Call time ay 8:00 PM sa Caloocan DC kagabi. Syempre yung kasama ko group ay pumunta ng maaga para di maabutan ng cut-off. Pagdating ay nagpa-register kagaad. Pang-15 ang nakuha nila. Tuwang-tuwa kasi maganda naman yung slot. Umabot na ng 12:30 ng umaga di pa din nakakasayaw sila dahil ang dami pang naganap sa stage. Ito pa matindi. Mahigit 75 (opo seventy-five!) ang magsasayaw sa gabi na yun. Hala sya! Ano kaya naisip ng organizer at ganun ginawa. Di man lang nagbigay ng cut-off para di kawawa yung mga bata kakahintay at kaka-asa. Alas-siyete ng umaga natapos ang contest. Buti na lang may nakuha silang place kagabi. Pero di yan ang kwento ko. Syempre bago ka makarating sa venue ng contest ay kailangan mo ng sasakyan. Dalawang sakay mula sa Sampaloc hanggang sa City Hall ng Caloocan. Excited ako pumunta kasi dalawang linggo na din ata ako di nakakapanuod ng dance contest. Nataon na malapit-lapit sa bahay yung DC kaya sumama na din ako. So, ang sabi ay mag-commute na lang kami papunta duon. Sabi ko alam ko ang lugar dahil kabisado ko na naman kahit papaano at nakarating na ako dun sa La Consolacion College - Caloocan. Sakay muna ng jeep pa-Divisoria tapos sasakay ng Sangandaan sa pila duon sa tulay ng Moriones malapit sa Tutuban. Sumakay kami sa ilalim ng tulay ng Nagtahan ng pa-Divisoria. Mga labing-apat yata kami. Nauna yung iba sumakay tapos sumunod ako. Tapos yung iba sumabit dahil puno na ang jeep. Dire-direcho lang ang jeep hanggang makarating ng Recto. Ako natulog pagkatapos magbayad dahil sa napagod ako sa trabaho. Ikaw ba naman umikot sa sampung colleges and universities maghapon ewan ko lang di ka mapagod. Haha.. Ako naka-akap lang sa bag ko samantalang ang ibang kasama ko tahimik lang sa byahe at yung iba naman ay nagkukwentuhan. Yung mga nakasabit ay panay tanaw lang sa kahabaan ng Recto Avenue. Tanong ng driver: "Sinu-sino itong pitong nagbayad?" Sabay turan ang mga sakay kung sino na mga nagbayad. Yung ibang di pa bayad ay nag-abot na. Yung iba hindi na. Maya-maya may bumaba na pasahero. Sapat na para maka-upo yung mga nakasabit. Ang siste hindi sila umupo. Alam na. Nakarating kami sa Divisoria at iniwasan namin yung night market dahil magulo duon. Dumaan kami Abad Santos tapos P. Algue sabay pasok sa Tutuban Mall hanggang makarating sa pila ng Sangandaan. Mahaba ang pila. Inaya ko isang dancer na sa harapan ng jeep umupo. Nanakit pa tuhod ko dahil sa kakamadali sa pagsakay sa harapan ng jeep. Tumama sa bakal. Ang sakit. Kwentuhan kami ni manong driver. As usual, puno ang jeep at sumabit ang ibang dancers. Mga apat ata sila tapos yung dalawa sa estribo umupo. Umuusad ang jeep kahit ma-traffic. Nagbayad na kami at yung iba. Pagdating sa Gagalangin ay madami bumaba. Sapat muli upang makaupo ang mga nakasabit. "Pumasok kayo! Madaming upuan." sambit ng driver. Nagturuan sila at yung iba naman ay nanatiling nakasabit. "Yan na nga ba sinasabi ko eh. Kasamahan nyo ba yang mga yan?" tanong ni Manong. "Opo." sagot ko. "Mga dancers, nangangarap sa buhay." Bwelta ko para naman mahabag sa amin ng kaunti. Dire-direcho ang byahe. Nag-usap lang kami ng katabi ko. Tapos si manong driver ay patuloy na naghahanap ng pasahero sa kalye. "Oh, tumabi kayo dyan. Paano makakasakay ang mga pasahero?" Nayayamot na banggit ni manong driver. Hanggang sa kwinentuhan ko na lang si manong para di na niya mapagbuntungan ang mga nakasabit. Ayun at ibinaba na kami sa City Hall ng Caloocan. Mabait naman si manong. Nagpasalamat ako pagbaba namin. Gaya ng una kong kwento sa itaas. Pagkatapos ng contest ay umuwi na din kami at sumakay na muli ng jeep. Walang byaheng Dagupan Divisoria puro Ilaya Divsoria lang. Tinawag ko isang jeep na walang laman kahit Ilaya siya. Matanda na yung driver. Maputi ang buhok. Nakaputing t-shirt. Sabi ko sa mama na Dagupan na lang siya dahil marami kami. Ayun pinalitan ang signboard at saka kami sumakay. Again, sa harap kami ulit ng kasama ko kanina nung papunta sumakay. Kami lang sakay ng jeep kaya nagtaka na naman ang