Isang normal na kwentuhan ng mga magkakaibigan kagabi sa tapat ng kanilang bahay. Kwentuhan tungkol sa grupo at mga iniidolong personalidad sa dance community. Kanya-kanya kaming istorya at reaksyon sa mga kwento at issues. Si Jhom, 17 years old, estudyante, nagpapahingang miyembro ng Blumstyle Syndicate ay nagsambit na hindi niya idolo ang FMD Xtreme. Isang grupo sa Caloocan daw ang kanyang hinahangaan. Ako naman ay nagsabing FMD Xtreme ang hinahangaan ko dahil magaling sila mababait. Tinanong ko si Jhom, Kenneth at John Paolo kung nakitaan na nila ng yabang ang mga miyembro ang FMD. Ang sagot nila wala pa. Sabi ko exactly. Kahit ako isang taon ko nang kakilala sila ay wala pa ako naririnig o nakitaan ng ganun. Nagyabang ako ng kaunti. Nasambit ko na si Kennedy Cortez, leader at choreographer, ang nag-add sa akin sa FB. "Nakakahiya naman," pabiro kong sambit. Choosy pa ba ang isang Ryan Angeles para hindi siya i-accept kaagad. Siyempre confirm agad-agad ako kahit puno na din friend list ko. Sabi ko, sobrang na-touch ako ng siya pa talaga nag-add sa akin dahil alam kong punung-puno na din FB niya at saka ang dami din gustong maging FB friend siya. Pero hindi agad-agad nangyari yun. Maraming beses din ako nag-request sa kanya na ma-add pero seenzone lang din gaya ng karamihan. September 19, 2014: Unang request ko sa kanya matapos ang pag-imbita namin sa grupo nila para sa First Anniversary Concert ng Red Fox Dance Company sa EARIST. March 8, 2015: Nag-message ako ng "Bro" pero wala pa din April 23, 2015: Binati ko siya nung birthday niya at ayun wala pa din. Naunawaan ko siya marahil dahil na din sa wala na siguro talagang espasyo para sa akin. August 1, 2015: Matapos ang Elite Asia ay inadd na niya ako sa FB. Sobrang galak ko kasi FB friend na kami. Gaya ng ibang mananayaw at taga-hanga niya na honor na maging friend mo ang isang world champion na choreographer (kahit sa FB man lang). Bago niya ako ini-add ay maraming beses na din kami nagkita gaya sa WSB, Dance 4 Life, Elite Asia at kung saan pa. Suportado ko at ng Dance PH talaga sila sa kanilang mga laban. Marahil naisip niya na lagi niya akong nakikita at naawa na din sa akin. Hahaha... Pero dahil sa hiya ko ay di ko nabanggit kahit minsan sa personal na maging FB friends kami. Mabalik tayo sa kwentuhan naming magkakaibigan. Matapos kong nakwento ang istorya namin ni Kennedy kung paano kami naging FB friends at kung gaano ako katagal na naghintay para maging friends kami (11 months men!) ay pinabasa ko nga sa kanila convo namin. At dahil online siya ng panahon na yun ay piniem ko siya: "Bro... Pinagkwekwentuhan ka lang namin hehehe.." Sabay submit ng picture namin na naka-FMD handsign. Si Kenneth ng 21st Street ay hindi nakasama kasi siya nagpi-picture. Nang makita pa lang namin na nagta-type na siya ng isasagot ay sobrang saya na namin. Medyo maingay na kami. Di maipaliwanag yung excitement naming apat dahil magre-reply siya. Alam mo yung feeling na "fan" ka. Ganun... Sobrang natutuwa kami dahil pinansin kami niya. Hanggang mag-reply sya ng "Hhhah" at isang smiley. Sinundan pa ito ng GIF na taong nagsasayaw at maya-maya ay picture niya kasama ng mga ka-grupo niya! Boom!!! Sumabog kami sa saya at tuwa. Lubos at sobra-sobrang saya, kilig, excitement at galak ang naramdaman namin. Andun pala sila magkakasama kung saan man yun. Nag-selfie pa sila para sa amin. Ang sagot namin ay salamat at napasaya nyo