Marami ang na-excite na sumali na dance crews ng malaman nilang may pa-contest ng isang tenant ng Isetann mall sa Recto Avenue sa Maynila. Maayos kahit papaano ang venue dahil nasa Cinema 3 ng mall. Ang pa-contest na ginanap nuong August 30 ay inorganized ng Triple A Abrenica Film Productions. May mga pakulo pa sila na mga "artist" na darating daw. August 28, araw ng Huwebes, ala-una ng madaling-araw ay dumating ang GM mula sa isang Julius Bergado na nagpakilalang "Event Host" tungkol sa Criteria for Judging ng contest. Nabigla ako nang mabasa ko na para manalo ang mga dance crews ay kailangan bumili ng tickets ang mga supporters ng crews na nagkakahalaga ng P100 bawat isa kasi kasama sa Criteria for Judging ang Ticket Sales. 30% lang naman ang katumbas ng ticket sales. Huwattttt??? 30% na benta ng tickets para mapatunayan mong magaling ang isang dance crew? Paramihan na ba ito ng bentahan ang dance contest ngayon? At bukod pa dun ay may 20% pa na Audience Impact. Walang masama na maglagay ng Audience Impact at Ticket Sales sa Criteria basta maliit na bahagi lamang ito ng kabuuan. 5%-10% max ay pwede na sa ganuong factor. Dahil importante din naman ang tingin ng manunuod sa contest. Nag-reply ako sa text nila at sinabi ang aking opinyon hinggil sa criteria. Ang kanilang kasagutan ay aayusin nila ito at babaguhin. Si kuya na event host ay text ng text din na search din daw ito para maging back up dancer nya sa kanyang 3rd solo concert nya na ang special guest niya ay si Sarah G. Sinong Sarah G? Geronimo ba o panlinlang lang sa mga dancers? Si kuyang event host/organizer/coordinator ay isang baguhang recording artist din pala. Multi-tasking siya. Sinasaladuhan ka namin. In fairness, Mr.Julius Bergado ay napaka-courteous mo sa pagsagot sa aming mga katanungan. Kinabukasan, bandang alas-dos ng hapon ay nag-text siyang muli at nabago na ang criteria. Ang 30% na Ticket Sales ay naging 20% na at kasama na ang Audience Impact. Nawala ang 30% na Stage Performance at naging 40% Choreography (saan naman kasi nanggaling ang Stage Performance? hehehe). Ang Technicality/Music na 20% ay naging 30% na Execution. At naidagdag nila ang 10% na Costume. Still, sinabi ko pa din ang aking opinyon na ang TICKET SALES ay hindi dapat maging bahagi ng criteria. Maaari silang magbenta ng ticket pero hindi nila dapat inoobliga ang mga mananayaw na maghanap ng audience para sa kanila. Kung gusto nila may manuod ng contest nila ay gumawa sila ng paraan at huwag nila iipitin ang mga dance crews sa pamamagitan ng criteria upang madaming manuod sila. Nagbayad na sila ng quota na P500 at marahil ay sapat na yun. Yung malalaking mall events o contest nga ay wala silang quota eh. Tapos libre pa mga audience sa panunuod tapos kayo ganyan. Ang pa-contest mismo ng Isetann Mall na U-Belt 6 ay no registration fee at free sa audience ang panunuod. Gayundin ang Dragon 8 Mall, Fisher Mall at 999 Mall. Pagkatapos ang Triple A Abrenica ay pinagbabayad ang dancers at manunuod. Anyway, okay lang magbayad basta makatwiran at hindi dadaanin sa ipitan. Sa madaling salita, hindi ako manunuod sa dance contest na iyon at hindi sila susuportahan. Pangalawa, nasabi ko ang sarili kong opinyon sa mga dance crews at sinabing bahala na sila mag-decide sa sarili nila kung sasali o hindi,. Dumating ang araw ng contest ay 25 crews daw ang sumali out of 50 na nagpalista.
