Saan ka makakakita ngayon ng isang pitong taon na bata na patuloy sa pag-ani ng milyung-milyong views sa YouTube at Facebook sa kanyang mga dance craze videos kasama ang mga kilalang dance crews at artista? Ang cute na cute na si Nhikzy Calma ng ABS-CBN Star Magic ang pinaka-trending na batang mananayaw ngayon sa Pilipinas dahil sa kanyang natatanging galing sa pagsayaw. Sa bawat galaw niya ay makikita mo na husay at talentong sadyang kanya lamang. Madami nang videos nagawa ng Dance Child Wonder na ito kasama ang mga kilalang dance crews gaya ng Rock*Well, Mastermind at Manoeuvres Ignite. Trending with 1,600,000+ views ang video niya with Mastermind sa kanta ni Dawin na Sidekick. Nag-Jump Shot naman siya kasama ang Manoeuvres Ignite sa isang video. Mahigit 1,000,000 views+ din ang Fetty Wap Dance Challenge video niya sa ASAP kasama ang Rockwell. Madami pa din siyang video sa kanyang Official Nhikzy Calma YouTube Channel na umabot ng libu-libong views. Sa di mapigilang tagumpay ng munting paslit na ito na nanalo din sa mga bigating talent search gaya ng SM Little Star, That's My Boy at Mini Me ng Its Showtime (GRAND WINNER) ay patuloy niyang liliparin ang pangarap niya para sa Diyos, bayan at kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagsali sa international competition na World Championship of the Performing Arts (WCOPA) sa Hulyo 2017 na gaganapin sa Long Beach, California. Ang WCOPA ay isang prestihiyosong kompetisyon ng mga talento mula sa iba't ibang panig ng mundo. Madami na rin ang nag-kampeon na Pinoy gaya na lang nila Jed Madela sa pag-awit at Junior New System sa pagsayaw. Isang malaking concert na pinamagatang #DanceWithNhikzy sa Marso 27, 2017 sa Skydome, SM North EDSA, Quezon City ang magaganap upang matupad ang pangarap ng isang munting mananayaw. Ang dance concert na ito ay siksik sa matitinding production numbers mula kay Nhikzy mismo at sa mga naglalakihang guests artists at celebrities gaya nila Zeus Collins, Inigo Pascual, Brace Arquiza, Benj Manalo, AC Bonifacio, Francis Lim, Raymond Mabute, Alonzo Muhlach, XB Gensan, Manoeuvres Ignite, Junior New System, Mastermind, Rockwell at marami pang ibang sorpresang bisita. Ang fund-raising concert na ito ang siyang magdadala kay Nhikzy patungo sa international stage upang mabigyang karangalan ang ating bansa. Ang panunuod mo sa concert ay pagsuporta mo sa isang maliit na bata na may malaking pangarap. Ang tickets ay nagkakahalaga ng P1500 (VIP), P750 (Patron) at P500 (Bleachers). Kung gusto mo pa lalong makatulong ay mayroong sponsored ticket na nagakahalaga ng P5000. Masarap dalhin ang pamilya, kaibigan, kaklase, ka-opisina sa concert na ito dahil lalabas kang masaya at puno ng sigla dahil sa mga pasabog na performances. Ang concert na ito ay hatid ng SM Supermalls, Skydome, Panasonic, Go Productions, Star Magic, Lights Dynamics, Dance PH, Ekonek at MR.
Mabibili ang tickets kay Ms. Abegail Calma sa 0915-2675148. Visit ang Official Social Media accounts ni Nhikzy Calma: Facebook: https://www.facebook.com/NhikzyVheenchCalma/ YouTube: https://www.youtube.com/channel/UCepydKzbuG4eh7Z2OYxWa5g Twitter: https://twitter.com/nhikzycalma?lang=en Instagram: https://www.instagram.com/iamnhikzycalma/?hl=en
0 Comments
Leave a Reply. |
Archives
May 2017
CategoriesPINOY MANANAYAW ka ba? Grab these stylish and cool shirts just for you! Excellent in and out of the dance floor.
Text 0999-4921601 for orders. Prof.
|