Madaming videos na-upload sa Dance PH Facebook page simula January 1, 2016 hanggang ngayong December 31, 2016. Madami ang nag-enjoy, nag-like, nag-share at naki-comment sa mga ito. Nag-trending ang mga ito sa dami ng views na nakuha ng mga videos na ito. Ang mga videos ay koleksyon ng mga performances ng mga Pinoy Mananayaw sa mga coverage na kung saan ay naroon ang Dance PH. Kagaya na lamang ng mga dance concerts, dance competitions, dance battle at iba pang dance events. May mga videos din na sinend ng ating mga followers at direktang inapload sa ating page. May ilang videos din na grinab natin sa ibang user at nirepost sa ating page upang mas maraming mag-enjoy dito. Karamihan sa mga videos ay amateur shots lamang. Sinukat natin ang Trending Videos ngayong taon sa dami ng views nito mula sa Facebook Insights ng Dance PH. Ang bilang ng reactions, comments and shares nito ay kasama ang "On Post" at "On Shares". Umpisahan na natin bilangin ang sampung pinaka-trending na videos ng ating Pinoy Mananayaw sa Dance PH. TRENDING NO. 10 Mark Espiridion, 15-Years old, KRUMP Video Ang video ay kuha mula sa Chinese Garden sa Luneta. Nagkaroon ng mini-get together ang mga miyembro ng group chat na ginawa ng Dance PH nuong Hunyo. Nagkaroon kami ng konting games at isang malupit na cypher na kung saan ay si Mark "KidTitan" Espiridion ang isa sa mga nagpasiklab. Sa murang edad ay nakitaan na siya ng kahusayan sa KRUMP. Views - 17,585 People Reached - 187,888 Reactions - 909 Shares - 125 Comments - 144 TRENDING NO. 9 Nath Recampo of UE Armada/ Alliance/ Groovy Ghetto Itong video ay kuha sa isang studio sa Malabon City. Isang cover ng kanta ni Skusta Clee na "Nasan Ka Na Ba?" na sinayaw ni Nath Recampo na miyembro ng UE Armada at ngayon ay nasa Alliance na. Views - 18,007 People Reached - 96,077 Reactions - 676 Shares - 158 Comments - 46 TRENDING NO. 8 Names Going Wild at They Dance We Battle Season 3 Ang They Dance We Battle Season 3 ay isa sa mga dance competitions na pinuntahan ng Dance PH para i-cover. Ang video na ito ng Names Going Wild ay isa sa mga nakuhanan ng aming team. Ang Names Going Wild ay isa sa mga magagaling na grupo pagdating sa sayawan sa barangayan. Nais kong makita ang grupo na itong sumasayaw sa malalaking dance competitions. Views - 18,484 People Reached - 211,397 Reactions - 842 Shares - 218 Comments - 51 TRENDING NO. 7 Gwola Cover by Batangas Dancers Isa sa mga dahilan kung bakit narito ang Dance PH ay par i-showcase ang kagalingan ng mga dancers natin sa probinsiya. Ang video na ito ay mula sa Batangas City na sinayaw nila Marco Magboo at mga kaibigan nito. Ang music ay mula kay Gwola - Honey ft. Kid Ink. Views - 25,457 People Reached - 201,467 Reactions - 885 Shares - 207 Comments - 74 TRENDING NO. 6 FMD Xtreme on Dance PH's First Ever Facebook Live Interview Ito ang kauna-unahang Facebook Live Interview ng Dance PH sa isang dance crew. Mapalad tayo na pinaunlakan tayo ng 3-time World Champion FMD Xtreme sa kanilang tahanan sa Marikina. Ang interview ay tumagal ng 30-minuto na pinag-uusapan ay ang kanilang tagumpay at ang kanilang mga pinagdaanan bago ito makuha. Abangan ninyo sa dulo ng interview ang nakakatuwang fast talk. Paano ba sinagot nila Jancent at Kennedy ang mga ito? Views - 36,624 People Reached - 159,936 Reactions - 998 Shares - 65 Comments - 107 TRENDING NO. 5 Power Duo of Pilipinas Got Talent Golden Buzzer Performance Pinakilig at pinahanga tayo ng Power Duo sa kanilang audition performance sa nagdaang Pilipinas Got Talent Season 5 ng ABS-CBN. Nakamit nila ang Golden Buzzer mula sa mga judges na kung saan ay direkta silang nakatawid sa semi-finals. Kinalaunan ay tinanghal sina Grand Winner ng patimpalak. Ito video grabbed mula sa You Tube account ng PGT. Nagkaroon ito ng 979 shares na siyang pangalawa sa pinakamaraming sa lahat ng videos ng Dance PH. Ito ang isa sa naging paboritong video ko ngayong taon. Views - 42,715 People Reached - 379,003 Reactions - 2,517 Shares - 1,036 Comments - 162 TRENDING NO. 4 KRUMP to Waack ni Mark Espiridion Di natapos sa malupit na KRUMP ang video. Isang nakatutuwa at malupit na