Paano nga ba maging magaling na dancer (Hugot Version)?
1. Una, alam mo na may talento sayong ibinigay ng Diyos. Gift kasi ang pagsasayaw. Hindi lahat ng tao may ganyan. Subukan mo. Kapag para sayo ay para sayo. Kapag hindi para sayo huwag mong ipilit. Wala ka kasi talaga nun. Gaya ng pagpupumilit ko sayo na alam ko naman na hindi ikaw para sa akin. 2. Pangalawa, kapag nalaman mo nang may talento ka sa pagsasayaw ay paglinangin o i-develop mo ito. Sumali ka sa mga grupo ng mananayaw. Makisawsaw ka sa kanila. Gaya ng pagsawsaw mo sa kani-kanino kahit alam mong akin ka lang. Gusto mo marami kami. Gusto mo isang grupo kami sa buhay mo. Ayaw mo na nag-iisa lang ako. 3. Pangatlo, Umattend ng mga workshops, dance class at trainings. Manuod ng mga video sa YouTube upang mas lalo kang humusay sa pagsasayaw. Pag-aralan mo lahat ng styles at history ng sayaw. Pag-aralan mo kung matututunan mo pa akong mahalin. Alam ko nasasaktan na ako pero umaasa pa din ako. Sa akin lang ay bigyan mo ng panahon tayong dalawa. 4. Pang-apat, sumali ka sa mga contests at program sa school, barangay at iba't ibang malls. Para masanay ka sa tao. Para ma-share mo na talent mo sa iba. Gaya ng pag-share mo sa puso mo sa dalawa. 5. Panghuli, maging mapagkumbaba ka. Kahit gaano na kalayo narating mo ay titingnan pa din sayo ay ang ugali at hindi talento mo. Magaling ka ngang sumayaw pero di naman maganda ugali mo. Para saan pa? Walang papansin sayo. Ako na nga lang pumapansin sayo pero ito ako deadma pa din. Panay seenzone. Walang reply sa text. Kapag nagkikita tayo ay para lang akong hangin na napadaan lang sayo. Kahit konting pagtingin ako'y bigyang-pansin. P.S.: Upang lalong maging magaling na mananayaw ay palakasin ang katawan at patibayin ang puso sa mga pagsubok. Gaya na lang ng pagpapalakas ko sa puso ko sa mga sakit na idinulot mo.
4 Comments
alliah nicole angeles
8/25/2017 10:26:32 pm
Gusto ko maging sikat na dancer katulad ni Lucky Aces Kasama Ang Couple ko pano namen sisimulan ?
Reply
4/30/2020 10:46:03 pm
Gusto ko maging dancer kasie gusto ko maging marami mag ka idol sa akin
Reply
J SEE
9/24/2021 10:05:10 am
GUSTO KO MAGING DANCER DAHIL MAKATULONG SAIBA NA NAGHIHIRAP PAANO SISIMOLAN
Reply
cole
7/17/2022 09:12:52 pm
gusto ko lang naman matutong sumayaw bat may humuhugot?😭
Reply
Leave a Reply. |
Prof.
|