Araw ng contest ay alas dos ng hapon ang call time ng mga dance crews. Ayon sa aking mga nakakausap na dancers ay bandang alas-kwatro hanggang alas-singko nag-start na event. Sana naman ay nag-start sa oras sila. At natapos na daw lagpas alas dose ng madaling-araw kung saan sarado na mismo ang Isetann Mall. Isa pang hinaing na dumating sa akin ay biglaang naging ELIMINATIONS lang daw ang nangyari kagabi. BIglaan mga kuya? Bakit ganun. Biglang may finals pa ulit. Sana naman ahead of time pa lang ay na-inform nyo na lahat. Complete mechanics dapat at hindi kung kailan po nasa contest na ay saka kayo mag-a-announce ng kung anu-ano. HIndi kaya't wala kayong pambayad sa papremyo kayo po naging elims lang ito? At ibibigay nyo na lang sa Finals premyo nila? Last one pa, ang limit ng members na sinabi ay 6-25 na dancers lang daw. May dumating na DUO bandang alas-siyete ng gabi at nakiusap daw na kung maaari ay sumali sila. Pumayag ang organizer dahil nakiusap naman daw yung dalawa. Triple A Abrenica kung alam nyo po kung mag-organize kayo ng competition ay siguraduhin ninyong may isang salita kayo. Paki-siguro po na maayos lahat ng inyong patakaran, mechanics, criteria at papremyo. Ang dance competition ay pinaghahandaan at pinamumuhunanan ng mga dancers. Pawis, hirap, pagod, pagsusumikap, dasal at sakripisyo ang puhunan ng mga dancers bago sila sumabak sa isang kompetisyon. Kung sila naman ay maaagrabyado dahil sa mga hindi maayos na pamamahala ng mga dance organizers ay masyado naman silang bumababa. Ang kanilang mga pinaghirapan ay mistulang nababalewala. Handa silang lumaban dahil alam nila ang kompetisyon na sasalihan nila ngunit kung biglang magbabago at di masusunod ang mga alam nila bago ang kompetisyon ay mistulang naloloko sila at naaapakan. Kagaya na lamang din sa Dance For Peace sa MOA na kung saan ay hindi nasabihan ang mga kasali na wala ng concept ang laban. Sana maging maayos pagpapatakbo ng dance contest ng mga organizers. Kung walang alam ay MAGTANONG. Magsaliksik kung paano ginagawa. PAGHANDAAN mabuti para pare-parehas na panalo lahat. Panalo ang audience, panalo ang dance crews at panalo ang organizer. Everybody happy! Kaya para sa Triple A ito po ang iiwan ang tatlong A para sa inyo: AYUSIN- ayusin pong muli ang criteria at may panahon pa para kayo bumawi sa finals. ALAMIN - mag-research kayo kung paano mag-organize sa isang kompetisyon. Ang mga mananayaw namin ay marurunong at bihasa sa mga ganyan. Buhay nila ang dance contest kaya alam nila kung ano ang nararapat para sa kanila ASAHAN - Asahan po ng mga dancers at manunuod na ibibigay nyo lahat ng makakaya nyo para maging maganda ang event ninyo. Asahan din po nila na maibibigay ang naipangakong premyo. Patunayan nyo na lang po na kaya nyong bumawi sa nakaraang pagkakamali. Yun lang! God bless your competition! Update nyo kami ha. :)
2 Comments
Marlo Pongyan
8/30/2015 10:11:00 pm
Sir? Grabe yang contest na yan! Kawawa yung ibang dancers na umasa. Lalo na yung Nitrous Image Crew! Sabi nila "Namigay lang tayo ng pera." Mga taga bulacan pa yun tas biglang elims lang! Tas ang nakakawindang pa yung ibang nakapasok! Haha. Di nako magbabanggit! Per mas deserving yung ibang hindi nakapasok! Yun lang! :)
Reply
Jayr Compasion
8/31/2015 09:50:08 am
Sir. Minadali yung score at yung tabulation. Pano kasi gabing gabi na kaya kung anu-ano na lang na score at tabulation ang ginawa. Tas nung una 5 ang judges. Hanggang sa naging 4 na lang ata yun. Haynako. Grabe ang pag organize. And I think kaya naging elims kasi sa 26 may concert daw ung ewan ko kung sino ba yun. Isasabay nila ung finals para marami manuod. Odb ang uutak? The hell, Wala sa ayos. Goodluck sa event nila.
Reply
Leave a Reply. |
Prof.
|