matandang driver bakit may nakasabit. Pinapasok niya mga bata pero yung apat nanatili pa din sa labas na parang walang narinig. As usual, malungkot si lolong driver dahil mayroon na naman di magbabayad sa loob-loob niya. Direcho byahe. Yung ibang dancers napagod. Nakatulog na. Iba nakasandal sa katabi. Iba nakatingin lang sa bintana ng jeep. Mabilis lang ang byahe namin dahil gabi na hanggang ako ay makababa na sa Pavia Street. Nagpa-alam na ako. Nagpasalamat sila at kumaway pauwi. Sa pagsama ko sa kanila ay lalo akong humanga sa passion nila towards their craft. Gagawin nila lahat para makasayaw lang. Sa murang edad nila (14-19) ay nagagawa nilang bumiyahe sa gabi at makipagsapalaran sa buhay. Nagagawa nilang i-risk ang kanilang kaligtasan para lamang mabigay ang hilig nilang sumayaw at lumaban sa kompetisyon. Di biro ang pagsabit ng jeepney dahil nakakapagod ito. Di rin ito ligtas dahil baka mapag-tripan ka habang nakasabit. Maaari rin kapag naaksidente ay una kang titilapon sa kalye. Maaari rin masira hinahawakan mo o makabitaw ka habang nakasabit. Pero dahil sa kakapusan ay napipilitan silang gawin ito para lang di makatipid at makarating. Ipinagbabawal ang pagsabit sa jeep. Kung ikaw naman ay sasabit ay maaari ka namang magbayad o hindi. Depende sa driver kung maniningil. Ano ba talaga rule kapag nakasabit? May bayad o wala? Pero kung may upuan naman atang available ay marapat lamang na umupo ka na at magbayad. Nauunawaan ko ang mga bata. Maraming beses ko na sila nakakasama at alam ko pangangailangan nila. Basic need nila ang transportation. Mahirap para sa kanila ang paghahanap ng pamasahe para makalaban lamang sa iba't ibang lugar mapa-Manila man o probinsiya. Challenge nila ito lagi. Kaya if may kakilala kayong mga dance group na kaya nyong tulungan ay tulungan nyo. Ikakagalak nila ito. Sa mga dancers, isipin nyo din kaligtasan niyo. Isipin nyo din ang pagiging matapat sa lahat ng bagay. Isipin nyo din na pare-parehas din kayong nangangailangan. Isipin nyo din na magpasalamat. Ako ay bilib sa inyong passion sa pagsasayaw. Marahil karamihan sa mga dance group ay naranasan na ito o di kaya ay nagagawa pa din sa kakapusan. Mag-ipon kayo siguro. Iwasan muna siguro bisyo. Yosi o alak. Mag-ipon kayo para sa pagsasayaw nyo. Dahil mas mabuti ito para sa inyo. Sa mga Manong jeepney driver, maraming salamat sa pag-unawa sa mga bata. Pasensya na din minsan at makukulit at nagagawa nila mga ganuong bagay. Bahala na po si Lord magpala sa inyo para sa kabutihan nyo. Huwag nyo lang sila sasaktan. Pagsabihan nyo na lang po ng maayos gaya ng mga ginagawa ng karamihan sa inyo. At huwag nyo din po lalahatin ang lahat ng dancers. Kapag may grupong sumakay sa inyo wag nyo kaagad pagbintangan. Minsan kasi willing sila magbayad lalo na at meron naman sila. Paghandaan niyo bawat laban nyo para wala tayo nasasagasaan na ibang tao. Baka kasi tayo naman ang masagasaan sa susunod. :)
2 Comments
At nabalik muli ako sa mundo ng inter-collegiate competition via U-Belt Dance Duo 3 Semi-Finals at Isetann Cinerama Manila. Seven days na lang ay Valentine's Day na at inabangan din kung sino mananalo sa Grand Finals next week. Teka lang, may ka-date ka na ba sa Valentine's? Ang mga estudyante naghahanap na ata. Yung iba naman ay naiinggit na dahil wala silang ka-date. Yung iba nakikita nila may ka-twosome. Iba ay may ka-threesome. Iba naman ay may ka-foursome. Samantalang siya ay "handsome" lang. Haha.. Kanina mga twosome din napanuod ko. Ang gagaling nila. Sampung duos ang naglaban-laban from FEU (3 entries), PUP (2 entries), EARIST, PLM, ICI, TCU, and UDM. May kanya-kanya silang styles na ipinakita. Something different and unique ang gusto ni Sir Joyie Dimayuga ng Isetann sa edition ng Dance Duo 3. Hindi nga sya nabigo sa mga performances ng mga dancers. I-share ko lang ang personal favorites ko. FEU-IT Manila na sina Fernan and Roland ang nag-Rank 1 sa Semis. Kung Fu ang tema nila. Na-execute nila ng maayos ang combo ng Kung Fu at sayaw. Great