Ang choreographer, leader, coach, head, mentor o kung anupaman ang tawag mo ay naging siya yang mga yan dahil kaya nila. Oo hindi nila alam lahat pero mas may alam sila sa mga under nila like kagrupo o member. Ginagawa nila lahat ng makakaya nila para magampanan nila ung dapat nilang gampanan (obligasyon). Hindi tumitigil yan para makaisip pa ng mga idea, steps, routine o tugtog para mapaganda yung pyesa na sasayawin nyo. Isa rin siyang kuya na kapag may problema ka ay nandyan sya para damayan ka sa lahat. Samahan kung ano yung nararanasan mong sakit na nararamdaman mo. Sa family problem, about boyfriend/girlfriend, etc. Handa ka niyang samahan sa lahat meron nang time. Na mas pinipili nya pang magturo o unahin nya kayo sa lahat. Nakikita niya kase na gusto nyo yung gusto nya gusto nyo yung tinuturo nya. I mean dahil mahal nyo yung PAGSASAYAW kaya sinisipagan nya pa. Lalo syang nagpupursigi na ituro pa yung knowledge na meron pa sya. Siya rin ang nagturo na mahalin natin yung pangarap natin. Siya rin ang nagbigay ng goals natin para sama-sama natin na abutin yun. Ang sarap sa pakiramdam ng may choreo di ba? Mga kapwa MANANAYAW kaya kung relate kayo suklian natin yung pagod at pagsasakripisyo na walang sawa nyang binibigay satin. Agahan natin ang pagpunta sa praktisan. Sundin yung call time ganon. At kung itinatama ka lang tapos ikaw pa yung GALIT? HAHAHAHAHA Berirong boy! Matuto tayong rumespeto para irespeto din tayo. Salamat ng marami sa inyo Choreo, Leader, Coach, Head, Mentor. Saludo kaming mga MANANAYAW sa inyo! Panulat ni Renzo Montenegro
0 Comments
Leave a Reply. |
Prof.
|