Nang i-PM ako ni Bryan Garcia upang maging media partner ang Dance PH sa Dancer's Association of the Philippines (DAP) Grand Launch at Dance Competition ay walang atubili akong umoo dahil na rin sa magandang layunin na alam kong mayroon ang grupong ito. Kahit wala nang letters at conditions ay yes kaagad ang Dance PH. Ginawan kaagad namin sila ng poster para mas presentable ito. Kasama namin ang Filipino Dancers na nag-promote at tumulong dito. Alam ko personally na maganda ang layunin ng asosasyon na ito upang mapangalagaan ang mga dancers at lahat ng manunuod ng mga dance competitions. Dumating ang araw ng kompetisyon. Galing ako sa klase sa Mendiola ay agad-agad akong tumakbo patungong LRT upang sumakay pa-Valenzuela. Hindi ko alam ang lugar. Di pa ako nakakapunta sa People's Park Amphi-Theater ng Valenzuela. Kahit inabot kami ng malakas na ulan patungo dun ay hindi kami nagpatinag bagkus ay nagpatuloy kami sa pagbyahe dahil alam namin na magiging masaya ang competition at maraming dancers ang lalapag sa contest na ito. Pagbaba namin ng jeep ay namangha ako sa ganda ng lugar. Park talaga. Maganda ang tanawin. Mayroong animoy damuhan na kung saan naroon ang mga dancers na nakaupo at ang iba naman ay nagpa-practice. Ang daming tao at ang ambiance ay masaya. Lalo na at alas singko ng hapon. Hindi masyadong maaraw at hindi rin maulan. Perfect ang tambayan ng mga dancers. Nang pumasok ako ay nakita ko din ang amphi-theater. Pero bago ang nakapasok ay mahigpit ang security sa bawat butas ng Amphi-Theater. May mga tali ang bawat butas para hindi makakapasok basta-basta ang ibang tao o dancers. Madaming naka-kulay violet na DAP uniform. May mga security din ang Park na nagbabantay. May mga taga-linis din sa paligid. Mahigpit ang security na kung saan ang entrance at exit. Bawal umexit sa entrance at bawal pumasok sa exit. Di ba? Basic na batas na dapat pinatutupad para maging maayos ang lahat. Yung CR ay malinis at may bantay din. Saan ka pa? Datapwat di nagsimula sa oras ng event na gaya ng naipangako ay naging maayos pa din ang lahat. Makikita mong pinaghandaan ang ilaw, stage, queuing ng dancers, music at iba pa. Dumating lang yung time na naantala ang contest dahil may pasaway na dance crews na hindi pumipila habang malapit na siang mag-perform. Gayundin, ang music na palpak at hindi tumutugtog. Mga basic na problema sa isang dance competition na maaring maiwasan kapag pinasa na kaagad sa organizer bago ang kompetisyon. Magagaling ang mga nag-perform at madami sa kanila ay mga taga-Norte gaya ng Malabon, Navotas, Valenzuela, Bulacan dahil nga malapit lang ito sa venue. Natagalan lang ako sa isang artista ata yun na kumain ng mhabang oras. Pero magaganda naman yung mga sinasabi niya at nag-enjoy ang lahat lalo na ng magsayaw si ate na napakaputi at mukhang Haponesa. Lupit ni ate at nag-enjoy ang lahat lalo na ang Barangay Tibay.
Sa nangyaring kompetisyon na ito ay nabawasan ang stress ng mga dancers. Pati ako. Hindi ako masyadong nakakita ng kahinaan ng nag-organize nito. Ang galing! Isang Ice Cream Clap para sa inyo. Clap. Clap. Clap. Ahhhmmmmmm.... Mahusay din naman ang dalawang hosts na nasa entablado. Mabait si kuya na nasa technical booth na pinayagan akong mag-charge dahil nauubos na yung battery ng cellphone ko na ginagamit ko sa pag-picture. Pinaghandaan. Yan ang masasabi ko sa DAP contest na ito. Alam nila ginagawa nila dahil matatagal na sila sa larangang ito. Nirerespeto din ang mga taong ito. Kudos kina Mommy Moneth ma kahit di ko kakilalang mabuti ay naging magiliw ng ipinakilala sa akin. Gayundin, kay Tito Ricky Sulla na maasikaso at tinanong pa ang mga grupo na kasama ko kung okay lang at maayos. Simpleng pag-aalala ay malaking bagay na sa isang kagaya ko. Kay Bryan Garcia na kung saan-saan tumatakbo dahil sa concern na concern para mas maganda ang contest. nandyang ayusin ang hilera ng mga susunod na magpe-perform. Tapos ang pinakamatindi dun ay nang makita nya na may dancer na nasaktan matapos bumagsak sa tambling ay agaran siyang tumakbo sa backstage at inalam ang kalagayan nito. Sa mga Violet Boys at sa People's Park staff salute sa inyo kasi ang babait ninyo. Maasikaso at courteous. Ang mga papremyo din ay nag-uumapaw at nabigay ng maayos sa mga nanalo. Ang gagaling ninyo. Bilang karagdagan na lamang ay iminumungkahi ko na bigyan na lang sa susunod ng highlights sa programa kung ano ang layunin ng DAP ng sa ganun ay alam ng mga dancers bakit mayroon tayo nito. Nagkaroon din sana ng ceremonial launch para rito. Muli, binabati ko ang DAP sa isang matagumpay na event! Saludo kami sa inyo ngayong Araw ng mga Bayani! Para sa mga larawan ng mga crews ay bumisita sa Dance PH Facebook page dito.
1 Comment
9/2/2015 10:43:45 pm
Hi mga Ka BT Ko ,., GAlingan nyo lg ;) Ahk Ampff lagi kaming nand2 para sainyo ;) I Love you guyz Good Luck ;)
Reply
Leave a Reply. |
Prof.
|