choreography. Very entertaining kasi may parang fight scenes. Tapos yung choreography ng hiphop na-integrate nila sa mga moves ng Kung Fu. And the result, a very fantastic performance. Sina Jonell and Michelle naman ng ICI ang second favorite ko. It seems in love sila sa isa't isa sa performance nila. Parang nag-uusap. Parang connected talaga puso nila. Yung choreography nila ay bagay na bagay sa music nila. And yung facial expressions ni Jonell ay laging nangungusap. Parating may nais ipahatid sa mga manunuod. Kumbaga, feel na feel nila ang piyesa nila. They've got Rank 3 this Semis. May third favorite is yung sa FEU Manila na sina Lord Gabriel and Julianne. If yung isang kapatid nila ay nag-Kung Fu sila naman ay nag-Ninja. Umpisa pa lang ay napahanga na ako. Pinaghiwalay nila yung white longsleeves na suot nila sa isang moves at pagkatapos ay nagbuhol ito. Ang signature ng B-Boy moves ni Lord Gabriel ay andun pa din kasabay ng kwento ng laban nila ng kanyang partner. Bago sa akin ang ganung concept kaya nag-enjoy ako sa galing ng performance nila. This time ay Rank 5 ang nakuha nila. Yung sa Rank 4 na FEU na sina Kim and Louries plus Rank 2 na PLM na sina Joey and Albert ay equally magaling din naman. Powerful ang performances ng dalawang duos. Pero siguro naghahnap lang ako ng something na kakaiba na gaya ng hinahanap ng Isetann. And hopefully sa Grand Finals ay they can offer something new sa performances nila. And for the rest of the semi-finalists: UDM - Atila and Joey Boy, Taguig City University - Jumar and Christian Mark, PUP - Aliel and Monsour, PUP - Angella and Joanne and EARIST - Kim and Jans. You are amazing dancers! The performances are well rehearsed. Its just, that, the judges are looking for something unforgettable and that will standout among the contestants. Maybe you can try next year (if di pa kayo graduating ngayon.. haha). Natuwa ako sa duo nina Kim and Jans. Makukulit ang steps nila. Cute tingnan ang galawan nila. Dagdagan pa ng konting chemistry at saka pasabog na choreography sa susunod. I know they can do more pa. This is the first time that they've done this. And I know they will perform well next the next time. Nag-enjoy din ako sa tinagurian kong King of Pop sa Philippine dance community na si Kazuki "Khaki" Asano sa kanyang peformance. Di pa din nagbabago galing niya. Mapa-solo, dup o kasama ang grupo ay di matawaran ang lupit sa pagsasayaw. I-defend nya title nila sa Grand Finals. What important here sa Dance Duo na ito ay nag-enjoy kaming lahat sa performances ng mga contestants. Yan ang di namin makakalimutan. Congratulations to all the winners! Hindi nasayang ang panunuod ko sa inyo. Hopefully sa Grand Finals ay makapanuod ako next week. Magkano Kada Lapag Niyo? Sa umpisa tila madali lang magsayaw. Ang isang piyesa ng isang dance group ay tumatagal mula 2.5 ganggang 6 na minuto depende sa nais ng grupo o pangangailangan ng kompetisyon. Kung iyong mapapansin ay parang madali lang magpatakbo ng isang dance group. Teka. Hinto muna tayo. Madali nga ba? Dapat natin ikunsidera ang pag-e-ensayo, piyesa, musika, costume, pagkain, transportasyon, registration, kompetisyon, kaligtasan at ugali ng mga dancers. Siguro sa mga susunod kong blog ay iisa-isahin natin ang bawat isang yan. Magtungo muna tayo sa halaga ng ginagastos ng isang crew kada lapag (ang lapag ay termino sa dance community patungkol sa bawat isang kompetisyon o dance contest na kanilang sinasalihan). Sa inter-collegiate naman ay tinatawag itong compete (pinaikling competition). Bago yan, hindi rin pala lahat ng sinasalihan ng mga dance group ay hip hop dance contest o puro sayawan lang lalo na sa barangayan. Mayroon din tayong tinatawag na "Got Talent"na kung saan halu-halo ang mga talento gaya ng pagkanta, pagma-magic, pagpapatawa at iba pang kakaibang talento. Sa bawat lapag o compete ay nag-i-invest o namumuhunan din ang mga bata. Narito ang ilan sa kanilang kinukunsidera at sa huling bahagi nito ay susumahin natin ang lahat. Ilatag