Ang mga Pilipino ay mahilig sa mga underdogs. Yung tipong akala mo ay talunan pero sa huli ay isang malakas na kalaban. Ngunit iba ang isang dance group sa Cavite. Isang malakas at inaabangang grupo na kayang makipagsabayan sa iba't ibang kompetisyon. Ang Cavite Underdogs na mula sa mga bayan ng Imus at Dasmariñas, Cavite ay grupo ng mga mananayaw na nais magbigay inspirasyon sa kapwa mananayaw at nais bigyang-karangalan ang ating bansa sa pamamagitan ng pagsali sa iba't ibang pandaigdigang kompetisyon. Ang Cavite Underdogs ay naitatag nuong Disyembre 21, 2012 na pinangungunahan ni Arnel Chua. Sila ay batikan na din sa iba't ibang kompetisyon gaya ng World Supremacy Battlegrounds - Philippines na umabot sila ng Top 9. Nag-first runner-up din sila sa Reppinas 2.0 at Top 7 sa Elite Asia International Competition ngayong taon. Naniniwala sila sa patuloy na pagsasayaw, pagbibigay ngiti, at mamangha. Kanilang pinahahalagahan ang pagtitiwala, pag-asa, pagmamahal, pangarap at paniniwala sa Diyos, sarili, at sa kapwa. Abangan pa ninyo ang Cavite Underdogs na ipinagmalalaki ng mga taga-Timog Luzon!
Bisitahin sila ang Facebook page na Cavite Underdogs para sa pinaka-latest na balita sa kanila.
0 Comments
Leave a Reply. |
|