 crews na sumali ay isa lamang ang mananalo at pupunta sa Singapore kasama ang buong crew. Sobrang magagaling lahat. Di ko man napanuod mabuti pero nakita ko ang karamihan sa kanila. Di matatawaran ang galing ng bawat isa. Nag-exert sila ng effort just to help others. Nakakataba ng puso na sumali sila hindi lang dahil sa premyo ngunit para sa ibang tao na rin. Di lang taga-Manila schools lang ang sumali. May taga-Rizal at taga-Baguio pa. Si Maui Fernando ng St. Louis University's Alab Danse Troupe ang nanguna para makapunta sila sa competition. Sabi nya very challenging pagpunta dito pero nagawan ng paraan. Dumating pa sa gabing yun ang dalawa sa World Champions pagdating sa sayawan. Ang napakabait at humble na FMD Xtreme (2014 & 2013 World Supremacy Battlegrounds Champion) at ang A Team (2014 Hip Hop International Champion). Sila ay nag-perform at nagbigay ng oras para makatulong ng walang hinihintay na kapalit. Nakatutuwang isipin na nagagawa nila ang bagay na ito ng taos sa puso. Ano bang meron ang mga dancers na ito? Ano bang puso meron ang mga leaders nila? Ano nga bang puso meron ang D4L? Ano nga ba ang sikretong malupit nila? Actually, it is an open secret why they are doing what they are doing. 4 letters. LOVE. They love their craft. They love their team. They love others. They love God. Love is the fuel that ignites their passion for dancing. Without love we are nothing. And where do we get love? "This is love: not that we loved God, but that he loved us and sent his Son as an atoning sacrifice for our sins." - 1 John 4:10 We get love from its author. Jesus. I hope that we continue to love. Because love conquers all. At dahil diyan, narito na ang mga nanalo at listahan ng schools na binuhos ang kanilang pagmamahal sa laban na ito: CHAMPION - FEUsion (Far Eastern University) 1st Runner Up - UPeepz (University of the Philippines) 2nd Runner Up - Red Fox Dance Company Team B (Eulogio "Amang" Rodriguez Institute of Science and Technology) 1. Rebels - St. Louis University, Baguio City 2. Young Artist Society - UE Caloocan 3. PUP Dance Squad - PUP 4. Athenas - St. Louis University, Baguio City 5. Aim Point - Camp Gen. Aguinaldo High School 6. Built As Crew - Adamson University 7. SanLo Dance Crew - Colegio de San Lorenzo 8. FEU Artist Connection Exude Dancers - FEU 9. AMA Groovenet Company - AMA East Rizal 10. Groove One - PSBA 11. Red Fox Dance Company Team A - EARIST 12. Supreme Outset - NTC 13. LPU Wildstyle - Lyceum Manila 14. Buffalo Street - FEU 15. Point of Wood - NTC 16. The Collaboration - PLM 17. Templars Dance Company - PLM 18. Aeon Crew - TIP Manila 19. Philippians Dance Ministry - OLFU 20. Uprising Dance Crew - UPHSD 21. World Citi Dance Company - World Citi Colleges 22. SDC - Colegio de San Lorenzo Congratulations to everyone! |
Prof.
|