muna natin ang mga assumptions na ito. Sabihin natin na sa bawat estima natin ay mayroong 15 miyembro bawat grupo at dito lamang sa Metro Manila sila lumalaban. Narito na ang pagtatantya: REGISTRATION/ QUOTA: Normally, sa barangayan nagre-range mula P150-P500 ang quota bawat grupo. Minsan ay indibidwal ang singilan. Minsan naman ay libre lamang ang pagsali kapag generous ang nagpapa-contest o kaya may sponsor sila gaya ng Coca-Cola o Globe o kaya ay budget ng barangay o indibidwal. Sa inter-collegiate naman ay madalas libre. Bakit? Kasi sponsor ng mga pribadong kumpanya gaya ng Skechers, Ego, Crissa, Smart at Isetann. O kaya yung mga NGO gaya ng Dance 4 Life ay kumukuha ng mga sponsors. COSTUME Depende sa disenyo ang halaga ng costume. Depende din kung full costume. Pero sa pagtatantya na ito full costume ang ating gagamitin. Kung simple lang mas mura gaya ng t-shirt, pantalon at sapatos. Tatakan lang ang t-shirt ay swak na. Nagkakahalaga simula sa P150 ang t-shirt, pantalon P250 at sapatos P450 (pekeng Vans na mabibili sa Divisoria). Ang suma total ay P850 kada dancer. Meron ka nang pang-costume. Minsan nagdadagdag pa sila ng malalaking handkerchief (di ko alam tawag dun) bilang disenyo. If gusto nyo ng mas bongga at mas maganda gagastos siguro mula P1500-P2500 kada dancer lalo na kapag pasadya talaga ang costume. TRANSPORTATION Di naman maaari na maglalakad lang ang 15 dancers kasama ang kanilang manager o handler ng dis oras ng gabi. Kailangan nila ng sasakyan para makapunta sa mga kompetisyon para di sila ma-haggard at fresh sila pagdating sa venue. Ang isang crew sa barangayan ay umaarkila na lang ng jeep. Siksikan sila dun lalo na at sumasama minsan ang mga supporters, bf/gf at iba pang tao na may koneksyon sa crew. Ang halaga ng jeep ay mula P800-P1200 depende sa layo at ilan ang mga lalapagan. Kapag sa mga kolehiyo naman ay minsan nanghihiram sa school service o kaya taxi or commute. FOOD Ito ang isa sa mga mabigat na challenge ng mga bata especially sa barangayan. Imagine 15 hungry stomachs ang papakainin for 8-12 hours. Pero dahil gusto nila magsayaw kaya minsan di na sila kumakain o kaya hati-hati na lang. Siguro P75 per head is enough na for a good meal para sa magdamagang contest kasama na ang isang baldeng tubig. Hehe.. Sa inter-collegiate naman mga P150-200 depende kasi aabutin minsan yan ng dalawang meals at sa mga malls o arena pa ginagawa ang mga events. Summary of Expense for 15 member crew: Registration/ Quota = P500 Transpo = P800-P1200 Food = P1,125-P3000 TOTAL = P2,425-P4,700 per night Costume = P12,750-P37,500 **hiniwalay na natin ang costume dahil one time expense naman ito Mga basic pa lang ang mga nabanggit natin. Kaya maari pang lumaki ito. Conservative na din ang pagtatanya natin. Sa madaling salita, napakahirap ang mamuno ng isang grupo lalo't ganyan kalaki ang pangangailangan kada lapag. Pero dahil may puso at wise ang mga dancers kaya nakaka-survive. Paano nga ba sila nakaka-survive? Ibang usapin naman yan. Ito lamang iiwan ko sa inyo. Ang sabi sa Biblia ay "ask and you will receive, knock and the door will be open." Humingi lang tayo sa Panginoon. Katukin natin ang pinto ng langit para tayo ay pagbuksan. Kung ang bulsa ng magulang, kaibigan, kaklase o sinumang supporter nyo ay limited. Si Lord naka-UNLIMITED sa langit. Lahat ng natanggap mo ay galing sa Kanya. Kaya lahat ng matatanggap mo ay manggagaling pa din sa Kanya. Kaya umpisahan mo nang manalangin at humingi. Dahil si Lord di mauubusan. Siksik liglig umaapaw ang biyaya sayo. :) I will start a blog about the dance community here in the Philippines. I will just share my insights and observations with regards to people, places and everything about the dance community specifically hip hop whether inter-barangay or inter-school. Thanks to Kuya Chris Brown for the suggestion. At least may magagawa ako kaysa mag-browse lang sa news feed eh magsulat na lang ako na alam ko makatutulong sa lahat especially sa mga dancers at supporters nito.
