Madalas sa competition ay puno ang bag ng mga dancer. Ito man ay back pack o varsity bag. Silipin natin ang laman nito.
1. PANG-COSTUME Unang-una yan. Dahil kapag wala kang costume ay di ka makakasayaw. Andyan ang pantaas na pang-baseball, black pants o leggings, black Vans shoes, balck na medyas, gold chain na accessory at banda. Syempre ang costume depende sa gusto ng grupo at sa concept nito. Pero para sa karamihan ay basic na costume ang mga ito. 2. PANG-TRAINING Magbabaon ng short pants, cellphone, charger, wallet at coin purse. Short pants at pamalit na damit pagkatapos mag-training. Cellphone at charger para stay connected ka sa ka-grupo at pamilya mo. Wallet at coin purse para pang-gastos (pero madalas walang lamang pera). 3. PAMPA-FRESH Syempre bago at matapos ng training ay kailangan mo ng pulbos, hand towel, deodorant, water canister, at pabango. Para fresh na fresh ka sa training at competition. 4. PANG-PORMA Bago ka pumunta at pagka-uwian na ay kailangan mong pumorma. Di mo dapat suotin pauwi costume mo o pang-training mo. Kaya magbabaon ka ng damit na pang-porma gaya ng t-shirt na branded o nagsasabing mananayaw ka, top tank para mas komportable, jogger pants na uso, Jordan cap at Air Max na sapatos. Ang dami mo mang dala ay ayos na ayos lang basta ikaw makakasayaw. Dagdag pogi points kapag ikaw ay laging maayos at malinis tingnan whether ikaw ay nagte-training, kumokontes o lalakad lang. Ang tunay na dancer ay malinis sa katawan. Maayos tingnan. Pleasing at hindi dugyot tingnan. Laging iisipin na titingnan ka lagi ng tao. Hinahangaan ang mga dancers kaya dapat mabuting halimbawa sa pananamit man o sa ugali. Kahit ikaw man o hindi ikaw naglalaba ng damit mo dapat lagi kang maayos. Mag-ipon ka para makabili ka ng mga gamit mo at mas maraming matuwa sayo dahil kahanga-hanga ang itsura mo.
2 Comments
|
Prof.
|