transition mula kay Mark "KidTitan" Espiridion ang kanyang ginawa sa Dance PH get-together sa Rizal Park. Ang pinakaiksing video na ito ay nakakuha 44,283 videos matapos niyang mag-Waacking mula sa KRUMP. Views - 44, 283 People Reached - 242,870 Reactions - 815 Shares - 125 Comments - 433 dTRENDING NO. 3 Rock*Well Performance at AC Resbak Concert Isa din sa mga paborito kong performance ngayong taon ang dance craze sensation na Rock*Well. Mula ng ipinalabas nila ang Ignition Dance Challenge ay nagtuluy-tuloy na ang pagsikat ng grupong ito. Sa Resbak Fund-Raising Concert ng Autonomicass Crew (AC) nuong Agosto ay napanuod ko sa unang pagkakataon ang Rock*Well at si Rhemuel Lunio na mag-perform ng Live. Super ganda at chillax lang ang performance nila. Good vibes lang. Ang gaan lang. Pinakamalupit dun ay nung nag-stop ang music tapos sabay bawi. Basta panuorin nyo na lang ang video. Ito rin ang nakatanggap ng pinakamaraming reactions mula sa Facebook users na may bilang na 3,956. Siya rin ang may pinakamaraming shares na 1,466 sa lahat ng videos. Ang video ay courtesy ng DroidHero. Views - 61,480 People Reached - 487,456 Reactions - 3,956 Shares - 1,466 Comments - 371 TRENDING NO. 2 Marikina Dancers VS Rizal Dancers Trumpets Challenge Last June ay nakapanuod ako ng Barangayan Dance Contest sa Marikina. Nagkaroon ng biglaang dance showdown at ito ang naging resulta. Mga dancers sa Marikina at Rizal ay nagharap-harap. May mga sineryoso ang sayawan ng Trumpets at mayroon namang ginawang katatawanan ang laban. Sino nga naman ang pipiliin mo? Ang video na ito ang nakatanggap ng may pinakamaraming komento mula sa mga Facebook users na may 416 comments. Views - 63,675 People Reached - 398,076 Reactions - 2,399 Shares - 763 Comments - 416 TRENDING NO. 1 She's Dating the Dancer Video by Marco and Tricia Ang real-life couple dancers ang nag-number one ngayong taon sa pinakamaraming views na video sa Dance PH. Ito ay cover ng Don't Let Me Down ng The Chainsmokers. Ginawa ito ng magkasintahang Marco Magboo at Tricia Mirambil ng Batangas City. Ipinakita nila ang husay ng mga Batangueno. Isang nakakabilib na version ng Don't Let Me Down ang kanilang ipinamalas. Mula sa music remiz, choreography, transition at kung paano sila nag-connect sa bawat isa. Bukod sa pinakamaraming views na 89,415. Ang video na ito ang siya ring nakakuha ng pinakamaraming people reached. May 491,171 na Facebook users ang nakakita at naabot ng video na ito. Views - 89,415 People Reached - 491,171 Reactions - 3,449 Shares - 840 Comments - 208 Karamihan sa mga videos na ito ay direcktang nakuhanan ng Dance PH. Nagpapasalamat din kami sa mga may-ari ng videos na nag-share nito sa amin. Sa araw-araw ay madaming nagpapadala ng videos sa Dance PH upang i-share daw namin ito sa humigit 50,000 followers namin.
Nainis man naming i-share ng lahat ng ito ay ipagpaumanhin po ninyo na hindi namin ito magawa lahat. Para maging "share-able" ang video at kung nais ninyong mai-upload ito sa Dance PH ay siguraduhin po natin na sadyang maganda ang sayaw at kakaiba. Yung tipong mag-trending talaga. Gumawa tayo ng kakaiba at original na videos. Gumamit tayo ng HD video hanggat maari at kung kaya natin ito i-edit ng maganda. Kung mayroon din naman kayong cellphone video ng isang kakaiba, nakakamangha at nakakaaliw na performance ay bukas palad po namin itong tatanggapin. Kung gusto nyo muling makasama sa susunod na taon sa Top 10 Trending Videos ng Dance PH ay marapat lamang na mai-upload namin itong direkta sa aming page. Hindi po kasi kabilang dito ang mga re-share lamang namin. Maaari nyo din kami imbitahan sa inyong mga concerts, competitions at events upang ma-capture namin ang magagandang eksena. Unti-unti na po namin pino-professionalize ang photo and video services namin upang mas lalo natin ito ma-enjoy. Patuloy po tayo gumawa ng mga videos na magbibigay ng ngiti, good vibes at inspirasyon sa lahat ng tao sa buong mundo. Patuloy din tayo magsayaw para sa ikalulugod at para mabigyan-ngiti natin ang Diyos na nagbigay sa atin nito. Compiled by Sir Ryan Angeles
0 Comments
Leave a Reply. |
Prof.
|