My first time I wrote about the dance community is when the first time I attended a Barangayan competition in galas, Quezon City. I just posted it in my wall kasi sobrang natuwa ako sa experience. Ito na ang una kong blog para sa inyo. May Part 1 and Part 2 pa ito. Sa unang pagkakataon ko na makapanuod ng full-length sayawan contest sa Barangay kagabi ay marami akong na-obserbahan. Madaming tao lalo na mga dancers. Humigit-kumulang sa 35 grupo ang naglaban-laban. Lahat may kanya-kanyang bala. Lahat may kanya-kanyang pakulo. Iba't ibang genre makikita mo at iba't ibang paraan ng pag-entertain ng tao. Yung iba solid sayawan lang. Pa-angasan ng lehitimong galawan sa sayawan. Yung iba dinadaan sa tamblingan at stunts. Iba naman ay dinaraan sa komedya. Kung ako tatanungin ay nag-enjoy ako ng husto kumpara sa malalaking dance contests. Ngunit napansin ko din na maraming bata o menor de edad. Napupuyat, hinahagis at nasasaktan. Dinadala natin sila sa matinding kapahamakan kapag sila ay gumagawa ng delikadong stunts. Sana naman minsan ikonsidera din ang kalagayan nila bilang musmos na bata. Alagaan natin ang kaisipan at kaligtasan nila. Ang isang 8-16 anyos na bata ay di dapat na-e-expose sa malaking kahihiyan (nakasuot lamang ng brief at nagsasayaw ng sexy dance) at binibigyan dapat ng maigting na pag-iingat (ang pagtalon sa mataas na palapag at pag-hagis o pagwasiwas sa ere). Nagambala lamang ang aking kalooban. Kapag andun kaya ang DSWD o DOLE ano kaya masasabi nila? Isa lamang itong katanungan na aking hinahain upang ipaalala na mayroon tayong proteksyon sa mga bata. Natutuwa din ako dahil sa kabilang banda ng kalye ay naroon ang mga dancers nanunuuod sa mga stunts ng mga magagaling na tamblingero. Isang eksena ng street dance talaga. Ang gara ng eksena. Nakapalibot sila sa kalye tapos puno ang kalsada at nanunuod ng battle o tamblingan. Sarap panuorin. Sa kabila ng mahigpit na kompetisyon ay tila nag-kakaisa ang bawat isa. Di sila nagpapataasan. Di sila nagyayabangan. Bagkus ay hinahangaan nila ang isa't isa at sinusuportahan. Walang yabang. Lahat alam na mas merong mas magaling sa kanila. Alam nila na isang araw mahihigitan din nila ang mga ito at kinukuha nila itong inspirasyon. Bakit nga ba nila ginagawa ang ganito? Kahit ano pang paraan nang sayaw mo ay sa huli ay nasisiyahan ba si madlang pipol. Na-e-entertain ba sya? Ang sayaw ay ginawa para magpasaya. At ang pinaka-unang katanungan na dapat nasasagot ng mga dancers ay nalulugod ba ang Diyos sa paraan ng kanilang sinasayaw at sa musika nito. Siya ang pinaka-importantemg audience sa contest. Siya nagbigay ng talento. Nagamit mo ba ng tama at wasto? Sa Barangayan, nakakapagod at nakapupuyat man ay masaya pa din ang lahat kahit na wala kang karangalan nakuha. Dahil sa Barangayan ay lahat sila magkakaibigan at nagbibigay ngiti sa lahat. Parang mas nag-enjoy ako sa ganitong set-up ng contest. Kakatuwa lang kasi mas malapit stage tapos kita mo malapitan facial expressions nila. Mas na-express ng dancers sarili nila dahil wala gaano limitations sa sayaw, props at iba pa. Yun nga lang mas mataas ang risk sa disgrasya. Entertainment value? To the highest level. Sana makapanuod ako ulit. Salamat sa Philippine Identity Crew (PhID) sa pagsama sa akin. You can freely share your comments here. |
Prof.
|