kami. Sobrang pasasalamat namin sa kanila. Sinundan pa ito ng isang message na kung saan ay nagsasabing "Oh ayan para lalo po kayo mag enjoy ay papasa ako hahahahaha" kasama ang GIF animation ng lalaking nagte-twerk at isang video ni Gamay. Ipasa daw namin yung video ni Gamay. Angas ni Gamay. Luma-Love Me Like You Do ang peg. Sa sobrang saya namin ay nag-request kami na if pwede magpa-fansign. Sobrang kinakabahan kami dahil baka mamaya hindi kami pagbigyan. Ang tagal ng reply ni Kennedy. Sabi namin baka nagpapahinga na sila. Kami andun nakatumpok at umaasa na mapagbigyan. At saka iniisip namin baka di nila ginagawa ang ganun. Kasi parang di ko pa sila nakitang nag-gaganun. Tinanong ko din mga kasama ko if may nakita na silang nagawang fan sign ng FMD o ni Kennedy ang sabi nila ay wala pa. Matapos ang siyan na minuto ay nakita namin may tina-type na siya. At may nakita kaming tatlong box na image. Hindi pa namin maaninag kung ano yung laman ng box pero alam namin na image yun. Nag-umpisa kaming mag-ingay, ma-excite at makilig lalo dahil mukhang mapagbibigyan request namin. Matapos ang pag-aantay ay lumabas ang tatlong larawang ito. Sobrang nag-ingay kami at natuwa dahil napagbigyan request namin. Customized talaga at saka ang linaw pa. Di namin ini-expect. Sobrang nakumpleto gabi namin. Yung tatlong kasama kong dancers ay nakaramdam na feeling nila kumpleto na pagiging dancers nila. Sobrang saya. Abot-langit ang ngiti. OA na kung OA pero yung feeling na pwede ka nang mamamatay dahil sa ipinakita nilang pagtanggap sa amin at mapagbigyan request namin.
Pabirong sinabi ko na pwede nang i-cover photo yung picture ng one year walang palitan. Sagot ni Jhom na sa kanya daw forever niyang cover photo. Sabay tawanan kami. Di matumbasan ang saya namin kagabi. Kasi na-appreciate kami ng mga world champions. Na-appreciate kami ng mga nagre-represent ng bansa natin. Kahit malayo na ang narating nila ay hindi nila nakalilimutan ang pinanggalingan nila at ang mga taong sumusuporta sa kanila. Ang simpleng ginawa nila ay nagbigay ng malaking inspirasyon sa mga dancers na kasama ko at sa akin. Na nawa'y magbigay din ng inspirasyon sa iba. Gaya ng lagi kong sinasabi. Mananatiling paborito kong grupo ang FMD Xtreme dahil sobrang galing nila. Pero given na yun. Malakas sila. Magaling sila. World-Class sila. Pero kaya ko sila naging paborito talaga dahil sa ugaling ipinapakita nila mula kay Rizza, Kennedy at sa mga ka-grupo nila. Ang kababaang-loob at kabutihang-loob na meron sila na mahirap ipanatili sa panahon ngayon na kung saan ay may nakamit lang na maliit na karangalan ay nagmamataas na at kung makapanghusga ng ibang grupo at kapwa ay ganun-ganun na lamang. Sila ang grupo na pinagpapala dahil sa pagpapanatili ng kabutihan at kababaaang-loob kasabay ng pagpapalakas sa larangan ng pagsasayaw. Muli kong tinanong si Jhom. Ngayon bro, idolo mo na ba ang FMD? Ang sagot ng bata ay "Oo". Isang munting bagay na nakapagpabago sa pananaw ng isang ordinaryong mananayaw. Sa kanya mas magaling yung idolo niyang dancer sa Caloocan kumpara sa FMD. Pero ngayon mas idolo na niya ang FMD dahil sa kabutihan na ipinakita sa kanya. Nagpaalam na ang grupo sa amin dahil magpapahinga na sila. Nagpaalam na din kami at umalis dahil napagalitan na kami ng kapitbahay.
1 Comment
9/2/2015 04:27:11 am
Grabe Buri pa po kayo na kaka Chat nyo Idol nyo samantalang ako hndi
Reply
Leave a Reply. |
Prof.
|